Kabanata 2: Rei's POV

2157 Words
Makalipas ang sampung taon... "Yulin!" pangungulit ko pa sa kaniya habang nagpapadiyak. "Rei," saad niya na may halong seryoso ang boses. Napanguso naman ako. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Masama ba iyon?" tanong ko sa kaniya. "Oo," sagot nito. Bumagsak na lang ang aking balikat sa pagkakadismaya. Hays! Ganiyan naman siya palagi, e’. Simula pagkabata ko ay hindi ko naranasan makipagkaibigan dahil siya ang nagturo sa akin ng lahat, sa pag-aaral, training, kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko, pati na rin ang mga gawaing bahay. Kung ‘di ko lang siguro kilala ‘to si Yulin ay aakalin ko na siyang Nanay ko dahil buong buhay ko ay siya lang ang tumayo sa tabi ko at laging nakagabay sa mga hakbang na gagawin ko. At kahit na ganoon ay naging masaya rin naman ako. Sadyang gusto ko lang talaga maramdaman kung paano magkaroon ng kaibigan. Kung paano maramdaman na may iba rin pa lang nagmamahal sa iyo. Lumaki man ako ng puno ng pagmamahal ni Yulin, kinalakihan ko rin ang inggit sa mga batang tulad ko na nakikipaglaro at nakipagkaibigan sa iba. "Kaya ka lumaking single, e’," bulong na pang-aasar ko sa kaniya. Bigla namang nanlisik ang mga mata niyang tumingin sa akin na kinatawa ko na lang. Bigla ko tuloy naalala ang puting ahas na nakita ko noon sa gubat ng Kyczhan Empire. Siya ang una at huling nakausap—hindi naman literal na kinausap niya rin ako pabalik ngunit hindi ko maitatago na sa loob ng tatlong araw na iyon ay naging komportable ako sa kaniya. Hindi ko nga alam dito kay Yulin, e’. Akala ko babalik pa kami ulit sa imperyo ng mga bampira ngunit naghintay ako ng araw, linggo, buwan, hanggang sa maging taon na ay hindi na ulit kami bumalik pa. Ang weird lang. Umupo si Yulin sa tabi ko kaya mabilis naman akong humiga at pinatong ang ulo ko sa kandungan niya. "Yulin..." pamimilit ko pa rito. Napabuntong hininga naman siya at binaba at tiniklop ang libro na hawak-hawak. Tumingin siya sa akin habang inaayos ang kaniyang salamin na “for fashion” daw. "Hindi nga puwede," sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko. Napasimangot naman ako. "Please!" Napa-roll eyes na lang si Yulin at napabuntong hininga. Dahan-dahan nitong hinimas ang buhok ko. Napa-roll eyes na lang din ako. "Payagan mo na ako kung ayaw mo na tawagin kitang Lolo. Alam ko naman na kahit mukhang bata ang itsura mo ay kasing tanda mo naman iyong puno na nasa harapan ng bahay natin o baka mas matanda ka pa!" natatawang sabi ko sa kaniya. "Aray!" reklamo ko sa kaniya nang bigla nitong hilahin pababa ang buhok kong hinihimas-himas niya. Hindi naman malakas ang pagkakahatak niya, sadyang dramatic lang talaga ako minsan. "Umayos ka nga ng upo, Glarei! Kung ayaw mong isubsob ko itong libro sa pagmumukha mo," sigaw naman niya pabalik sa akin. Natatawa na lang akong umupo sa tabi niya. Ito ang araw-araw naming pamumuhay. Laging nag-aasaran at akala mo'y laging may nag-aaway kapag narinig mo ang sigawan namin. Normal lang naman ito para sa amin. Ito na rin ang naging pamamaraan para magkaroon kami ng oras sa isa't isa dahil simula nang mag-matured ako ay naging busy ako sa ibang bagay. Bumuntong hininga ulit ang elf na katabi ko na pinagtaka ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi lahat ng nilalang ay maaari mong kaibiganin, Rei. Hindi lahat ay kaibigan din ang tingin sa iyo. Ang iba ay mas matalas pa sa kutsilyo kung makapagsalita, matalim na tipong masasaktan ka," mahinahon na wika nito. Napahinga na lang ako nang malalim at sinabing, "Alam ko naman iyon, Yulin. Gusto ko lang naman maramdaman na may nagtitiwala rin sa akin na ibang mage kahit papaano." "Hindi lahat ay katiwa-tiwala. Masyadong mapanlinlang ang mga dila," makahulugang aniya. "Ano ang gusto mong sabihin, Yulin? Maaari bang dumako na tayo sa kung ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ni Yulin ang dalawang palad ko at pinagdikit ang mga ito. Seryoso itong tumingin sa mga mata ko. "Ang mga mage sa loob ng palasyo... huwag mo silang pagkatiwalaan. Sa loob man o labas ng palasyo ay kailangan palagi kang alerto," sabi nito. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Sinasabi ko na kakaiba maglaro ang mga ‘high ranking mages’, Rei, o kahit ang mga supremo sa loob ng palasyo," paliwanag pa nito. Nanatili pa rin ang ngunot sa aking noo dahil hindi ko pa rin maintindihan ang kaniyang sinasabi. "Kung ganoon ay kahit ang mga prinsipe na nasa loob ng main palace ay hindi puwedeng pagkatiwalaan?" tanong ko sa kaniya. "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?" tanong din niya sa akin pabalik. "Narinig ko lang. Tinatawag nga silang ‘hidden monsters princes’ na pinagtataka ko. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit?" seryosong tanong ko sa kaniya. Tinapik-tapik naman niya ang buhok ko at nagpaliwanag na, "Ang main palace ay may apat na prinsipe at siyempre ang unang prinsipe ang naging crown prince. Lahat sila ay hindi nakikitaan ng pagmamahal sa isa't isa o kahit na kanino. Hindi rin nila gusto na lumabas ng palasyo maliban kung may importanteng gagawin, kaya walang nakakaalam ng mga itsura nila. Doon na nagsimula sumibol ang mga bulungan na mas masahol pa raw sila kaysa sa tigre at lion." Bigla naman akong nalungkot. "Your eye color changed," he murmured. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na tinakpan ito. "Pasensya na. Nakalimutan kong patakan ng potion kanina," natatarantang tugon ko. Mabilis naman niyang tinanggal ang mga kamay ko sa mata ko. "Kaya ito ang dahilan kung bakit ayaw kitang payagan na makipagkaibigan sa iba, e’," aniya. Napalunok naman ako ng sariling laway. "Sumpa ba talaga ang mga mata ko?" Walang alinlangan na tumango siya. Mabilis naman akong nalungkot dahil kahit ilang beses ko iyong itanong sa kaniya ay ganoon pa rin ang magiging sagot niya. Sabi niya sa akin na kapag tumitig ako sa kahit na sino habang dala-dala itong kulay ng mga mata ko na pabago-bago ay tiyak na matatakot sa akin ang iba. May tiyansa rin na mapatay ko sila dahil sa sumpa ng kulay ng mga mata ko. Kaya simula noon ay hindi ko na nagawa pang titigan ang sarili sa salamin maliban kapag pinatakan ko na ito ng potion na ginawa namin noon ni Yulin dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nakita ang totoong kulay ng mga mata ko. Bumuntong hininga na lang ako at sinubukan na ibalik ang mga sinabi niya kanina. "Paano naman ang reyna at hari ng buong Serenity Kingdom? Hindi ba't dapat sila ang magbibigay ng pagmamahal sa mga anak nila?" tanong ko. Mabilis na naibaba ni Yulin ang kaniyang salamin at sumandal sa aming sofa. "Wala na sila," sagot niya. "Namatay sila habang naghahanap sa bunsong prinsesa na hanggang ngayon ay nawawala. Isang linggo lang nang mawala ang prinsesa ay magkasamang namatay ang hari at reyna dahil inatake sila ng isang asong lobo na dahilan kung bakit kinamumuhian ng mga prinsipe ang lahi nila. Sakto rin naman kasi na konti lang ang naging bantay sa kanilang dalawa dahil naghiwa-hiwalay sila." Mas lalo lang akong nalungkot dahil sa narinig at bigla ko na lang naramdaman na nag-init ang aking mga mata. Pinigilan ko naman na lumabas ang aking mga luha. Nakakalungkot naman... "Pero, hindi ba't malakas ang mana nilang dalawa?" tanong ko sa kaniya. "Oo... pero ang asong lobo na nakalaban nila ay nakaranas ng ‘mating season disease’ nang oras na iyon na dahilan para mawalan sila ng kontrol at mas maging malakas pa. Dahil na rin sa bilis ng kilos nito, hindi na nakalaban pa ang hari at reyna," tugon niya. Mating season disease... nangyayari lamang iyan sa mga bampira at asong lobo kapag mating season na nila. Kapag hindi nila nakontrol ang sarili ay isa lang ang ibig sabihin noon... hindi pa nila nahahanap ang mate nila o wala na ang mate nila. "Kaya naman pala wala masyadong asong lobo ang makikita sa mga bayan na napuntahan natin sa buong Kingdom," bulong ko. Maganda pa rin na hindi ito napunta sa giyera dahil tiyak na madadamay ang ibang kaharian sa away sa pagitan ng mages at asong lobo. Sandaling nanahimik kaming dalawa. Napabuntong hininga ako dahil sa bigat ng nararamdaman. "Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman ng apat na prinsipe. Nawalan sila ng kapatid at magulang nang ‘di nila inaasahan. ‘Tsaka iyong sinabi mo na hindi sila nakikitaan ng pagmamahal sa isa‘t isa...? Sino ba tayo para husgahan sila? May mga tao rin naman kasi na hindi talaga ‘showy’ ng pagmamahal kapag nasa public na lugar. May iba't ibang klase rin tayo ng pagpapakita ng pagmamahal," saad ko rito. Ngumiti naman siya at niyakap ako. "Maaari ko bang pagkatiwalaan ang mga prinsipe?" bulong na tanong ko sa kaniya. "Oo naman, Rei," nakangiting aniya. Tinitigan ko sa mata si Yulin. Nakakapagtaka lang dahil bakit hindi ko maaaring pagkatiwalaan ang iba pero ang mga prinsipe ay puwede? Dahil ba sila ay royalties? O may iba pang dahilan? Tatayo na sana ito para ilagay ng maayos ang libro sa bookshelf nang matigilan siya. "Yulin..." tawag ko sa kaniya at hinila ang dulo ng damit niya. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Kung hindi ko maaaring pagkatiwalaan ang mga supremo, ibig sabihin ay hindi rin puwedeng pagkatiwalaan ng mga prinsipe sila?" tanong ko. He chuckled sarcastically. "Sigurado ako na pagtatawanan ka lang ng mga high-ranking mages at supremo kapag narinig nila ‘yang sinabi mo." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Ang sagot ko ay... parang ganoon na nga. Kung matalino ang mga prinsipe ay tiyak na alam na nila na walang katiwa-tiwala sa mga supremo." Agad ko namang nabitawan ang damit niya matapos niya iyong ipaliwanag. Bumuntong hininga ulit ako at pinagdikit ang dalawang tuhod ko. "Yulin... maaari ba akong pumasok sa Chevalier Academy?" tanong ko sa kaniya. Bigla naman nitong nabagsak ang libro na hawak-hawak at agad na napaharap sa akin dahil sa gulat. "Ano naman ang dahilan?!" tanong nito. "Nagbago na ang gusto kong tahaking daan ngayon matapos marinig ang sinabi mo, Yulin. Gusto kong protektahan ang royalty family. Kahit na kanino ako ma-assign, kahit na sa secondary royalty pa. Basta maprotektahan ko lang sila," paliwanag ko. "Ilalagay mo naman ang sarili mo sa panganib, Rei," anito. Secondary royalty... sila ay mga prinsesa at prinsipe rin ng walong palasyo. North, East, West, at South ang main city ng buong kaharian. North-West, North-East, South-West, at South-East naman ang mga probinsya at bawat direksyon ay may palasyo, ngunit kahit na ganoon ay ang pinakasentro pa rin ng kaharian ang ‘main palace’ kung saan nakatira ang apat na prinsipe. Hindi ko alam kung bakit pa sila bumuo ng maraming palasyo. Kami lang yata ang may maraming palasyo sa loob ng kaharian. Ang Chevalier Academy naman ay ang main academy kung saan pumapasok ang gustong maging knights o warrior para sa royalties. "Ngunit para saan pa ‘yong mga naging training ko simula noong bata pa ako, ‘di ba?" ani ko. Napabuntong hininga naman si Yulin at napahilot sa sintido. "Sige, papayagan kita." Nagningning ang mga mata ko sa saya matapos iyong marinig. "Talaga—" "Sa isang kundisyon," pagpapatuloy nito. Mabilis naman akong napanguso. Sabi ko na nga ba, e’! "Ano naman ‘yon?" tanong ko. "Kailangan mong pumunta sa North-East at hanapin ang Oxyea family. Kilala sila roon kaya hindi ka na mahihirapan pang hanapin sila," aniya. "Huh? Anong dahilan?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang mga palad ko. "Isa akong elf, Rei. Kapag tinanong ka nila na kung sino ang naging guardian mo ay magiging delikado ang buhay ko dahil nag-iisa na lang akong elf na nabubuhay sa mundo. Aampunin ka nila pagpumunta ka roon. Huwag kang mag-alala dahil mababait silang lahat. Kaibigan ko rin ang pamilya nila kaya malaki ang tiwala at utang na loob ko rin sa kanila," paliwanag nito. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Yulin kaya mabilis ko siyang niyakap upang pagaanin ang loob niya. Totoo rin naman kasi talaga ang sinabi niya. Maaaring manganib ang buhay niya at buhay ko rin kapag may nakaalam na may nabubuhay pang elf sa mundong ito. "Kailangan pa ba talaga nila akong ampunin?" malungkot na saad ko sa kaniya. "Oo," walang alinlangan na sagot nito. "Hindi lang lakas ang batayan sa loob ng akademiya. Kasama na rin ang status mo sa buhay kaya kailangan mong maging kasapi sa pamilya ng Oxyea... ang kaibigan kong si Calliope na ang bahala sa iyo. Alam na niya ang gagawin. Ayaw kong mamaliitin ka nila kaya sana tanggapin mo ang magiging alok nila pagdating mo roon," paliwanag niya. Tumango-tango naman ako. "Magkikita pa rin ba tayo?" Bigla siyang nanahimik kaya agad akong nalungkot. Ngumiti naman ito. "Basta... lagi mong tatandaan na lagi akong nakabantay sa mga hakbang na gagawin mo." "Mami-miss kita ng sobra, Yulin," naiiyak kong sabi. "Ako rin," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD