CHAPTER 27

2155 Words

Maaga akong nagising at halos hindi na mapalis sa aking mga labi ang ngiti. Maganda ang mood ko ngayong araw at tingin ko ay hindi iyon basta basta masisira ng kung sino man. Katulad nga nang inaasahan ko ay maagang dumating si Doña Teresa hindi pa man nagtatagal ang mga paa nito sa mansion ay biglang dumating din si Alexa. Magkasunod lamang ang dalawa. Hindi manlang ako nakaramdam ng kaba nang lumapit ang ginang dito upang tanungin kung sino ito. Alam kong maiinis na naman ito sa akin pero sapat na rin na malaman kong kahit anong mangyari ay nasa tabi ko si Timothy. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagkagulat ng magandang mukha ni Alexa. Ilang minuto pa ay naglakad na ito pataas, patungo sa aking direksyon, “Ate! Bakit hindi mo naman ako sinabihan na nandito na ang mama ni Sir Tim!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD