Kabanata 15.1: Birthday Banquet

1630 Words
Hindi ako makapaniwala na sa loob ng isang buwan ay inasikaso ng lahat ang paghahanda para sa aking birthday banquet. Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito... Kasalukuyan akong tinutulungan ni Mary na suotin ang blue dazzling ball gown. Ito na lang ang aking kailangan gawin bago ako pumasok sa banquet hall na kung saan ay naroon na ang lahat. "Huwag kang kabahan, young lady," nakangiting ani sa 'kin ni Mary. Nginitian ko rin naman siya. "Maraming salamat sa pagpapagaan mo ng loob ko, Mary, ngunit sa mga ganitong sitwasyon ay hindi talaga maiiwasan maramdaman ang kaba." Tumango naman siya at nag-bow sa akin bago dahan-dahan na lumabas ng kuwarto ko. Pagharap ko sa full body mirror ay napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko ay kasing liwanag ko ang buwan dahil sa ganda ko. Napatingin ako sa kwintas ko nang mapansin na nagliwanag ito nang makita ko sa salamin. Hinawakan ko ito at saka ngumiti. "Sana nga dumalo siya..." bulong ko. "Ryker!" tawag ko sa kaniya. Nandito kaming dalawa sa tambayan namin sa may tuktok ng bundok. Kung dati-rati ay sa bayan kami nagkikita, ngayon ay rito na. Masyado raw kasing delikado kung palagi kami sa bayan magkikita. Sumang-ayon naman ako dahil baka mamaya ay mabuking din ako ng mga magulang ko at kung anu-ano pa ang isipin sa aming dalawa. Nitong nakaraang linggo lang din namin nalaman na konektado ang bundok sa manor ng duke at sa bahay na tinitirahan niya kaya mas lalong napadali ang pagkikita namin. He hummed. "Why?" "Malapit na ang birthday ko..." malambing na sabi ko sa kaniya. Mabilis naman siyang napatingin sa akin. "Really?" Tumango ako. "Invited ka, ha. Kaya dapat pumunta ka," nakangusong wika ko. "Invited ako pero walang invitation card? Paano ako niyan makakapasok?" tanong niya. Nginisian ko naman siya. "Hindi mo pa ba ako kilala? Dinaig ko pa si Dora at laging handa! Oh, ito na." Binigay ko sa kaniya ang birthday invitation card ko na ako mismo ang nagsulat at may tatak na galing mismo sa akin. Malugod naman niya itong tinanggap. "Birthday banquet?" basa niya sa invitation card. Tumango-tango naman ako. "Yes!" "Will it be okay if my gift will be a little earlier than them?" he asked. "Oh... that's okay. Actually, there are people who are starting to give me their gifts for my birthday even though my birthday is still 20 days before," I explained with the expression of tired. I'm tired of receiving gifts every day! I mean, at first, it was fun but as gifts keep coming every day, it keeps piling my room and I keep writing thank you letter for them. So, that's exhausting! He laughed. Sinundan siya ng paningin ko na tumayo hanggang sa lumapit na siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kanang kilay ko nang nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Maya-maya pa ay may nilabas siyang isang maliit na box at doon niya kinuha ang isang kwintas na may pendant ng hugis crescent moon at sa tingin ko ay mayroong "mana" sa loob noon dahil patuloy itong nagliliwanag. "Ang ganda..." bulong ko. Pinatayo niya ako at pinatalikod. Doon ko naramdaman na sinusuot niya pala ang kwintas sa akin. "This is my gift to you... Yenny," he murmured. "Yenny?" ngunot-noo na tanong ko. "That will be my nickname to you," he said. Napahagikgik ako. "Grabe, ha! Ang layo sa totoo kong pangalan pero... it sounds pretty though? Yenny. Okay, I'll allow you to call me that." Humarap ako sa kaniya at doon bumungad ang ngiti niyang mas nakakasilaw pa kaysa sa araw. "Thank you for your gift." I smiled. "I want you to wear that necklace when the birthday banquet night happens. I'll surely come and greet you if you wear that," he said. Mahina ko naman siyang hinampas sa braso. "Grabe naman? So, kapag hindi ko ito sinuot ay hindi ka pupunta?" nagtatampong tanong ko. "Maybe?" pang-aasar niya rin sa akin bago ngumiti. Sinamaan ko lang siya ng paningin. "Hmmp! Bahala ka nga riyan." Patuloy pa rin siya sa pagtawa hanggang sa narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. "Happy birthday, Yenny." Napatingin ako kay Liam nang tapikin niya ako. "Nandito na tayo, young lady," nakangiting sabi nito sa akin. Tumango lang ako at sinubukan na huminga nang malalim. Pinakatitigan ko ang pinto na nasa harapan ko. Sa likod nito ay ang mga noble mages na naghihintay sa aking pagpasok. "Maligayang kaarawan, young lady," nakangiting sabi sa akin ni Liam bago niya binuksan ang pinto. Ngumiti naman ako sa kaniya ngunit hindi na ako nakapagpasalamat pa dahil pagbukas ng hall door ay bumungad sa akin ang nakakasilaw na ganda ng chandelier sa gitna ng hall, ngunit hindi lang iyon ang nakakuha ng aking pansin... Ang mga noble mages na naghihintay sa akin ay may iba't ibang klase ng tingin sa mga mata nila. Galit. Inggit. Pride. Saya. Iyon ang una kong nakita ko sa kanila. Hindi ako nagpasindak sa kahit na sino sa kanila. Nag-chin up at confident na naglakad ako sa gitna nilang lahat. Isang matamis na ngiti ang ginawad ko sa bawat isa sa kanila na nagpainis sa kanila. Patuloy lang akong naglalakad sa red carpet hanggang sa makarating na ako sa gitna. Ah! This is it! A birthday speech and also first appearance as a noble speech. "Good evening, everyone. I am Glarei..." I looked at each of them and smiled. "Oxyea. I'm glad that y'all accepted our invitation for this birthday banquet. I hope you will enjoy today's night. Thank you." Pagkagilid ko ay roon na nagsimulang lumapit ang mga nilalang sa akin at pinalibutan ako. Halos maduling na ako dahil sa dami nila ngunit nagulat ako dahil may biglang humila sa akin palabas sa gitna nila. Nagtaka ako dahil hindi na sinubukan pa ng mga noble mages na lumapit pa sa akin. Lumuhod ang lalaki na nasa harapan ko na naghila sa akin na kinagulat ko at kinalaki ng mga mata ko. Hinalikan nito ang likod ng aking palad. "Nakagagalak akong makilala ka, binibini. Maligayang kaarawan." Ngumiti siya sa akin. "Tawagin mo na lang akong Lu mula sa pamilyang Capilli." Nanlaki ang aking mga mata ngunit mabilis din akong ngumiti sa kaniya at nag-bow. "Nagagalak akong makilala ka, Lu," bati ko sa kaniya. Capilli… that's the family who handles the Blue Knight Pigeon in the East of the kingdom. It means, he is friend with my brother. Because I heard that the four sons from the four families who handle the knights are always together when there's a mission. "OM—" Napatakip ako ng bibig ko dahil sa gulat nang biglang na lang tumilapon sa kung saan si Lu. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nakita kung bakit siya tumilapon. Hindi nataranta ang mga noble mages, pakiramdam ko tuloy ay normal na sa kanila ng ganitong mga pangyayari. "Sandali lang akong nawala, sinusubukan mo na agad bakuran ang kapatid ko!" sigaw ni Yurian. Mabilis ko siyang niyakap dahil sa saya. Naramdaman ko naman ang unti-unti niyang pagkalma hanggang sa niyakap niya na rin ako pabalik. "Na-miss kita, Kuya," bulong ko. "Maligayang kaarawan, kapatid ko, at na-miss din kita," sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Nagtaka ako dahil mabilis na humiwalay sa yakap si Kuya at tinulak ako ng marahan at sa isang iglap lang ay naramdaman ko na ang tila bolang hangin na lumipad sa harapan ko. Sa isang iglap lang ay hindi ko na rin nakita si Kuya. Halos mataranta na ako at hindi na alam ang gagawin habang ang iba ay tila walang pake. "Stop it, guys! This is not a playground." Mabilis akong napatingin sa kanan ko nang may nagsalita doon at nakita ko ang isang lalaki na kasing tangkad lang ni Kuya Yurian. Someone sighed in my left so, I looked at there, and saw a man standing there too. "They literally forgot that this is a birthday banquet," ani ng nasa kaliwa ko. Napabuntong hininga na lang din ako at napailing-iling. "Kids!" an authoritative tone from someone shouted, that made the whole crowd freeze. "Dad," I murmured. Finally, they are here! Akala ko ay hindi na matatapos ang pag-aaway ni Lu at ni Yuri. "Mom, Dad!" Nagulat ako dahil sabay-sabay kaming apat na sumigaw. Si Lu, Yuri, pati na rin ang dalawang lalaking nasa kanan at kaliwa ko. Napangiti na lang ako at tinuloy ang pagtakbo patungo kanila Mom at Dad at gaya ko ay ganoon din ang ginawa nilang apat. Greeting their parents while running towards them and then hug them. I smiled when I finally reached my parents and brothers hands and warmth. Hehe... this is the heartwarming scene I saw today and will be memorable too. "Happy birthday!" bati nilang lahat sa akin. I smiled genuinely to them. "Thank you all, and it's nice to meet y'all!" I got surprised when someone pulled me and then hugged me. "Finally, I got to see you now! You know what? Your mother keeps telling us about you when she has a chance, so our curiosity about you grew and grew whenever we meet. And just like she said, you're as pretty as moon!" she cheerfully said. "Oh! Sorry," she said when she realized what she did. I smiled at her. "It's fine." "By the way, I'm Lu's Mother. The duchess of the East," pagpapakilala niya. As expected. Her blue eyes is the same in Lu's right blue eye. I knew it when I laid my eyes on her. Napag-aralan ko rin noon na ang apat na pamilya ng mga knights ay nabigyan ng titulo ng pagiging duke at duchess ng apat na city sa kaharian na ito at ang hari mismo ang nagbigay ng titulo na iyon sa kanila. No wonder why she said that she's the duchess of the east.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD