BAGSAK ang balikat ni Angelica nang makauwi siya ng bahay. Wala siyang nakuhang sagot kay Kiel dahil hindi na ito muling nagsalita pagkatapos niyang sabihing muntikang napahamak ang anak nito. Ang kirot sa kanyang dibdib ay ganoon na lamang pero wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang lahat. Sinilip niya ang kapatid sa silid nito, tahimik ito at malalim na naman ang iniisip. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang buhay nila at mababaliw si Jen kay Kiel. Dinala niya na rin ito sa psychiatrist para masuri at isa lang ang sagot sa kanya ng doctor. Iwasang sumama ang loob nito at ibigay ang lahat ng naisin. Si Kiel lang naman ang gusto ng kapatid niya kaya niya pinuntahan ang lalaki. Alam niyang babalik sa normal ang kapatid kapag bumalik si Kiel. Ang tanong ay kung papaya

