Naiiyak na pinagmamasdan ko si Stellar habang nagpapalitan sila ng vows ni Levi. Hindi ko akalain na ang anak namin na babae ang makakatuluyan ni Levi. Napakabilis ng panahon, parang kailan lang ay mga batang paslit pa lamang sila at walang inatupag kundi ang maglaro; pero ngayon, ito at bubuo na ng isang pamilya. Nilingon ko ang aking asawa na pasimpleng nag punas ng kaniyang luha. Kahit matapang at suplado ang awra nito ay hindi nito maitatago ang saya niya para sa anak niya. May ilang puting buhok na ito sakaniyang patilya at ibang parte ng buhok, pero hindi manlang ito nakabawas sa kaniyang ka gwapuhan. Kahit may edad na ay makisig pa rin ito. “Kapag nakita ka ng anak mo iiyak din iyon,” puna ko sakaniya at binigyan ito ng panyo. “I’m just happy for her. Time flies so fast, she's no
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


