HANGGANG sa kanyang pag-uwi ng bahay ay hindi pa rin mapigilan ni Kiel na hindi magalit sa kanyang sarili lalo na at hinayaan niya si Jen na manalo. Ang labis na ikinasama ng kanyang loob ay ang pagtalikod sa kanya ni Angz na hindi man lang pinapakinggan ang kanyang saloobin. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nagkaganito, ngayon lang siya nagmahal ng sobra kaya naman ngayon niya lang naranasan ang sakit na ganito. Kaagad naman siyang napansin ni manang lalo na at pabagsak siyang umupo sa sofa. Pinagmasdan siya ng matanda pero tila wala siyang nakikita sa kanyang paligid. Ang kanyang luha ay kusang bumabagsak sa kanyang mga mata at hindi niya iyon kayang pigilan. Kahit pa ano ang kanyang gawin ay hindi niya kayang pigilan ang emosyon. Oo, lalaki siya at kailangan na maging matatag siya p

