Abala at aligaga ang lahat ngayon sa mansion. Kaliwa’t kanan ay makikita mong mga may ginagawa at natataranta. Marami ring nag si-datingan kanina na mga event organizer para sa araw na ito. At kung ang karamihan ay abala ako ay ito sa isang sulok nakahawak sa braso ni Timothy at halos habulin na ang pag hinga sa kaba. Nangangalay na rin ako dahil halos isang oras na kaming nakatayo at naka-heels pa ako. Pero para namang sanay sa ganito si Timothy at talagang hindi nagpapatinag, ni hindi ko manlang ito nakitang umupo ni isang beses. Abala rin kasi ito sa pagmamando at ang tanging ganap ko lamang daw dito ay samahan siya. “Hindi pa ba natin sila susunduin sa airport?” hindi ko na napigilan magtanong. “Just wait.” Napanguso nalang ako sa lamig ng tono ng boses nito. Masyado itong abala. N

