HINDI mapigilan ni Jenyfer ang magselos dahil sa nalaman niyang magkasama na naman ang kanyang kapatid at si Kiel. Kahit ano pang sabihin ng kanyang kapatid ay hindi siya makakapayag na magtagumpay itong makuha ang lalaki. Kanya lamang si Kiel at gagawin niya ang lahat maghiwalay lamang ang mga ito. Nasanay siyang nakukuha ang lahat ng kanyang gusto kung kaya hindi niya basta basta na lamang isusuko ang lalaking minsan ay nagpatibok sa kanyang puso. Napasimangot siya ng sikuhin siya ni Jackson, ang kanyang kaibigan. "Sino na naman ba ang iniisip? Akala ko ba gusto mong magkasama tayo ngayon?" tanong pa nito sa kanya dahil tinawagan niya ito upang magkita silang dalawa. Kilala niya naman si Jackson, pagdating sa kanya hindi ito nakakatanggi, palibhasa kasi adik ito sa kanyang katawan kaya

