"Nakakatampo naman. Hindi man lang nagkuwento si Yulin patungkol sa amin," nagtatampong wika ng duchess.
Napahagikgik naman ako.
"Ipapaliwanag ko sa iyo..." bulong niya. "Isa ang pamilya namin sa apat na magigiting knights ng kaharian ng Serenity. Tinatawag din kaming Black Knight Horse ng North."
Woah! Hindi ko inaasahan na ganito pala sila kagaling pagdating sa sandata. Mukhang magiging masaya ang pagtira ko rito!
"Base sa reaksyon mo ay hindi ka pa rin talaga makapaniwala," natatawang wika niya.
Nahihiya naman akong humagikgik. "Mukhang ganoon na nga po."
MATAPOS naming mag-usap ay agad akong pinatuloy sa isa sa mga kuwarto rito sa manor.
Pagpasok ko ay hindi ko na naman maiwasan mamangha dahil sa laki ng kuwarto. Mukha ngang mas malaki pa ito kaysa sa tinutuluyan namin ni Yulin...
"Hindi naman ito mukhang kuwarto para sa mga bisita," bulong ko.
"Hindi nga, binibini. Ang kuwarto na ito ay matagal ng pinagawa ng duchess at mukhang para sa iyo talaga ito," nakangiting wika sa akin ng knight na naghatid sa akin.
Siya rin ‘yong tumapik sa akin kanina...
Nag-bow naman ako sa kaniya. "Kung hindi ka komportable, maaari mo naman tanggalin ang mga pormalidad," nakangiting ani ko.
Nag-bow rin siya. "Hindi hamak na isa lamang akong knight kumpara sa iyo, binibini. Kaya malaking kabastusan kung magiging pormal ako sa iyo."
Hindi ko naalis ang titig sa kaniya matapos iyon sabihin. Ito ba ang sinasabi ni Yulin na “standard of living”...?
Nginitian ko siya. "Ganoon ba? Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"
"It's an honor, my lady." He giggled. "Tawagin mo na lang ako sa pangalan na Liam."
"Nakagagalak akong makilala ka, Liam," nakangiting sabi ko rito.
Iniwan na niya ako pagkatapos noon kaya nilibot ko naman ang buong kuwarto.
"It feels empty..." I whispered.
Siguro hindi lang ako sanay sa malaking espasyo ng nag-iisa? Pero pakiramdam ko talaga ay may kulang... hindi ko alam kung ano ngunit lagi ko itong nararamdaman.
Humiga ako sa kama at pinakatitigan ang aking kanang kamay sa hindi malamang dahilan.
Nakakapanibago ang lahat...
-
-
-
Makalipas ang isang buwan...
Sa isang buwan na paninirahan ko rito sa manor ay marami rin akong natutunan, lalo na sa paggamit ng espada. Pakiramdam ko nga ay mas lalo akong lumakas.
Tungkol naman sa pag-ampon sa akin ng duchess ay halos isang linggo lang ang naging proseso. Ganoon kabilis! Napaniwala rin nila na galing ako sa isang bahay-ampunan dahil gumamit sila ng kanilang mahika.
Mahika na magdadagdag ng memorya na hindi naman kahit kailan nangyari at mag-aalis ng memorya ng isang nilalang. Kaya halos lahat ng knights ay iyon ang pinaniwalaan.
Tanging ang duke, duchess, ako, at si Liam lang ang nakakaalam ng katotohanan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nila tinanggalan ng alaala si Liam ngunit ang sabi lang ng duchess ay pagkatiwalaan ko raw siya.
Kahit na mabilis ang naging proseso, kay tagal naman humupa ng mga bulungan sa mga nobles. Bulungan na wala namang magandang maidudulot kun'di paninirang puri.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakalabas ng manor simula nang makarating ako rito. Dahil iniiwasan ng duke at duchess na marinig ko ang masasamang sinasabi ng mga nobles.
Kahit na anong pag-iwas at pagtago ang gawin nila ay alam ko naman ang nangyayari sa labas. Ang mga diyaryo at knights na malakas ang bunganga ay siyang lagi kong pinariringgan.
"Binibini, gising na," bulong ni Mary, ang inatasan ng duke na magsilbi sa akin.
"Hhhmm..." bulong ko.
Kahit na ayaw ko pang bumangon ay napaupo na lang ako nang buksan ni Mary ang veranda ng kuwarto ko.
"Kailangan mo ng maghanda, binibini. May mahalagang bisita na darating ngayon," excited na aniya.
Nangunot naman ang aking noo dahil sa kursyudad. "Sino naman ang tinutukoy mo?"
Imbes na sagutin ang tanong ko ay siya na mismo ang naghila sa akin para makababa ako sa kama at pagkatapos ay pinapasok ako sa banyo.
"Hay, buhay..." bulong ko at napailing-iling.
Biglang nawala ang antok ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan.
Nang matapos maligo ay nakita ko si Mary na nakahanda na ang mga hile-hilerang mga elegant gowns at ang mga hair clips and make-up na paniguradong ilalagay na naman niya sa katawan ko.
"My lady!"
"Ha?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mary sa harapan ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Kanina pa kita kinakausap, ‘yon naman pala ay hindi ka nakikinig."
"Paumanhin," saad ko.
"Anong mas maganda para sa iyo? Itong kulay asul o kulay ginto?" masayang tanong nito.
"Iyong kulay asul na lang," sagot ko.
"Tamang-tama! Babagay ito sa mala-porselana mong kutis," aniya.
Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ko ito pinili, mas gusto ko lang kasi ang simple ang dating ngunit mukhang kahit anong suotin ko ay nagiging elegante ito kapag ako ang sumusuot.
Pagkatapos ako ayusan ni Mary ay bumungad sa akin si Liam paglabas ko pa lang ng pinto.
"Magandang umaga, Liam," bati ko rito.
"Ganoon din sa iyo, my lady," bati nito pabalik.
Siya na ang naghatid sa akin papunta sa dining hall.
Liam became my personal knight because the duke said so. I even said that I don't need a knight, but he insisted that's why I just agreed.
When we arrived in the hall, I saw the duke and the duchess but apart from that, I saw someone's back and his hair color is pink…
"Good morning," bati nila pagdating ko.
"Good morning," bati ko rin pabalik.
Inalalayan ako ni Liam na umupo sa tabi ng Duchess, kung saan ay nakaharap ang lalaki na may pink na buhok kaya pag-upo ko ay agad na nagtama ang paningin namin.
"Totoo nga siguro ang mga bulungan," aniya.
Tinabingi ko lang ang aking ulo nang marinig ang boses niya. It sounds familiar!
"Rei, he's our one and only son... and your older brother, Yurian Oxyea," saad ng duchess.
Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa pagkakagulat. Kaya naman pala pareho sila ng kulay ng buhok ng duchess! The duchess has colored pink hair, while the duke has colored dark green hair.
When our eyes met... he seems shocked too.