Prologue: 3rd Person POV

1245 Words
Malalim ang gabi sa isang bayan ng Kyczhan Empire na kung saan ay masagana ang lahat na namumuhay at walang kaproble-problema... ay may dalawang dayuhan na nagpunta para sa iisang hangarin. Buhat-buhat ng lalaki ang batang babae habang sila ay naglalakad upang masiguro na hindi ito mawawala sa paningin niya. Kahit na ang kasuotan nila ay kapa, na kung saan ay sila lang ang may ganoong kasuotan, ay hindi sila pinagtutuonan ng pansin ng kahit na sino dahil para sa kanila ay normal lang ito. "Yulin, narito ba tayo para bumili ng mga kagamitan?" tanong ng limang taong gulang na batang babae. Ngumiti si Yulin sa batang babae at huminto mula sa paglalakad. "Ganoon na nga," sagot naman nito. Tumango naman ang bata at bumaba mula sa pagkakabuhat ni Yulin. “Gaya ng inaasahan ay hindi ako puwedeng pumasok sa loob. Nakaka-usisa tuloy malaman kung anu-ano pa ang mga kagamitan na maaari kong makita kung papayagan lang akong pumasok,” nakasaad sa isipan ng batang babae na may pagkalungkot. Yumuko si Yulin para maabot ang batang babae at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Ano nga ulit ang aking paalala, Rei, bago ako pumasok?" tanong nito. "Huwag na huwag aalis sa aking puwesto kung saan mo ako iniwan at huwag makikipag-usap sa kahit na kanino," malambing na sagot naman ni Rei. Kahit na malambing ang tono ng boses ng bata ay mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkadismaya dahil laging siyang ginugulo ng kaniyang kursyudad patungkol sa kung ano ang nasa loob ng pamilihan na pinapasukan ng kaniyang kaibigan. "At huwag na huwag mong iaangat ang iyong kapa kahit na ano pa man ang mangyari, naiintindihan mo ba?" paniniguro ni Yulin. Yumuko naman si Rei upang maitago ang kulay ng kaniyang mga mata. "Opo," sagot ng bata. Niyakap ni Yulin si Rei bago ito pumasok sa loob ng pamilihan. Hindi pa man nagtatagal simula nang mawala si Yulin sa tabi ni Rei ay agad na hindi mapakali siya sa kaniyang puwesto, ang waiting area, dahil gaya ng ibang mga bata ay maraming katanungan si Rei tungkol sa kaniyang mga nakikita. Marami siyang gustong malaman, little scientist ika nga nila. Ngunit kahit na anong gusto niyang maglibot ay hindi niya magawa-gawa dahil ayaw niyang suwayin ang bilin ng kaniyang kaibigan na tumatayo na ring nag-iisa niyang pamilya. LIMANG MINUTOS na ang nakaraan simula nang mawala si Yulin sa tabi ng bata. Hindi naman nainip si Rei dahil sanay na siya sa paghihintay sa kaibigan. Habang nakayuko ito at pinagmamasdan ang kaniyang mga kamay ay mabilis siyang napatakip sa kaniyang tainga dahil sa narinig naingay, isang matinis na boses na nagmumula sa kung saan. Dahil nga limang taong gulang pa lang si Rei ay medyo sensitibo pa ito sa kaniyang pandama kahit na nagagawa na niyang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan. Noong una ay hinayaan niya lang ito ngunit nang pangalawa na ay sunod-sunod na ang pagsigaw ng kung sino. Tinignan niya ang mga bampira sa kaniyang paligid at nakikiramdam siya kung may naririnig din ba sila dahil 'di lingid sa kaalaman ng iba ay mas matalas pa ang pandinig ng bampira kaysa sa mga mortal na tao, ngunit tila normal lang naman ang kinikilos ng lahat. Nang pangatlong beses na niyang narinig ang sigaw ay mabilis na tumibok ang kaniyang puso at tila nahihirapan na rin siyang huminga, hindi na rin niya alam ang gagawin dahil ito ang unang beses na nakaramdam ng ganoon ang batang babae. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng estrangherong bampira na lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang balikat. Sa hindi malamang dahilan ay mabilis niya lamang tinapik ang kamay ng estrangherong bampira at mabilis na tumakbo sa kung saan... na hindi alam ang patutunguhan. HINGAL-HINGAL na huminto si Rei mula sa pagtakbo. Nang tignan ang paligid ay nagtaka siya dahil isang kagubatan pala ang natakbuhan niya. Imbes na bumalik sa kung saan siya nanggaling ay nagpatuloy lang sa paglalakad ang kaniyang mga paa na tila ba sinasabi ng mga ito na tamang lugar ang kaniyang pinuntahan. Sa patuloy na paglalakad ni Rei ay bigla na lang siyang napahinto at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Bumungad sa kaniya ang isang malaking puting ahas na kung saan ay natatamaan ng liwanag ng buwan na dahilan para kuminang ang balat nito ngunit kahit sa madilim na parte ay makikita pa rin ang pagkakinis ng balat ng ahas. Manghang-mangha siya dahil ito ang unang beses niyang makakita ng isang ahas na kakaiba. Ang kulay pula nitong mga mata na kahit sa dilim ay nagliliwanag at ang balat nitong napakakinis. Napasinghap na lang si Rei matapos matapakan ang dugo na nagkalat at nang sundan niya kung saan nanggagaling ang dugo ay napahawak na lang siya sa kaniyang bibig dahil sa gulat. Nakita niya na patuloy lumalabas ang dugo sa balat ng puting ahas kaya sa tingin niya na nasugatan ito o 'di kaya sinubukan siyang patayin o hulihin ng mga bampira o asong lobo. Nang sumigaw ang ahas dahil sa sakit ay roon lang nakumpirma ni Rei na mula nga sa nilalang na ito ang naririnig niyang iyak at sigaw na pati siya ay nasasaktan. "A-Ayos ka lang ba?" nanginginig na tanong ni Rei sa puting ahas. Alam niyang kakaiba ang ahas... dahil kahit saang kaharian siya magpunta ay hindi siya makakakita ng mga normal na kahit ano dahil lahat ay ‘magical’. Lahat din ng mga hayop ay nagagawa niyang kausapin na pinagtataka nito dahil hindi iyon normal para sa isang batang mage. The snake hissed on her as a warning but she didn't run away because she knew she need to help him. She saw the snake soaked in blood that made her more worry. "I-I won't hurt you," pagpapakalma ni Rei sa puting ahas. Dahan-dahan siyang lumapit dito at unti-unting tinanggal ang kaniyang kapa upang makita ng kabuuan ang laki ng puting ahas. Nang iangat niya ang kaniyang ulo ay agad na nagtagpo ang nagliliyab na mga mata ng puting ahas at ng kumikinang na kulay asul niyang mga mata. The snake hissed again because he was amused by what he saw, her eyes. Para hindi saktan ang kaniyang sarili at hindi matakot ang puting ahas ay gumawa siya ng isang healing barrier na kung saan ay silang dalawa lang ang nakapaloob. "Huwag kang mag-alala. Itong barrier na ito ay magagawa kang pagalingin," mahinahon na saad ni Rei. Nagtataka ang batang ahas sa pananalita ng magandang babae sa harap niya. Hindi bakas ang takot sa boses nito na pinagtaka niya. Kahit na hindi kailangan ng batang ahas ang barrier na ginawa ng batang babae ay hindi na lang siya nagsalita at hinayaan ito sa kaniyang ginagawa. Hindi niya rin naman magawang paalisin dahil pakiramdam niya ay komportable siya rito. Nang tuluyan nang mawala ang dugo ay napangiti na lang nang pagkatamis-tamis si Rei at hindi na naiwasan na pumalakpak dahil sa tuwa. “Wow... the color of her eyes changed. What kind of creature she is?” tanong ng batang ahas sa kaniyang isipan. Mas lalong nagliyab ang mapupulang mga mata nito dahil sa pagkamangha sa nakikita. Natigilan si Rei sa pagkatuwa matapos mapagtanto na may naghihintay pang Yulin sa kaniya. Bigla na lang nag-panic ang itsura niya at tila hindi alam ang gagawin. "Sige! Maiwan muna kita riyan. May kailangan pa akong balikan. Magpagaling ka," matamis na sabi ng bata bago maglaho sa harapan ng batang ahas. “She can teleport too...?” tanong ng batang ahas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD