Nang tumigil siya sa pag-iyak ay bigla kong naramdaman ang paglayo niya sa akin kaya napahagikgik naman ako.
Tinignan niya ako ng may ngunot sa noo.
"Huwag ka na mahiya," pang-aasar ko sa kaniya.
Bigla namang namula ang tainga niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin.
"Manahimik ka nga!" sigaw nito.
Mas lalo akong natawa dahil alam kong naaasar na siya dahil sa akin.
Natigilan ako sa pagtawa at nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman na biglang nagbago ang kulay ng mga mata ko.
Shuta! Hindi ko napansin na ngayon pala ang ika-pitong araw kung saan ay kailangan ko ulit magpatak ng potions.
Mabilis kong tinakpan ang aking mga mata.
"Rei...? What happened?" nag-aalalang tanong ni Ryker sa akin.
Umiwas ako nang sinubukan niyang hawakan ang kamay ko.
"P-Pasensya na. Mukhang napuwing lang yata ako," pagsisinungaling ko.
"Patingin nga." Sinubukan niya pang ilapit ang kaniyang ulo sa aking mga mata.
Gusto niya yata ito ihipan bilang pagtulong.
Mabilis naman akong humakbang paatras para hindi niya mapansin ang unti-unting namumuong mga luha sa aking mga mata.
Normal lang ‘yon sa tuwing bumabalik sa totoong kulay ang mga mata ko pero kapag nakita iyon ni Ryker ay alam kong kung anu-ano ang iisipin niya. Ayaw ko rin siyang mag-alala sa akin.
"Ryker... maaari ba na humakbang ka muna ng sampung beses paatras sa akin? Puwede bang sa likuran muna kita?" tanong ko sa kaniya.
"Bak—sige... kung iyon ang iyong gusto," aniya.
Unti-unti ko namang narinig ang hakbang niya papalayo sa akin at nang maramdaman na tumigil na siya ay mabilis kong kinuha ang potion sa bulsa ko.
Mukha lang itong laruan ngunit nang buksan ko ay mabilis itong bumalik sa totoong hugis niya.
Saglit kong binuksan ang aking mata upang makita nang maayos ang potion at ipatak ito sa mga mata ko.
Nang mapatakan ko na ang mga mata ko nito ay nanatili lang nakabukas ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko na unti-unting nagbago ang kulay nito.
Tinago ko na ang potion sa bulsa ko pagkatapos noon, at pinunasan ko ang mga luha galing sa aking mga mata. Bago dahan-dahan na humarap kay Ryker.
Doon bumungad sa akin ang mukha niya na halos hindi ko mahulaan ang ekspresiyon. Pagtataka? Gulat? Pagkamangha? Pag-aalala? Hindi ko maintindihan dahil halo-halo ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Ayos na ako," sagot ko.
Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ryker...?" Kahit nagtataka man ay niyakap ko rin siya pabalik.
Ah... nasaktan ko siguro siya kanina habang sinusubukan niya akong tulungan.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Pasensya ka na sa ginawa ko sa iyo kanina. Sa tuwing napupuwing kasi ang mga mata ko, e’ nagiging sensitibo ito kaya pinapatakan ko ng gamot."
Hindi ko alam ngunit bigla kong naramdaman ang pagiging guilty. Humingi nga ako ng tawad sa kaniya ngunit nagsinungaling din ako pagkatapos noon.
I'm afraid that something bad will happen to him if ever he saw the true colors of my eyes. It is not my intention to hurt him.
I'm also afraid of what his expression will be once he saw the true me. What his thoughts will be? What will happen after he found out the truth? I'm afraid to let go of this person that I have in my hands now.
He didn't speak. We remained hugging each other until we saw the sun sets.
Humiwalay siya sa pagyakap sa akin at nginitian ako na nagpataka sa akin.
"Bakit parang ang bilis ng oras ngayong araw?" natatawang tanong niya.
"Mabilis naman talaga ang oras," pabalang na sagot ko.
Natawa naman siya na nagpangunot sa aking noo.
"Hindi 'yon joke," ani ko.
Hindi siya nagsalita pero tumigil siya sa pagtawa at tinitigan lang ako.
"Pfft!" Sabay kaming natawa ng walang rason.
Natigil lang ako sa pagtawa nang hindi na ako makahinga.
"Paano tayo makakabalik niyan sa bayan?" tanong ko sa kaniya.
Sinubukan kasi namin tignan ang paligid ngunit paglagpas namin sa mga cherry blossom tree ay may isang bayan pa ang bumungad sa amin.
Hindi ko alam kung nasa boundary pa rin kami ng North-East o nakalagpas na.
"Hold my hand," aniya.
Sinunod ko ang kaniyang inutos at sa isang iglap lang ay nasa bayan na kami. Gaya kanina ay gulat na gulat ulit ako ngunit nang tatanungin ko sana siya, pagtingin ko sa tabi ko ay wala na siya.
Teleportation again...
Tumingala ako sa kalangitan na unti-unti nang dumidilim.
"I'm wondering... why?" I sighed.
Why he can use teleportation?
Napatingin ako sa aking likuran nang maramdaman si Liam.
Isang ngiti ang ginawad ko sa kaniya. "Maraming salamat sa pagbabantay sa akin, Liam," sabi ko.
Napansin ko na napako siya sa kaniyang kinatatayuan ngunit mabilis din siyang ngumiti at lumapit sa akin.
"We shall go home now," he said.
Tumango lang ako at hinayaan siya na manguna sa paglalakad.
-
-
-
MAKALIPAS ang ilang buwan...
Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na isang buwan na lang at magwi-winter season na. Winter season... is when I celebrated my birthday, and also when everyone celebrate the end of the year.
"Rei?"
Napatingin ako sa pinto ng aking kuwarto nang marinig si Mommy.
"Yes?" malambing kong tanong.
Ngumiti siya sa 'kin at dahan-dahan na binuksan ang pinto at doon bumungad si Dad na nasa likuran niya at malambing ding nakangiti sa akin.
Tumabi silang dalawa sa akin habang ako ay hindi pa nakakabangon. Kahit kasi tanghali na ay inaantok pa rin ako gawa ng nagpuyat ako kagabi.
Nito lang kasing nakaraang buwan ay nagsimula na rin ako matuto ng iba't ibang subjects katulad ng history, literature, and more.
Nag-hired din sila ng professional teacher para turuan ako, kaso bawat araw na nagdaan ay padagdag at parami nang parami ang mga gawaing-bahay, kaya halos napuyat ako dahil tinapos ko na ang lahat ng iniwan na gawain kagabi.
"How's life?" Mom asked.
"Not bad, not good either," I answered.
Dad laughed. "Why?"
I sighed. "It's not good because I'm not informed that I also need to study history. I thought it's only all about swords." I pouted.
Both of them laughed, so do I.
"You know, what? We have the same reaction when I found out that I needed to study too, but later on, I realized that it does help a lot," Mom said.
I smiled at them and closed my eyes. "Hhhmm... I still want more sleep."
"It's already noon. You already skip your breakfast so, I won't allow you to skip your lunch too," Dad said.
"Okay, Dad."
They remained quiet for a while.
"Rei..." tawag nilang dalawa sa akin.
I just hummed.
"Next month is your birthday, right?" Dad asked.
I nodded.
"It will be your sweet 16th birthday," Mom said.
Sweet...
I smiled and opened my eyes.
"Will it be fine for you if we celebrate your birthday with a banquet?" they asked.
Banquet... that means, they will officially let the people see me as a part of Oxyea family.
If that's what they want, then it's fine for me too.
"It's fine," I said.
"It will be your first appearance with the mage nobles so, I wanted you to be extra grand on that night. Extra grand where nobody else can outshine you," Dad said.
"I might look like a party light if you wanted me to shine all night." I laughed.
They laughed too.
"I really love your humor, Rei," Dad said.
"But..." We looked at Mom when she spoke and stopped.
"She doesn't need to be that grand in her own banquet, because without even trying, she's already shining," Mom said.
Pakiramdam ko ay biglang may mga pusong naglabasan sa mata ko dahil sa sinabi ni Mom.
"Is that a compliment?" tanong ko.
"Yes."
"Your brother Yurian will also attend the banquet," Dad said.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. "Really?!"
They nodded.
"It's been a while since we last met..." I murmured.
Simula kasi nang umalis siya noon ay hindi na siya bumalik pa, pero kahit na ganoon ay hindi niya pa rin ako nakakalimutan na tawagan para tanungin kung kumusta ang araw ko.
Noong una ay araw-araw pa kaming nag-uusap, hanggang sa naging linggo, at naging buwan. Halos dalawa o kung mamalasin ay isang beses na lang sa isang buwan kaming mag-usap dahil sunod-sunod daw ang missions nila.
Naiintindihan ko naman pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil nasanay ako na si Yurian ang huli kong nakakausap bago matapos ang buong araw ko.
"Also..."
Napatingin ako sa kanilang dalawa nang sabay silang nagsalita at sabay ring tumigil. Nagkatinginan pa sila pagkatapos noon.
"Also?" I asked.
Mom sighed. "Once the spring season started... you will have to attend the academy. You will go there along with your brother."
"Really?!" I shouted. "I thought I needed to be 18 years old before entering the academy...?"
"No... but, entering the academy doesn't mean being with your brother. Once you come in there, you will have to go to train again. You need to level up your rank until you finally be with the final 9 knights. That's the top rank that you need to achieve if you wanted to be official knight of imperial family and at the same time being with your brother Yurian," Dad explained.
Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa paliwanag ni Dad ngunit nang makita ang pag-aalala sa mukha nila ay ginawaran ko sila ng ngiti.
"It will be fine so, don't worry. Trust me because I will definitely be with the top ranking knights." I smiled.