CHAPTER 5

2160 Words
Naalipungatan ako ng maramdaman ko ang bahagyang pag lundol ng kamang kinahihigaan ko. Isang magaan na tapik ang tuluyan nagpamulat saking mabibigat na mata. “Deli, gising na.” Dahan-dahan akong umikot pagawi sa pinanggalingan ng boses. Kahit pupungas-pungas ay agad kong nakilala kung kanino iyon. Iginala ko ang aking mata sa buong silid.May kadiliman iyon dahil sa kulay. Ilang segundo pa bago nagbalik sakin ang mga ala-ala ng nangyari kagabi.Para namang kusang nabuhay ang diwa ko na mapagtanto na andito parin pala ako sa silid kung saan ako iniwan ng lalaki kagabi. Dito na pala ako nakatulog at hindi na nakauwi. Pinagkaiba lamang ngayon ay may takip na akong kumot sa hubad kong katawan. “Feli, yung kapatid ko teka anong oras na ba? Walang kasama iyon. Sabi ko uuwi rin ako agad.” Hindi pa man nakakasagot ito ay pinilit ko ng makatayo. Ganon nalang ang pag ngiwi ko ng maramdaman ang sakit na nagmumula sa pagitan ng mga hita ko. Ramdam ko rin ang pananakit ng mga kasu-kasuan ko ng sinubukan kong tumayo. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na nagsisilbing takip ko sa kahubaran ko. Naramdaman ko naman ang pag-alalay ni Feli sakin. “Mukhang pinagod ka ni Fafa kagabi ha,” pagbibiro nito at umiling nalang ako. Ayoko munang pag-usapan ang bagay na iyon. Nakailang subok ako tumayo ngunit ay bigong napaupo nalang ulit ako sa kama ang nakaalalay na si Feli ay umupo nalang muli sa tabi ko. “So tell me? Wild siya no? Grabe ilang beses ko palang siya nakikita rito pero unang dapo ng mata ko sakaniya gusto ko ng tikman ang kaso eh hindi ata ako tipo non kaya swerte mo unang salang mo siya agad customer mo.” Para pa itong nagde-daydream habang sinasabi iyon sakin. Ilang beses na pala siya rito? Siguro ay isa na yon sa loyal customer dito at mukhang sa mga salita palang ni Feli ay kilala na niya ang lalaking yon. Inalog ako nito ng hindi ako nagsalita, “Ano kaba deli huwag ka madamot magkwento ka naman!" Ngumiti ako ng tipid, “Wala akong ikukwento.” Totoo namang wala, anong ikukwento ko? Kung paano ko nasira ang gabi ng lalaking yon? Nakakahiya pa kay Feli baka mapagalitan pa ito ng manager namin pag nalaman ang ginawa kong katangahan kagabi.Kung bakit din ba kasi ako hindi nag-iisip ng ayos? “Osiya hindi na kita pipilitin kung nahihiya ka. Ito nga pala oh,” may kinuha ito sa bulsa niya na isang cheque at inabot iyon sakin. Kunot noo ko naman siya tinignan. “Bigay sakin yan ni Boss kanina, bayad daw sayo ni Fafa kagabi. Sabi sayo swerte mo eh ang laki ng bigay niya.” Tinignan ko ang nakasulat doon, 70,000 pesos. Ang laking halaga non para lamang sa s*x na hindi manlang naging maayos. Pero bakit binayaran parin niya ako kahit ganon? At ang laki ha. Mukhang nabasa ni Feli na may kung anong bumabagabag sakin pero nakahinga ako ng maluwag na hindi ito tumugma sa kung ano talaga ang iniisip ko. “Huwag ka mag-alala hindi ko babawasan yan at hindi ako hihingi ng commission. Ipambayad mo yan sa mga kailangan niyo ni Buboy,” hinagod nito ang likod ko. May munting luha naman na kumawala sa aking mata. Hindi man maganda ang naging ugnayan namin ng lalaking iyin kagabi ay siguro marapat lamang na pasalamatan ko siya kung sakaling magkrus muli ang mundo namin. “Feli, kilala mo ba siya?” sumilay ang nakakalokong ngiti niya mahina ko naman siyang tinulak ng mapagtanto ko kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. “Ikaw, Deli ha. Hindi naman sa bawal ma-inlove sa mga customer natin lalo na kung malaki ano nila,” humagikhik ito at hindi ko napigilan mapairap ng pabiro rito. “Osiya hindi naman kita mabiro eh. Pero mag-iingat ka sakaniya, Feli. Siguro dalawa na sa nakasex non dito ang hindi na nakabalik at after ng session nila ay sa ospital ang bagsak," nakaramdam naman ako ng kaunting takot pero nanatili akong tahimik. Masamang tao ba siya? Pero kung masamang tao siya hindi niya ako para bayaran. Dahil parehas naman naming alam na ako yung naging pabaya sa trabaho kagabi. “Bakit daw?” nagkibit balikat ito. “Yung isa ang sabi nagkasakit tapos yung isa nabalian daw. Pero may ilang chismis na nakalat dito sa bar na yang si Tim ay walang control sa sarili habang nakikipagsex ito kaya ending? Ayon kawawa mga babae,” muli nitong kinapa ang bulsa ng suot na short pero ngayon ay isang stick ng sigarilyo ang kinuha nito mula doon at sinindihan yon. “Tim?” ibinuga nito ang usak sa kawalan. Naningkit ang mga mata nito sakin, “Hindi ka talaga pamilyar sakaniya?” Umiling ako at siya naman ay bumuntong hininga, “Tim....Timothy Gornez. Isa siyang kilalang Business tycoon dito sa Pilipinas , Deli. Try mo bumili ng TV o kahit magazine madalas mo siya makikita doon tutal may pera ka naman na.” Timothy Gornez? Isang business tycoon? Nabanggit na minsan sakin ni Feli na talamak dito ang mga mayayamang bachelor's dito sa bansa pero hindi ko naman sukat akalain na sakin mapapatapat ang isa sa mga ito. Tumayo ito at saka iniabot sakin ang aking damit. Napansin ko na may t-shirt doon marahil ay siya na mismo ang nagpahiram sakin ng damit. Tahimik na kinuha ko iyon at tipid na ngumiti. Bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ay muli ako nilingon nito, “ Deli, parehas na oras mamaya.” Napabuntong hininga nalamang ako ng marinig ko ang pag tunog ng sliding door hudyat na nakasara na muli ito. Tinignan ko ang damit na iniabot sakin ni Feli at unang isinuot ko at ang gray na t-shirt na naandon. Pagdating sa aking panty at short ay kinakailangan kong tumayo. Nanlalambot parin ako at sobrang sakit parin ng nasa pagitan ko kaya ay humugot ako ng pwersang sa maliit na lamesita na nasa uluhan ng kama. Kahit mahirap at halos nakailang beses ako kamuntikan matumba ay nairaos ko naman ang aking pagbibihis. Ang mga unan ay inayos ko, kahit na alam ko na papalitan din naman ito. Napadako ang aking mata sa bahid ng dugo na sa kama na hindi naman gaanong kita dahil sa itim ang kulay ng bed sheet. Mapait akong napangiti. Totoo ngang naibigay ko na kagabi ang aking sarili sa taong hindi ko naman kilala. At wala nakong mababago doon ito ang trabaho ko, ginusto ko. At kapalit non ay ang perang tangan tangan ko ngayon.Ibinulsa ko ang cheque na hawak ko at umalis na rin sa kinaroroonan ko. ——— NANG makarating ako sa eskinita namin ay ganon na lamang ang gulat ko ng makita na nagkakagulo sa harapan ng bahay namin. Ganon nalamang din ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko ng mabosesan ko ang palahaw na iyak ng isang bata. “Tabi! Buboy! Buboy!” wala na akong pakielam kung may magalit sa ginawa kong pagtulak. Mas mahalaga sakin ang kalagayan ng kapatid ko ngayon. Nahawi ang kumpol ng mga tao at ganon nalamang ang pag usbong ng galit sa dibdib ko ng makita ko si Aling Marita na tangan tangan ang kapatid ko sa braso niya at nagpupumiglas ito. Sa likuran niya ay ang dalawang tanod na minsan na rin siyang sinamahan dito ng sumugod ito. Agad kong nilapitan si Buboy at pilit na inalis ang pagkakahawak ng matanda, “ Aba! Nagpakita ka ring hayop ka! Asan na bayad mo?!” Hindi ko pinansin ang sinabi niya inuna kong tignan ang braso ng kapatid ko. Namumula iyon at bakat ang kamay ng matanda kitang sobrang higpit ang ginawang pagkapit nito doon. “Sino ka para saktan ang kapatid ko?!” dinuro ko ito at nagpameawang naman ito. Isang ngisi ang pinakawalan nito. “At ngayon ikaw pa may ganang mag matapang? Ikaw na nga may utang ikaw pa matapang? Asan ang hiya mo?” lumakas ang bulung-bulungan sa paligid dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang cheque na nasa bulsa ko at inihagis iyon sakaniya, “Ayan ang pera mo! Sobra sobra na rin siguro yan ” Nanlaki ang mata niya marahil sa halaga ng cheque na yon, “S-Saan ka nakakuha ng pambayad?” pilit nito pinatapang ang boses niya. “Huwag kana magtanong at wala kana rin don. Hindi ba ayan ang gusto mo? Pera. Gusto mo makuha yung pinagmamalaki mong pera?! Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Bayad nako! Wala na kaming utang na loob sayo! Umalis kana!” ramdam ko ang paghigpit ng yakap ng kapatid ko sakin. “Mayabang kana ngayon, Delila. Hindi porket nakabayad ka sakin ay mataas kana. Marahil sa madumi mong paraan ito nakuha. Pero huwag ka mag alala wala nakong habol sayo.” sinenyasan nito ang dalawang tanong na kasama. Pinagbuksan ng mga ito ng sasakyan si Aling Marita. Bago pa tuluyang maisara ang kotse nito ay muli akong nagsalita. “Siguro nga nagkaroon ako ng utang na loob sainyo, pero hindi sapat na rason yon upang maliitin mo kami. Hindi sapat na rason iyon para ituring mo kaming basura at saktan ang kapatid ko. Hindi na bale ako pero yung idamay mo kapatid ko? Wala kang pinagkaiba sa mga mababang uri ng tao.” hindi ito umimik at tinaasan lamang ako ng kilay. Tuluyan na ring nawala sa aking paningin ang kotse nito. Tinapunan ko ng tingin ang dalawang tanod na kasama ng matanda kanina at ang mga taong nakapanood parin samin, “Kayo?! Anong tinitingin-tingin niyo pa riyan?! Sa halip na tulungan niyo kapatid ko pinagkumpulan niyo pa! Kung sainyo mga anak niyo to nangyari at ni isa walang tumulong? Ano nalang mararamdaman niyo bilang nanay at kapatid? Mga wala kayong malasakit! At kayo!” duro ko sa dalawang tanod na basta nalang nakatayo at pasipol sipol. “Anong silbi niyo bilang tanod kung basta nalang kayo riyan nakatayo habang may inosenteng bata na sinasaktan na sa mismong harapan niyo? Tinawag pa kayong tanod kung mismong gulo rito pinapanood niyo lang at nagpapasuhol kayo sa pera! Umalis na kayo! Layas! Tapos na ang palabas!” Hindi ko na pinansin ang mga bulung-bulungan muli nila at hinigit na papasok ang kapatid ko. Pabagsak kong isinara ang kahoy naming pintuan at agad na sinipat ang munting braso nito. Namumula lang iyon at wala namang sugat pero sigurado ako na baka mamasa ito. Ang maliliit nitong kamay ay dumako sa mukha ko dito ko lamang napagtanto na kanina pa ako naiyak dahil sa marahan nitong pagpunas sa luha ko. “Ate, ayos lang po ako. Huwag kana po umiyak,” niyakap ko ito at hinagkan sa kaniyang ulo. “Sorry, Buboy, sorry kung medyo nahuli si ate hayaan mo hindi na yon manggugulo bayad na tayo.” hindi ito umimik ilang minuto rin kami sa ganong lagay maya maya pa ay humiwalay na ito sa akin at tinignan ako. “Okay na po ate wala na yung bad po,” mapait akong ngumiti at pinahid ang ilang butil nitong pawis. “Ate bakit ngayon kalang po?” huminga ako ng malalim. Hindi ko parin pala sinasabi kay buboy kung saan ako nagtatrabaho. Hindi na rin niya dapat malaman pa. Ang alam lang nito ay may bago akong trabaho. “Diba sabi ni ate sa work? Nalate lang ng uwi si ate kasi ano maraming ginawa doon sa work ni ate." masakit para sakin ang hindi magsabi ng totoo sa kapatid ko pero iyon ang makakabuti sakaniya. Laking pasalamat ko nalang din na hindi niya naunawaan ang sinabi ni Aling Marita kanina dahil hindi ko alam kung paano lulusot sa ganong sitwasyon. ————— MALALIM na ang gabi pero gising parin ako. Pinagmasdan ko ang natutulog kong kapatid. Malalim na ang paghinga nito senyales na tulog na tulog na ito. Tumalikod ako sa gawi nito. Patuloy parin akong binabagabag ng mga nangyari kagabi at kaninang umaga. Hindi rin ako pumasok sa trabaho ko ngayon dahil mas kailangan ako ni Buboy. At ang isa pang dahilan ay masakit pa ang p********e ko dahil sa nangyari. Ang binayad sakin ay nauwi lahat sa utang at ngayon isa pa yon sa pinoproblema ko. Balak ko sana ibili ng bagong gamit si buboy at ilang gamit iyon dito sa bahay ngunit sinira lahat iyon ni Aling Marita. Sa bugso rin ng damdamin ko ay hindi ko na naisip pang naibigay ko lahat sakaniya ang unang sweldo ko. Tumayo ako sa papag namin at dumeretso sa kusina upang uminom ng tubig. Marahil kinabusakan ay uulanin ako ng sermon at ng tanong ni Feli dahil kanina pa ito tumatawag sa de-keyppad kong cellphone. Bukas nalang ako magpapaliwanag sakaniya. Sa ngayon ay gusto ko muna magpahinga at mabura sa isip ko panandalian ang mga nangyari. Gusto ko munang makalimot sa mga problema. Gusto ko munang makalimutan ang mga nangyari kahit ngayong gabi laman. Gusto ko munang alisin sa isip ko ang unang lalaking nakagalaw sakin, si Timothy Gornez...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD