Pagbalik ni Rei mula sa kaniyang puwesto ay sakto naman na lumabas si Yulin mula sa loob ng pamilihan.
Mabilis na nangunot ang noo ni Yulin matapos makita ang bata na tila hingal na hingal. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa nang siya ay makalapit at napailing-iling na lang ito. Ngunit mabilis na napatakip ng ilong si Yulin nang maamoy sa bata ang isang hindi pamilyar na amoy.
"Pheromones..." bulong nito.
Mabilis na hinawakan ni Yulin si Rei para mahalo ang amoy niya sa bata at para matakpan ang hindi pamilyar na amoy.
“Kanino naman kaya ito nanggaling? Napakalakas nito kahit na sa amoy lang,” saad ni Yulin sa kaniyang isipan.
Pagkatapos buhatin ni Yulin si Rei ay mabilis niyang naramdaman ang paglayo ng mga bampira sa kanila na animo'y kinatatakutan ang amoy na nakahalo sa bata.
Bumuntong hininga na lang si Yulin. "Mag-uusap tayong dalawa mamaya, Rei," seryosong sabi niya sa bata.
Napalunok naman ng sariling laway si Rei dahil sa kaba at tumango na lang bilang tugon.
Pagbalik nila sa bahay na kanilang pansamantala na tinutuluyan ay agad silang nag-usap.
Pinaupo niya sa harapan ang bata upang makapag-usap ng seryoso.
Bumuntong hininga si Yulin at sinabi sa bata na, "Alam kong mali ang iwanan ka sa kung saan-saan, Rei. Alam kong may pagkakamali ako... kaya ang gusto ko lang sana ay sagutin mo ng totoo at seryoso ang magiging tanong ko. Ayos ba?"
Napayuko naman ang bata bago sumagot. "Opo."
"Umalis ka ba sa puwesto mo kung saan kita iniwan kanina?" tanong ni Yulin.
Hindi naman nagdalawang isip na tumango si Rei bilang sagot.
Napabuntong hininga na lang ulit si Yulin dahil hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng bata ngunit alam din naman niya na may pagkakamali siya.
"Saan ka nagpunta?" tanong pa nito.
"Sa gubat po. Hindi ko alam kung saang parte ng gubat ngunit mabilis din naman ho akong nakabalik," sagot ng bata.
"Ano namang ginawa mo sa gubat?" Ngunot ang noo na tanong ni Yulin.
"May nakita po akong ahas na sugatan kaya tinulungan ko. Naalala ko po kasi ang sinabi mo na tulungan ang nangangailangan sa lahat ng oras," seryosong tugon ulit ni Rei.
Napatango-tango na lang si Yulin. “Normal lang naman na may ahas sa gitna ng gubat ngunit saan nanggaling ang amoy na nakapalibot sa kaniya kanina?”
"Ano naman ang dahilan ng pagpunta mo sa gubat?" mausisang tanong pa niya.
"May narinig po kasi akong ingay. Kaya tinakpan ko ang tainga ko tapos may lumapit sa akin na estrangherong bampira kaya dala na rin ng takot ay mabilis akong tumakbo nang 'di man lang alam ang pupuntahan," honest na sagot nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Yulin. Ang kaninang kalmadong kulay berde niyang mga mata ay kumikinang na dahil sa pag-aalala sa bata.
"Ano?! May ginawa ba siya sa iyo? Nasaktan ka ba? Nakilala mo ba kung sino siya?" natatarantang tanong ng elf na si Yulin.
Dala na rin ng emosyon ay biglang lumabas ang mahahaba at matulis na tainga ni Yulin, bumalik din ang kulay puti nitong balat. Nagsisimula na siyang bumalik sa kaniyang totoong katauhan dahil sa hindi pagkontrol sa kaniyang emosyon.
Hinawakan niya si Rei at mabilis na sinuri ang buong katawan nito. Pinaikot-ikot pa niya ang bata para masiguro na walang anumang galos ito.
Mabilis na hinawakan ng bata ang mga balikat ni Yulin na agad namang nagpagising sa kaniya at nagpahinto sa kaniyang ginagawa.
"P-Paumanhin," ani Yulin.
Napahagikgik naman si Rei at mabilis na niyakap ang kaibigan.
"Hindi naman ako nito sinaktan, Yulin, kaya huwag ka ng mag-alala pa," sabi ni Rei sa kaniya.
"Sigurado ka ba?" paniniguradong tanong niya.
Mabilis naman na tumango-tango ang bata.
“Siguro ay nanggaling sa estrangherong bampira ang kakaibang amoy na bumalot kay Rei...” bulong naman sa isipan ni Yulin.
Napabuntong hininga na lang siya at sunod na binuhat ang bata papunta sa kusina upang ayusin nila ang mga pinamili nilang dalawa.
Napangiti na lang si Rei nang magbalik na ulit sa pagbabalat anyo ang kaibigan.
“Mabuti na lang at kumalma na rin siya sa wakas. Delikado kung may makakakita ng totoong anyo niya...” wika sa isip ni Rei.
PAGKATAPOS nilang ayusin ang mga kagamitan na kanilang binili para sa gagawin nilang eksperimento ay mabilis nilang sinara ang bintana ng pinagtutuluyan, kasama na ang ilaw at sinigurado nila na walang hangin na nakakapasok sa loob ng bahay.
"Handa ka na ba, Rei?" nasasabik na tanong ni Yulin.
Napatango-tango naman si Rei bilang tugon.
Isa-isang hinulog ni Yulin sa isang malaking palayok ang mga pinamili niya sa sagradong pamilihan ito ay mga; tuka ng ibong adarna na sa loob ng isang daang taon ay isang beses mo lang mahahanap, ang kaliskis ng dragon, kakaibang balat ng ahas na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap kung kanino ito nanggaling at marami pang iba.
Manghang-mangha naman si Rei sa kaniyang nakikita dahil sa bawat paghulog ni Yulin ng mga kagamitan ay siya namang pagliwanag ng palayok.
"Sana gumana na ito ngayong gabi," bulong ni Yulin at sunod na napapikit nang maramdaman niyang naging bilog na ang buwan.
“Sana tama ang mga gamit na nabili ko. Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Rei dahil sa pagsuot niya ng contact lenses. Sana talaga...” bulong pa nito sa isipan.
Napapikit silang dalawa at pinagdarasal na sana nagtagumpay sila ngunit inabot ng ilang minutos at walang nangyari sa loob ng palayok.
Sabay na bumagsak ang mga balikat ni Rei at ni Yulin dahil sa pagkadismaya.
"Ano kaya ang kulang?" nakangusong tanong ng bata.
"Isa... isa na lang ang kulang pero hindi ko masabi kung ano! Nasa dulo ng dila ko, ugh!" angil ni Yulin.
Napapitik-pitik si Yulin at iniisip kung ano ang huling sangkap ang kulang.
"Ah!" sigaw nito nang maalala ito.
Nanlaki naman ang mata ni Rei dahil sa gulat at sunod na hinintay siya sa pagsasalita.
"Ang dahon na nasa loob ng Kyczhan Empire..." bulong ni Yulin.
"Anong klaseng dahon naman iyon?" nagtatakang tanong ni Rei.
"Isa itong halamang gamot na tanging sa loob lang ng palasyo ng mga bampira makikita," paliwanag niya.
Napatitig bigla si Rei sa kaniyang kaibigan.
"Balak mo bang kuhanin ito ngayong gabi?" tanong ng bata sa kaniya.
Mabilis na napailing-iling si Yulin habang binubuksan ang ilaw at inaayos ang mga kagamitan.
"Bampira sila, Rei. Mas malakas sa gabi at sa pagkakaalam ko ay may kakaibang dugo pa na nadaloy sa pamilya ng nasa loob ng imperyo. Mas triple rin ang pandama at kapangyarihan nila lalo na't kabilugan ng buwan at maaaring kapag pumasok ako ngayong gabi ay hindi na ako makakalabas pa," mahabang paliwanag ni Yulin sa kaniya.
"Sinasabi mo ba na binabalak mo pa ring pumasok dito?" mausisang tanong naman ng bata.
"Sa umaga—"
"Ngunit, hindi ba't sinabi mo na delikado? Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo," nag-aalalang sabi ng bata.
"Wala akong sinabi na delikado, Rei. Tiyak ako na mabait din sila. Don't judge the book by its cover, ika nga nila. 'Tsaka para rin sa ikakabuti mo ito kaya... matulog ka na," aniya.
Napasimangot naman ang bata. "Basta mag-iingat ka."
KINABUKASAN nagising si Rei na wala na si Yulin, ngunit pinaghandaan naman siya nito ng pagkain.
May isang sulat din na kung saan ay nakalagay na huwag na huwag lalabas ng bahay dahil uuwi rin agad ito.
Hindi man sinabi sa sulat ni Yulin kung saan ito pupunta ay alam naman ng bata kung nasaan siya ngayon.
Buong araw lang na naghintay si Rei sa kaibigan at para hindi mainip ay buong araw rin siya nag-ensayo ng kaniyang pisikal na lakas.
“Kailangan ko pang pag-igihan ang pag-ensayo. Sabi nga ni Yulin, mas maganda kung malakas ka sa pisikal at emosyonal dahil hindi lahat ng oras ay kailangan kong umasa sa kapangyarihan ko,” bulong ng bata sa isipan bago suntukin ang dummy na nakadisenyo para sa pag-eensayo niya.
Nang tanghalian at wala pa rin si Yulin ay kinabahan na ang bata dahil inaasahan niya na mabilis itong babalik ngunit mahina niyang tinapik ang sarili upang magising sa katotohanan.
"Kalma, self. May tiwala ako kay Yulin kaya alam kong babalik siya..." bulong ni Rei at nagpatuloy sa pagkain.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain ay bigla niyang naalala ang puting ahas kaya mabilis siyang nabilaukan. Mabuti na lang at mabilis niyang naabot ang tubig.
"Kumusta na kaya siya?" tanong niya at tinutukoy ang ahas.
Dahil hindi siya magawang patahimikin ng kaniyang kursyudad ay agad niyang binalot ang sobrang pagkain na niluto ni Yulin para sa kaniya. Nagdala na rin siya ng mga halamang gamot at mabilis na naglaho papunta sa gubat na kaniyang pinuntahan kagabi.
“Pasensya na, Yulin, kung susuwayin na naman kita...” paumanhin niya sa kaniyang isipan.
Napangiti si Rei nang sa kaniyang paglalakad ay muli niyang nakita ang puting ahas na natutulog.
Dahan-dahan siyang lumapit dito ngunit nagulat siya nang bigla itong nagising at aktong aatakihin na siya ngunit natigilan ang batang ahas na inosenteng napatingin nang makilala ang batang babae na nasa harapan niya.
“Her again? Why is she here?” bakas ang pagkainis sa tono ng batang ahas sa kaniyang isipan.
“Ang cute naman niya,” saad naman ni Rei sa kaniyang isipan.
"Gusto mo?" tanong ni Rei at inalok ng pagkain ang ahas.
Hindi naman gumalaw ang puting ahas sa kaniyang puwesto at pinakatitigan ang pagkain na dala ng bata.
Nang mapansin na gustong kumain ng puting ahas ay napangiti na lang si Rei at nilapag ang pagkain upang malaya itong makakain.
Wala pang isang segundo ay nalunok na ng ahas ang pagkain. Natawa na lang ang batang babae dahil sa kaniyang ginawa.
Umupo si Rei sa tabi ng puting ahas nang masiguro na wala na siyang iba pang sugat bukod sa sugat na nakita niya kagabi.
"Ako nga pala si Glarei. Tawagin mo na lang ako bilang Rei," nakangiting pagpapakilala niya sa ahas.
"Sss..." tanging tugon ng batang ahas.
“He just hissed. Does that mean he understood me?” Hindi makapaniwalang tanong ng bata.
“How did she entered this forest? Ugh! Glarei, huh...” bulong naman sa isipan ng batang ahas.
Pinagdikit ni Rei ang kaniyang dalawang tuhod at niyakap habang nakatitig sa puting ahas.
Mabilis naman na humiga ulit ang ahas habang nakapikit.
"Hindi ka ba komportable sa mga titig ko?" tanong ni Rei sa kaniya.
“Yes!” sigaw ng batang ahas sa kaniyang isipan. Gusto man nito magsalita ay hindi niya magawa kaya ang tanging nasa isipan na lang ng batang ahas ay habaan ang pasensya.
Bumuntong hininga naman si Rei nang hindi siya makakuha ng kahit anong senyas sa ahas o kahit na anong sagot.
"Pasensya na. Nagagandahan lang kasi talaga ako sa iyo, pati na rin sa mga mata mo," nakangiti at malambing na saad ni Rei sa kaniya.
Mabilis na napamulat ng mata ang batang ahas at muli na namang nagtagpo ang paningin nila.
“No one has ever told me that...” bulong sa isipan ng batang ahas.
Para iparamdam kung ano ang nararamdaman niya ay mabilis siyang gumapang papunta kay Rei at humiga sa kandungan nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Rei ngunit agad din siyang napangiti.
Napahagikgik naman ito. "Gusto mo pala ng mga papuri," pagbibiro ng bata.
Imbes na patulan ng batang ahas ang batang babae ay hinayaan niya na lamang ito dahil komportable rin naman siya sa paghiga sa kaniyang kandungan.
“This is the first and the last time that I will lower my pride,” bulong ng batang ahas sa isipan habang nakapikit.
MAKALIPAS ang tatlong araw...
Nang gabing iyon ay nakauwi rin naman si Yulin at nagtagumpay sila sa paggawa ng potion para kay Rei.
Ngunit imbes na umalis sa Kyczhan Empire ay sinulit na lang nila ang bakasyon nila roon dahil inisip ni Yulin na baka hindi na sila makabalik pa rito.
Kaya sa loob ng ilang araw ay tuloy-tuloy pa ring nagkita ang batang si Rei at ang batang puting ahas na kahit kailan ay hindi niya nalaman ang pangalan.
Isang linggo pa talaga ang balak nila bago bumalik sa kanilang tirahan ngunit matapos marinig ni Yulin na patuloy pa rin siyang hinahanap ng mga kawal ng imperyo ay wala sa planong umalis na sila, umalis na walang iniiwan na kahit anong bakas sa loob ng imperyo.
Natatakot kasi si Yulin na malaman ng bata na ninakaw niya lang ang halamang gamot na huling sangkap para sa potion. Ayaw niya rin na madamay si Rei kaya para sa kaligtasan nito ay agad silang nagbalik sa tinitirahan.
SAMANTALA buong araw at gabi na naghintay ang batang ahas kay Rei ngunit kahit anino nito ay hindi dumating.
Mabilis na nakapalumbaba ang ahas dahil sa pagkakadismaya.
“I didn’t know that her last goodbye again, will be our last greetings. If only she could wait for more four days, then I could finally introduce myself to her. How disappointing...”