Kabanata 8

2089 Words
"Rei?" aniya habang diretso pa rin ang tingin sa aking mga mata. "Did y'all really finally adopted her?" masayang tanong nito sa duke at duchess. Nangunot naman ang noo ko nang marinig ang ‘finally’ na kaniyang sinabi. Nagkita na ba kami noon? "I'm happy to meet you, Rei!" masayang bati niya sa akin. "Ayusin mo ang pananalita mo, Yuri. Hindi pa sanay si Rei na marinig ang Ingles na lengguwahe," ani ng duke. Tumikhim naman si Yuri. "Paumanhin." Nginitian ko naman siya. "Ayos lang. Naiintindihan ko naman ang iyong sinabi ngunit gaya ng sabi ng duke, nakakapanibago." Sa probinsya kasi kami nakatira ni Yulin, pati na rin ang manor na pinagtutuluyan ko ngayon ay nasa probinsya kaya halos ang mga tao na nakakasalubong ko ay purong lengguwahe namin ang gamit. Ingles... tiyak ako na mas madalas iyon nagagamit na lengguwahe kapag ikaw ay nasa lungsod (North, East, West, and South). Nanggaling ba roon si Yuri? Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Yurian habang kumakain kaya agad ako nitong hinila pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng dining hall. Dinala kami ng mga paa niya sa training camp ng manor kung saan ay walang laman na kahit na sinong mga knights dahil nagpapahinga sila. "P-Pasensya na kung nagulat ka sa aking biglang naging akto," anito sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Wala ‘yon! At saka, maaari ka naman magsalita ng Ingles dahil komportable naman ako na naririnig iyon sa iyo." "Really?! Ugh! Finally... I thought you prefer me not to," aniya. Natawa naman ako dahil mas nagmukha siyang komportable sa pananalita. Umupo siya sa ground kaya ginaya ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit pero ang awkward naman kung mananatili lang akong nakatayo. "Okay. Let's introduce ourselves comfortably because you know... I can't even talk earlier because Mom's gaze is killing me." He laughed. Napailing-iling na lang ako habang natatawa dahil sa sinabi niya. "Okay," pagsang-ayon ko. "Hi! I'm Yurian Oxyea. I'm 17 years old and uhm..." He hummed. "What else?" Natawa na lang kaming dalawa matapos ang kaniyang self-introduction. "Hobbies?" tanong ko sa kaniya. "Ah! I like swords fighting, obviously. Also, I really wanted a little sister so, I'm really sorry if I looked excited right now!" He giggled. Napahagikgik na lang din ako dahil napansin ko ang biglang panginginig ng kamay niya. Hinawakan ko ang mga ito na nagpagulat sa kaniya. "OMG! Can I keep you in my pocket?" he asked. Napapikit na lang ako dahil sa pagpigil sa pagtawa. Hinayaan ko muna siya na pang gigilan ako bago ko ituloy ang itatanong ko kanina. "Maaari ko bang malaman kung ano ang kapangyarihan na mayroon ka?" tanong ko sa kaniya. "I can control fire and nature. I inherited it from my parents. My mana percentage is 75%," sagot niya. Nagulat naman ako nang sabihin niya ang kaniyang mana presence's percentage. "You're quite strong," naa-amaze na sabi ko. "I know right? Nagulat nga rin ako nang sabihin ‘yon ni headmaster, e’," aniya. "Huh? Headmaster?" tanong ko. Headmaster ng ano? Sino ‘yon? Akala ko ay kahit kailan hindi masusukat ang mana presence ng isang nilalang? "Oops! Let's just talk about it later. Introduce yourself first," he said. Ngumiti naman ako sa kaniya. "I'm glad to introduce myself to the young duke of this manor..." Hindi niya siguro inaasahan ang aking sasabihin kaya gulat na gulat siya. Mukhang nagustuhan niya yata ang sinabi ko sa kaniya. I said that as compliment and encouragement to him because I don't want him to think that I would be a rival for the succession of his family's name because I'm not interested to that. I also wanted him to be the duke in the future, a good duke that will take care of everyone. "Aish! Stop saying nonsense, Rei. I should be a knight not a duke..." He suddenly became gloomy. Hindi ko namalayan na bigla na lang kumilos ang katawan ko at niyakap siya. Tinapik-tapik ko pa ang kaniyang likuran para pagaanin ang kaniyang pakiramdam. "If Mom became a knight and duchess at the same time... so you can too. Trust yourself, K-Kuya," bulong ko. Nagdalawang isip pa ako kung tatawagin ko siyang Kuya dahil hindi pa ako sanay ngunit nawala ang kahihiyan ko nang yakapin niya rin ako pabalik. Siniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg kaya rinig na rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. "Pero ang sabi ng mga noble mages—" "Tandaan mo... ikaw ang nakakakilala kung sino talaga ang sarili mo kaysa sa kanila. Mabilis silang manghusga kahit na hindi ka naman talaga nila kilala. Pakinggan mo lang kung ano ang kagustuhan mo, Kuya," payo ko sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawa kong braso at hinarap ako nito sa kaniya. Bumungad sa akin ang isa niyang ngiti. "Alam mo... ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan. Ikaw lang ang nagsabi na nababagay akong maging isang duke," aniya. "Siyempre naman! Bilang nakababatang kapatid, hindi ba dapat ay suportahan ko ang aking Kuya?" He giggled and ruffled my hair. "Let's not be dramatic. Proceed to your self-introduction." I pouted. "Akala ko nakalimutan mo na ‘yon." "Go on," he said. Tumikhim muna ako para pampalakas ng loob. "I'm Glarei Oxyea. 15 years old and I can control fire. I don't know my mana presence's percentage. My hobbies are randomly dancing when I'm bored and practicing my skills. I also like to go to Chevalier Academy," pagpapakilala ko sa kaniya. "Oh... so, we're just two years apart? But you look so young," he said. "Is that a compliment?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Natatawa naman siyang tumingin sa akin. "If you say so," sagot nito. "Hmp!" nagtatampong ani ko. "I'm just kidding." Sandaling nanahimik ang buong training camp na mismong paghinga na lang namin ang maririnig. "By the way, you said you're interested to go to the academy. May I ask why?" he asked. "Because I'm bored." "Your just kidding, right?" he asked with unsatisfied face. I chuckled. "Yes. Actually, the real reason is not that deep... I just wanted to protect his highness." Sandali na namang nanahimik ang buong paligid matapos ko iyon sabihin dahil hindi siya umimik at halos hindi na rin siya kumukurap. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. "Ridiculous, right?" "N-No! Of course not!" he shouted. "It's just because... I can't believe it," he murmured. "Why?" I asked. "It's my first time hearing that from someone. Usually, mages who went to the academy said that they just wanted to experience being a knight or they just wanted a trill, but you... you're quite surprising," paliwanag niya. "I don't know why it's the only reason that made me wanted to be a knight? Others might laugh if they hear my reason but I don't care. I felt like I am born to protect the imperial family... the four princes," I murmured. "I hope I have that kind of determination you have," he said. Silence own us again. "Oo nga pala—" Natigil ang aking sasabihin nang tawagin kami ni Liam. "Pinapatawag kayo ng duchess," anito. Tumango naman kaming dalawa at magkahawak ang kamay na pumunta kung nasaan man ang duchess. Nang makarating kami sa hardin na paborito niya ay mabilis kami nitong pinaupo sa harapan niya. "Yuri, take care of your little sister, okay? Hindi namin alam kung ilang araw kaming mawawala ng duke dahil muli na namang umaatake ang mga nilalang na napapalibutan ng dark magic," paliwanag ng duchess. "But, Mom, who will protect the manor?" he asked. "Hundreds of knights will be with us so, in order to protect the manor, I created a strong barrier. I just hope..." She sighed. "That it will last long." Tumango naman si Yurian bilang pagsang-ayon at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko. "Alright, Mom. Take care. Come back, safely," he murmured. "We will," she said. Bago pa man tuluyan na umalis ang duchess ay tinawag ko ito na dahilan para matigilan siya. "M-Mom!" Hindi naman makapaniwalang humarap siya sa akin at ginawaran ako ng ngiti. "Please, ensure everyone's safety, including yours," I said. She nodded and waved at us. Nang tuluyan na mawala ang kahit anino ng duchess sa mata naming dalawa ni Yurian ay napatingin kami sa isa't isa. "Hindi pala maganda ang timing ng pagbalik ko rito," aniya. "Paano mo naman nasabi? Ngayon na wala ang mga magulang natin, hindi ba't mas maganda kung ipapakita mo sa lahat na karapat-dapat kang maging duke? But make sure to hold your status power without greediness," sabi ko sa kaniya. Ginulo naman ulit niya ang buhok ko. Ilang beses ko ‘tong sinuklay kanina tapos guguluhin lang pala niya. Sana hindi na lang pala ako nagsuklay. "I have a lot of questions," panimula ko. "Go on," aniya. "First, who's the headmaster you mentioned?" tanong ko. Magkatabi lang kami ngunit magkaharap kami sa isa't isa. "He's the headmaster of the Chevalier Academy," he answered. Nasasabik naman akong tumingin sa kaniya. "Ibig mo bang sabihin ay pumapasok ka rin doon?!" He grinned and slowly nodded. Tumikhim naman ako para ayusin ang sarili at makapagtanong nang maayos. "Paano mo nalaman ang mana percentage mo?" tanong ko sa kaniya. "We're in the modern world now, Rei. Kasama sa abilidad ni headmaster ang basahin ang mana percentage ng isang nilalang at siya lang ang may kaya noon," paliwanag nito. Napatango-tango naman ako. Nalaman niya siguro ang mana percentage niya nang tignan iyon ni headmaster. "Ilang buwan ka ng nasa academy?" pagpapatuloy na tanong ko. "Tatlong buwan pa lang." Bumuntong hininga siya. "At pinapasabak na agad nila kami sa mga kakaibang misyon." Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at hindi makapaniwala. "Akala ko ba ay may training bago ka ipasabak sa misyon? At saka, hindi ba't masyado ka pang bata? Narinig ko na 18+ dapat ang sumasabak sa misyon. Hindi ka rin ganoon katagalan pa sa akademiya kaya bakit...?" sunod-sunod na tanong ko dahil sa pag-aalala. "Mataas ang tingin sa pamilya natin. Alam nila na simula't bata pa lang ako ay nag-eensayo na ako kaya pinasabak na nila agad ako sa misyon pagpasok ko pa lang sa akademiya. Ang tatlong pamilya na kilala pang knight sa buong kaharian ay katulad ko rin. Mataas ang tingin sa aming apat ng mga mages kaya ang pressure ay nasa amin. Wala naman kaming magawa dahil isa ito sa mga hakbang para sumumpa kami sa hinaharap na aming tungkulin," mahabang paliwanag pa nito. "Pero tama ka. Kailangan 18+ ka bago ka makapasok sa akademiya at mag-training. Ang mga normal na mage ay inaabot pa ng dalawang taon bago sila tuluyan na ipasabak sa misyon. Pero hindi lang ang edad ang batayan sa pagpasok sa akademiya... pati na rin ang mana percentage," pagpapatuloy nito. "Sinasabi mo ba na kailangan ko pang maghintay ng tatlong taon bago tuluyan makapasok doon?" tanong ko. Umiling-iling siya. "Depende pero unang tingin ko pa lang sa iyo ay alam kong hindi na normal ang mana percentage mo." Napanguso na lang ako matapos iyon marinig. Sana pumanig sa akin ang suwerte kapag nagkita kami ni headmaster. "Ay! Mayroon pa pala akong isang tanong," wika ko. "Ano iyon?" "Nakilala mo na ba ako noon?" tanong ko sa kaniya. Mabilis na napaseryoso ang ekspresiyon niya na pinagtaka ko. Awkward naman akong napahagikgik. Mabuti siguro kung hindi na lang ulit ako nagtanong... "Sa susunod ko na lang ‘yan sasagutin. Dalawang linggo pa naman bago ako umalis dito at bumalik sa akademiya. Ipaalala mo na lang ulit sa akin," aniya. "Ah—" Hindi na ako nakapagsalita pa nang tumayo siya at dahan-dahan na binitawan ang kamay ko at umalis. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang tea na nasa harapan ko na malamig na. "Kumusta, binibini?" tanong ni Liam sa tabi ko. "Lagi ka na lang talaga sumusulpot-sulpot mula sa kung saan," bulong ko. Napakamot naman ito sa batok at natawa. Umupo rin naman agad siya sa inupuan kanina ni Yuri. "Tiyak na may rason ang batang duke kaya hindi niya agad nasagot ang iyong huling katanungan," aniya. Mabilis akong napalingon sa kaniya at nang bumungad ang nakangiti niyang mukha ay bigla na lang akong naasar kahit naman na hindi dapat. "Nakikinig ka sa usapan namin?!" "Hehe... ang trabaho ng knight na tulad ko ay bantayan ka sa anumang oras kaya hindi ako lumalayo sa iyo," sagot nito. Napahawak na lang ako sa aking sintido ay napabuntong hininga. "Oo nga pala," sagot ko. Pero... kung kanina niya pa ako binabantayan ay bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya habang nag-uusap kami ni Yurian?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD