Maraming nangyari sa mga nagdaang taon at buwan. May mga nawala, may bumalik, may nasaktan at may mga nag patawad at nagsisi sa mga ginawang mali. Ganoon naman siguron talaga ang buhay, kahit na may nawala kailangan mag patuloy. Hindi pwedeng sumuko lalo na kung may mga taong kailangan ang pag mamahal mo at gabay. Pinagmasdan ko ang dalawang paslit na naglalaro sa hindi kalayuan. Masaya silang naghahabulan at dinig na dinig ko ang hagikhikan. “Tignan mo kung gaano kagwapo ang anak mo. Two years old lang iyan pero mukhang maraming mapapaiyak na babae.” Hinaplos ko ang lapida na aking kaharap. Kinapa ng aking daliri ang nakaukit na pangalan doon. Tanya Ferrell Dalawang taon na taon na ang nakalipas mula ng bawiin nito ang sariling buhay. Two years old na ang anak namin pareho. “Huwag

