“I LOVE YOU,” punong-puno ng pag-ibig ang mga mata ni Kiel habang binabanggit nito ang mga katagang iyon. Yakap nito ang hubad niyang katawan at maging siya ay nakayakap din sa hubad na katawan ng nobyo. “Sobra kitang namiss. Akala ko ay busy ka pa rin,” dagdag pa nitong hinalikan siya sa noo. “Mahal na mahal din naman kita Kiel. Marami lang talaga akong trabaho na kailangan tapusin. Alam mo naman na nilipat ako sa ibang branch.” “I understand. Sobra lang talaga kitang namiss kaya kinukulit kita. Sana, huwag kang mapapagod sa akin at ‘wag kang makulitan.” “Hindi naman… Ako nga ang natatakot na baka mawalan ka ng gana dahil palagi akong busy.” “Hindi mo naman kasi kailanganna magtrabaho dahil ako na ang bahala sayo.” “Napag-usapan na natin ‘yan. Sayang ang trabaho ko kung titigi ako.”

