SA TUWING na nakikita ni Angz ang kapatid na si Jen ay tila dinudurog ang kanyang puso. Bakit ganun? Siya na itong sinaktan ay siya pa ang tila na may kasalanan dahil tinitikis niya ang gustong mangyari ni Jen. Tila pinapakonsensya pa siya ng kapatid. Ang maisip lang na buntis ang kanyang kapatid sa lalaking mahal niya ay torture na iyon sa kanyang buong pagkatao. Ilang beses niyarin na pinag-isipan ang lahat at isa lang ang naisip niyang solusyon at alam niya na ang solusyon na yun ay ang labis na magdadala ng sakit sa puso niya. Tumikhim siya bago siya kumatok sa bahay ni Kiel. Kahit pilit niya itong kinakalimutan ay paulit-ulit pa rin itong isinisigaw ng puso niya. Hindi madaling kalimutan ang lahat lalo na kung minahal mo ng sobra ang tao. Pakiramdam niya nga kahit na buhay siya at g

