Kabanata 9

2069 Words
Nagdesisyon ako na pumunta na lang sa bayan dahil wala rin naman akong magawa sa loob ng manor. Lahat ay busy kaya wala akong maaaring libangan. Gusto ko rin naman mag-ensayo pa ng mabuti sa paggamit ng espada, ngunit pinigilan ako ni Liam dahil baka ma-sobrahan daw ako at hindi kayanin ng katawan ko ito. Nagpaalam muna kami kay Yurian bago umalis. Nag-suggest pa nga ako na gumamit na lang kami ng portal papuntang bayan para hindi hassle pero inutusan niya pa rin ang mga kasambahay na ihanda ang karwahe. "Maaari kasing sa maling lugar tayo idala ng portal at iyon ang inaalala ng young master, binibini," saad ni Liam. Nasa loob na kami ng karwahe at kasalukuyang nasa kalagitnaan ng byahe. Napansin niya siguro na kanina pa nakangunot ang noo ko. "Puwede pala ‘yon...?" tanong ko habang nakatitig sa dinaraanan namin. "Oo. Mas maalam siya sa paggamit ng portal dahil sa pagkakaalala ko ay iyon ang madalas na ginagamit ng mga “ranking knights” sa loob ng akademiya sa tuwing may mission sila," paliwanag nito. "Ranking knights?" tanong ko ulit. Napahagikgik naman siya. "Malalaman mo rin ang ibig sabihin ng salitang iyon balang araw." Napa-pout na lang ako dahil sa kaniyang sinabi pero agad din akong napangiti dahil sa senaryo na aking napagmamasdan habang nasa loob ng karwahe. Maraming mga magagandang klase ng halaman at bulaklak na makikita sa daan kaya kahit papaano ay kumakalma ang aking isipan. Pagdating namin sa bayan ay ilang beses kong nilibang si Liam para magkahiwalay kami dahil sa tuwing kasama ko siya ay pinagtitinginan kami ng mga nilalang na nakakasalubong namin, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko siya magawa-gawang ipalayo sa akin...! Hingal na hingal akong umupo sa isang bench sa tabi ng puno dahil sa pagod na paalisin si Liam nang hindi man lang niya nahahalata. Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang kaniyang pagtawa. "Bakit?" ngunot ang noo na tanong ko. "Maaari mo naman sabihin sa akin na bantayan ka mula sa malayo kung naiilang ka sa mga titig ng iba sa tuwing kasama mo ako," aniya. "Hindi ka ba ma-ooffend?" Umiling-iling naman ito. Napabuntong hininga ulit ako at napasandal sa bench. "Sige na. Bantayan mo na ako mula sa malayo at kung maaari ay maglibang ka na rin sa sarili mo. Huwag kang mag-alala dahil kaya ko naman alagaan ang sarili ko kung sakaling may panganib," utos ko sa kaniya. "Masusunod, binibini," wika nito at bigla na lang naglaho sa harapan ko. Nanlaki naman ang aking mga mata at tinignan ang paligid para hanapin siya ngunit kahit anino niya ay hindi ko na nakita. "Binabantayan niya ba talaga ako?" bulong ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula na ulit sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita akong nagkukumpulan na mga nilalang. Kahit na hindi ako ganoon kalapit sa kanila ay alam ko na kung ano ang nangyayari. "Away sa daan..." bulong ko. Mas mabuti kung hindi ako mapasama sa gulo, kaya tumalikod ako at naglakad palayo habang ang ibang nilalang naman ay papunta sa direksyon na nasa likuran ko. Napailing-iling na lang ako ngunit ako'y napahinto sa paglalakad nang may mapansin. Dahil nga may away at doon nakatuon ang paningin ng lahat ay walang nakakapansin sa kung ano ang nakikita ko ngayon... May isang matangkad na nilalang na nakasuot ng cloak at isang asong lobo na nasa human form nito. Nanlaki ang aking mga mata nang unti-unti niyang kunin ang isang maliit na bag sa bulsa ng nilalang na matangkad na iyon. Hindi naman niya ito napansin dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Tsk! Tsk! Ayaw kong mapasabak sa gulo pero... ugh! Ang hirap mabuhay ng matulungin, ha," bulong ko. Pumikit ako at sa isang iglap lang ay nasa likuran na ako ng asong lobo. Hinawakan ko ang balikat nito na kinagulat niya. "Sir, mukhang gustong-gusto mo yata ang bag na ‘yan," sabi ko. Doon na humarap sa amin ang nilalang na pinagnanakawan niya. Nagulat ako nang bigla nitong tapikin ang kamay ko at tumakbo na hawak-hawak ang pera. Napailing-iling ulit ako. "Tsk! Sayang ka, boy. May itsura ka sana kaso... hays. I'm so disappointed," bulong ko. I'm really dramatic without reason. "Liam," tawag ko sa kaniya at tinuro ang palayo na asong lobo sa amin. Sa isang iglap lang ay nakita ko na nakahandusay na ito at nakapaibabaw na si Liam sa kaniya. Nakita ko pa kung paano maglabas ng espada si Liam kaya napapalakpak naman ako dahil sa tuwa. I know this isn't the right time that I should do this but... kyah! I'm a big fan of him! Tinapon ni Liam papunta sa akin ang bag na agad ko namang nasalo. “Ikaw na ang bahala sa kaniya,” ani ko sa isipan. We're using telepathy. “Mabilis lang ako, binibini. Manatili ka lang diyan hanggang sa bumalik ako,” anito. Hindi na ako tumugon pa at tumango na lang dahil pagkatapos niya iyon sabihin ay pinakatitigan niya ako. Sa mga titig niyang iyon ay mukhang sinasabi niya na "sundin mo ako" dahil alam niyang susuway ako sa sinasabi niya. Binigyan ko na lang siya ng isang mapang-asar na ngiti bago kinawayan. Nang tuluyan na makaalis sila Liam ay agad naman akong humarap sa lalaking estrangherong ito. Mabilis kong inabot sa kaniya ang bag at agad din naman niya iyong kinuha. "Maraming salamat," pagpapasalamat nito. "Walang anuman. Mag-ingat ka na lang sa susunod. Mukhang masyadong naaakit ang ibang mga nilalang sa bag mo na ‘yan," sabi ko. Ang bag na iyon ay may laman na gold coins... sigurado ako roon. Pagkahawak ko kanina ay ramdam ko na ang bigat nito. "Ikaw? Hindi ka ba naaakit dito?" tanong niya. Pagkatapos noon ay binaba niya ang kaniyang cloak at doon ko nasilayan ang mukha niya. Nagulat ako dahil sa guwapong mukha nito at sa ganda ng mata niya. "Hindi," sagot ko sa tanong nito. "Bakit naman ako maaakit diyan sa bag mo kung mayroon naman ako niyan?" Sa totoo lang, hindi talaga ako sa bag naaakit kun'di sa mukha mo! Bakit kasi ang daming nilalang na may magagandang lahi? Ngumiti naman siya. "Mabuti ‘yon." Tumango-tango naman ako. "Ako nga pala si Rei. Ikaw?" "Tawagin mo na lang akong Ryker," saad nito. "Sige. Masaya akong nalaman ang pangalan mo, Ryker, ngunit kailangan ko na bumalik sa paglilibang. Sa muli nating pagkikita," pamamaalam ko rito. Nagpaalam din naman na siya kaya kaniya-kaniya na kaming daan na pinatunguhan. Pasensya na, Liam, ngunit mas gugustuhin ko na mamasyal mag-isa... Sumubok ako ng iba't ibang pagkain na nakikita ko sa bawat daan at hindi na rin ako nagpalagpas na bumili ng mga souvenir at pasalubong para kay Yurian at para na rin sa iba kong kaibigan na knights na nasa manor. Bumili na rin ako ng damit na komportable na puwedeng gamitin kapag nasa loob na ako ng akademiya. Hindi naman kasi puwede na mag-gown habang nag-eensayo, ‘no! Baka matalisod lang ako kapag ganoon at pagtawanan. "Bibilhin ko na po lahat ng sinukat ko," nakangiting sabi ko sa may-ari ng tindahan. "Ay! Maraming salamat po! Ipapadala ko ito sa manor ng duke agad-agad," aniya. Tumango na lang ako at binayaran ang lahat ng damit at pagkatapos ay umalis na sa tindahan na iyon. Habang tumitingin-tingin sa mga tindahan ay may nakapukaw ng aking pansin. "Witch's diary..." basa ko sa pangalan ng tindahan. May nakita akong karatula kung magkano ang bayad kapag pumasok ka sa tindahan na ito, at mukhang ang ginagawa nila ang manghula. Witches... they can only see a glimpse of scene of what will happen in the future of the creature they hold nor the past of it. Of course, some scenes are blurry that's why even the witch is not sure about the past or future of their client. Elves are different than them, because they can see the past and the future clearly. I don't know the details how and why, because Yulin never even told me more details about his ancestors and I never suspected him that he can see the future nor past. "Dapat ba akong magpahula?" bulong na tanong ko sa sarili. "Aish! Bahala na," bulong ko ulit. Dahil na rin sa kursyudad ay tuloy-tuloy akong lumapit sa tindahan pero bago ko pa man mahawakan ang pinto at mabuksan ay nagulat ako nang biglang may nakadanggi sa akin. Sa lakas ng pagkakadanggi ay napaupo pa ako sa lupa. Ang sakit no’n, ha! "Hoy—" "Rei?" Mabilis akong napaangat ng paningin nang marinig ang pamilyar na boses at doon ko nakita ang kamay niya na naghihintay na abutin ko para tulungan ako sa pagtayo. Hindi naman ako nagdalawang isip na abutin ito at pagtayo ko ay nagulat ako dahil mabilis niyang pinagpagan ang gown ko. Hindi ko alam na magkikita kaming muli... ng ganito kabilis! "Uhm... nice to see you again...? Ryker," ani ko. "Paumanhin kung nadanggi kita," paghingi niya ng tawad. "Ayos lang. Hindi rin naman kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko," sagot ko. Naging awkward na naman ang hangin sa pagitan naming dalawa nang nanatili kaming tahimik. "Magpapahula ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa tindahan na nasa gilid namin. Nanlaki naman ang aking mga mata at sunod-sunod na kinaway ang aking mga kamay biglang pagtanggi sa kaniyang sinabi. "S-Siyempre, hindi ‘no! Bakit naman ako magpapahula...?" Awkward akong tumawa. Dahan-dahan pa akong lumayo sa tindahan at tumingin sa kaniya. Nakakahiya naman kung malaman niya na ang isang Oxyea ay magpapahula! Tiyak na malaking kahihiyan iyon sa pamilya ni Yuri kapag nakarating ang balita na ito sa mga mage nobles... "Kung ganoon saan ka patungo?" tanong nito. "H-Ha? Sa... sa kilalang tindahan ng espesyal na lugaw rito sa bayan. Oo! Doon nga ako patungo," napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa kaba. "Kung ganoon ay iisang direksyon lang pala tayo papunta," masayang wika nito. "Ganoon ba..." bulong ko. Napalumbaba na lang ako dahil wala naman talaga akong balak kumain ng lugaw. Kanina pa ako kain nang kain kaya busog na rin talaga ako, pero no choice... kailangan ko ulit kumain. Habang naglalakad patungo sa pupuntahan namin ay hindi ko na naiwasan magtanong. "Kakain ka rin ba ng lugaw?" tanong ko sa kaniya. Natawa naman ito. "Nagkakamali ka, Rei. Papunta ako sa tabi ng tindahan... ang casino." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat at napahinto sa paglalakad. "You're allowed to enter there?!" tanong ko. Dala na rin ng pagkakagulat ay napa-English pa ako! "Yes." "You looks so young though" bulong ko. "How old are you then?" he asked. Tinaas ko naman ang aking kilay dahil sa pagtataka. "I'm 15." "You're younger than me." Ngumisi pa siya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nairita. Pakiramdam ko ay masyado na kaming malapit sa isa't isa kahit na kakakilala pa lang namin kaya siguro ganito ako kabilis mainis. Hindi naman kasi ako ganito kay Liam at kay Yuri kahit na madalas nila akong inaasar. Hindi ako madaling mainis at mairita, pero bakit biglang bumaba ang pader na binuo ko sa mga nilalang na nasa paligid ko pagdating sa lalaking ito?! "How old are you then?" Taas ang kilay na tanong ko. "17," proud pa na sabi niya. "You're still a M.I.N.O.R too," ngiting ani ko sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya tinignan ko rin siya ng mukha na nanghahamon. "I'm just kidding. Let's go. Let's eat the lugaw you talked about," he said. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya na nauuna sa paglalakad. He tricked me...?! "Sandali! Hintayin mo ako!" sigaw ko at hinabol siya. Pagdating namin sa tindahan ay agad kaming um-order ng tig-isang order lang. "I have something to tell you..." I murmured. "What is it?" he asked. "This is actually my first time eating lugaw here," I said. He didn't blinked for a second after he heard what I said and after that, he laughed. Mas mabuti siguro kung hindi ko na lang sinabi sa kaniya kung alam kong pagtatawanan niya lang ako. I stared at him coldly. "I'm sorry. It's just... we're the same," he said. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na rin naiwasan na matawa. "Paumanhin ngunit maaari ko bang tanungin ang pangalan ng nag-order para tawagin kapag handa na ang pagkain?" tanong sa aming dalawa. "Re—" "My name is AZ," ani ng nasa harapan ko. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. What...? Akala ko ba 'Ryker' ang pangalan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD