CHAPTER THIRTY-THREE

1043 Words

GALIT NA GALIT na nilapitan ni Kiel si Jen na nasa sala pa rin at tila inaabangan ang kanyang pagbabalik. Hindi man lang siya pinagbuksan ni Angz ng pinto kahit pa ano ang kanyang pakiusap. Labis ang pagmamakaawa niya kay Angz pero bigo siyang makausap ito at alam niya naman kung bakit. Nasaktan ito dahil sa kagagawan ni Jen at hindi niya napigilan na mangyari ang kanyang kinatatakutan. Nagtagumpay si Jen na masira ang buhay niya. “Kiel!” kaagad na wika ni Jen sa kanya. Galit na nilapitan niya ang babae. Hinawakan niya ito sa braso. Kulang na lang ay bumaon ang kanyang kamay sa braso nito kaya napangiwi si Jen. Wala man lang siyang napansin na takot sa mukha nito dahil mukha pa itong natutuwa sa mga nangyayari. “Anong ginawa mo?” sigaw niya. “Anong ginawa? Gusto natin pareho ang ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD