NAGING sarado ang isip ni Angz sa lahat ng paliwanag ni Kiel. Ayaw niya ng makarinig ng kahit anong paliwanag para hindi na siya masaktan pa. Hindi siya nito tinatantanan at kahit sa opisina niya ay pinupuntahan siya ni Kiel. Simula nang makita niya ito at ang kapatid sa sala ay hindi na iyon naalis sa kanyang isipan lalo na ang s*x video ng mga ito... Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya niloko ng mga ito at paulit-ulit ang pagbalik ng sakit sa puso niya na halos ikamatay ng kanyang puso. “Angz, labasin mo na si Kiel dahil kanina pa ‘yun nag-eeskandalo sa labas. Nakakahiya na sa kliyente natin,” wika sa kanya ng katrabaho. Kahit kasi ang kausapin ito ay wala siyang balak gawin. Tinapos niya na ang lahat sa kanila kahit pa mahal na mahal niya ito. Tumayo siya at lumaba

