CHAPTER 6

2289 Words
Katulad nga ng inaasahan ko ay nakatanggap ako ng sermon kay, Feli. Umaga palang ay pinuntahan na ako nito sa bahay at tinalakan at pagsapit ng gabi ay ito pa mismo ang sumundo sakin sa bahay para masigurado nito na hindi na ako muling tatakas. “Delila naman sa susunod na absent ka or hindi mo kaya pumasok magpasabi ka ha?! Hindi yung kahit text ko hindi mo sasagutin, unang gabi mo palang dito nung isang gabi nang indian kana agad kinabukasan. Kung alam mo lang gaano ako tinalakan ni boss na kesyo dapat hindi ko na muna inabot sayo ng buo bayad mo. Kung hindi lang talaga ako naawa sayo at sa kapatid mo eh,” sa bawat galaw nito ay makikita mo ang pagkairita nito. “Pasensya kana, Feli. Nabigla kasi ako,” pag-amin ko. Totoo namang nabigla ako. Hindi ako ganon kahanda ng pasukin ko itong trabahong ito at napatunayan ko iyon ng may mangyari samin ng Timothy na iyon. Maging ang lalaki na yon ay paulit ulit na sumisingit sa utak ko. Unang beses palang nangyari pero hindi ko mawari kung bakit hindi ko siya matanggal sa aking isipan. “Hay naku, Delila ha! Kung hindi mo masikmura tong trabaho na to sabihan moko hindi yung basta ka nalang di papasok. Alam mo namang iba ito sa mga sideline mo rito dati. Madaling makapasok pero mahirap makalabas. Hindi lang basta pera usapan kasi rito kundi yung mga lalaki na ikinakama tayo, gets mo? Iba sakanila gusto makasigurado na hindi lalabas mga pina-gagawa nila at kung sino sila,” umupo ito sa upuan na nakaharap sa mga babaeng nagsasayaw sa unahan. Malalaswa ang bawat galaw nila at may mga lalaking nasa harapan ng stage nagtatapon ng pera. Hindi naman ito ang unang beses na masilayan ko ito, noong una ay yung sinadya ko palang si Feli rito. “Sinasabihan kita hindi dahil sa inis ako sayo. Gusto ko lang na malaman mo patakaran dito, may ilang babaeng napapakulong ng mga kaniya kaniyang asawa dahil sa iba rito tuluyan ng naging kabit at napagkamalang kabit.” Nakita ko pa ang pagbuntong hininga nito nang makasandal ito ng komportable sa kinauupuan nito. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa padalos dalos na desisyon ko nitong mga nakaraang araw. “Sorry, Feli.” Hinawakan nito ang kamay ko bilang paninigurado na ayos na at wala na akong dapat ikabahala pa. Isang tipid na ngiti rin ang ibinigay nito sakin at tumingin sa kaniyang orasan, “Deli, pasok kana sa VIP room may nag-aantay sayo don.” Hindi na ako nag inarte at agad ding tumayo. Wala na rin naman dapat ikaarte dahil wala na rin naman ang aking iniingatan at isa pa, kailangan ko ng pera para saming magkapatid. Tahimik kong tinahak ang kwarto kung saan ko unang ginawa ang aking trabaho. Kung kanina ay puno ng pag-aalala ang aking isip ngayon naman ay tanong at pagtataka. At bakit hindi? Andito ang lalaking akala ko ay hindi ko na makikita pa. Isang beses pa lamang ang aming naging pagkikita pero kilala ko na agad kung sino ito sa unang tingin ko pa lamang. Agad na binaha ng kaba ang puso ko ng lumingon ito sakin habang sumisimsim sa kopitang hawak nito. Kaswal itong nakaupo habang nakadekwatro. Ang suot nitong polo na puti ay nakababa ang dalawang unang butones at suot parin nito ang itim na tuxedo nito. Sa tansya ko ay dito na agad ito dumeretso pagkatapos ng mahabang araw nito sa opisina. Bakit siya nandito? Hindi ba’t sinira ko ang naging usapan namin ng nakaraang gabi? Hindi ba’t galit ito sa akin kaya niya ako iniwan ng gabing iyon? “Sit,” ang malamig at malalim nitong boses ang nagdulot sakin upang makaramdam ng kung anong kaba sa aking puso. Marahan ang aking naging pagkilos. Hanggang sa makaupo ako sa harap nito ay hindi ko magawang tumingin dito ng diretso. Tahimik lamang ito habang nagsasalin ng alak sa kaniyang kopita at muli itong ininuman. “Delila Marasigan, 23 years old. Your mother died due to tuberculosis while your father suffered from colon cancer, you were just 18 back then and needed to work to support your brother who was 3 that time— Francis Marasigan or should I say Buboy?” sumilay ang ngisi sa makipot at mapula nitong labi. Ganon na lamang ang gulat ko sa mga narinig ko mula sakaniya. May kung anong galit ang bumangon sa aking puso. Matagal na ang mga nangyari pero sariwa parin ang lahat ng iyon sa aking isipan. Hindi biro mawalan ng magulang at hindi rin biro tumayo sa sariling mga paa sa murang edad. “Paanong—” tinanggal nito ang kaniyang tuxedo at ipinatong iyon sa sandalan ng sofa. Tinanggal din nito ang cufflinks na suot bago muling idinapo ang bughaw nitong mga mata sa akin. Napansin ko pa ang pagpasada nito ng tingin sa kabuuan ko. “I have a proposal for you, Delila.” seryoso ang boses nito at akala mo ay nag aalok lamang ng negosyo sa kapwa nito business man. Sumenyas ito at sa kung saan ay lumabas dito ang isang lalaki, nakita ko na ito noong unang gabi ko rito. Ito ata ang kaniyang body guard. Panandalian itong tumingin sakin bago umalis. May inabot itong kulay brown na envelope sa boss nito bago ito tuluyang umalis. Inilapag nito iyon sa lamesa bago itinulak sa tapat ko. Bumaling ang ulo nito at tila pinag aaralan ang bawat magiging reaksyon ko. Labag man sa loob ko ay kinuha ko at binuksan iyon. Ganon na lamang ang pagkunot ng noo ko sa nabasa ko. “Contract?” humawak ito sa baba niya na tila nag iisip. “Yeah,” kaswal nitong sagot. Nag-init naman ang ulo ko. Una ay basta nalang ito nag background check sa buhay ko at ngayon naman ay kontrata? Ang mga nagagawa nga naman ng pera. Ang mga katulad niya ay akala nila mabibili nila ang kahit sino ng kanilang pera. “Hindi ko matatanggap yan.” “Hindi mo pa nga nababasa ng buo at hindi ko pa nga naipapaliwanag sayo ang pinapaloob ng bawat kondisyon diyan,” inalis nito ang pagkakadekwatro nito ng upo. “Unang basa ko palang alam ko na kung saan ito papunta. Hindi pa ba sapat yung nangyari ng nakaraang gabi?” tumawa ito ng mapakla. “You’re stubborn and I like it.But, I believe we'll both benefit from this.” Pakiramdam ko ay ano mang oras ay sasabog na ako. Siguro nga ay bayaran akong babaeng maituturing pero hindi pa ganon kababa ang dignidad ko upang sumuong na naman sa sitwasyon na labag sa aking kalooban at kadangalan. “Kung gusto mo lang ng pagrarausan pwede ka naman pumili ng iba. Maraming babae rito sa bar na papayag sa proposal mo, pasensya na po.” Patayo na ako ng bigla muli ito magsalita, “I must say you're a bit tough to handle with. Katulad nga ng sinabi mo maraming babae diyan na pwede kong kuhanin to warm my bed but I want you. I think I also have the right to have you I paid you more than what you need last time.” Ang kapal! Napakayabang! Ganito ba ang mga mayayaman? Ganon nalang ba talaga kababa tingin nito sa mga nakapaligid dito? Isang bagay na pwede mong bayaran pag gusto mo ng serbisyo nito pero pag wala na? Itatapon ka nalang ng parang basura. Pinanindigan ko ang sagot ko, “ kung iyon po ang dahilan ng lahat ng kabaliwang ito marahil siguro ay ibalik ko nalang po sainyo ang bayad.” Nabigla man sa aking sinabi ay pilit kong hindi iyon ipahalata sakaniya. Dumukwang ito, “ how will you repay me? Pinambayad mo na iyon sa utang hindi ba?” Isang ngiting wagi ang gumuhit sa labi nito. Pati iyon alam niya? Mukhang wala akong maitatago sa lalaking ito dahil mukhang alam nito ang pinapasok niya. Pero kahit anong mangyari ay hindi ako papatinag. “Pasensya na po, Sir. Matigas na ang loob kung matigas pero hindi ko kaya ang gusto niyong mangyari,” nag isang linya ang labi nito. Tansya ko ay nagtitimpi na lamang ito. Pwes, wala akong pakielam. Buhay ko ito at sa tingin ko ay may karapatan naman ako humindi para sa sarili ko. “I’ll pay you, give you incentives if that's what you want. I can also fund your little brother's education so it wouldn't be a problem for you,” nakita ko ang dila nito sa ibabang labi niya at ang pagbuntong hininga nito. “Hindi na po kailangan. Katulad nga po ng sabi ko kanina ay hindi ko matatanggap ang inaalok mong proposal. Kung babawiin mo ang binayad mo sakin parasa nakaraang gabi, gagawin ko. Kahit hulog l ko sayo,” Naningkit ang mga mata nito. “Pay me using what? Yung mga binayad din sayo ng mga lalaking ikakama mo sa mga susunod na gabi? Hindi ba mas okay magiging set up natin, hindi ka magpapalit ng lalaki pero makakatanggap ka parin ng tamang bayad.” May laman ang kaniyang mga salita na nagdulot sakin upang mas kamuhian siya, “ Wala kana sa gusto kong gawin maging sa katawan ko at sa buhay ko. Nagpapasalamat ako at ako ang unang sumagi sa isip mo na alukin ng ganitong trabaho pero tama ka naman eh wala parin ito magiging pagkakaiba sa trabaho ko. Tanging magiging iba lang ay hindi ikaw ang paliligayahin ko sa kama, kundi iba’t ibang lalaki kada gabi.” Hindi ko man gusto maging bastos pero dulot na rin ng tensyon, kaba at ng galit na nararamdaman ko ay hindi na ako makapag isip kung tama pa ba nalabas sa bibig ko. Wala na akong pakielam kung sobrang dumi na babae na ang tingin nito sakin ngayon, dahil ano bang pinagkaiba niya sa mga lalaking naparoon at parito dito sa bar? Pare parehas lang sila na tawag ng laman ang dahilan kung bakit andito sila. Kaya hindi ko mawari bakit niya ako inaalok ng ganitong bagay gayun madali para sakaniya makakuha ng babaeng pupuno sa libog niya. At hindi ko rin maisip bakit kailangan pa na ganito kung nakakakuha naman siya ng babae kada isang gabi rito. Tumayo na ako at ng palagpas na ako sa harap nito ay gayon na lamang ang pandilat ng mata ko sa sunod nitong ginawa. Hinila ako nito dahilan upang mapahiga ako sa sofa at siya ang pumaibabaw sakin. Ang mga kamay ko ay iginapos niya sa kaniyang palad at inilagay ito sa ulunan ko. “Delila.... Delila... You don't know what you're doing.” Ramdam ko ang pagdag-an nito sakin. May kung anong kislap sa mga mata nito nang magtagpo ang tingin namin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito na hinaluan ng amoy ng alak. Ang labi nito ay bumaba sa aking leeg at marahan iyon dinilaan. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng paghagod ng mainit nitong dila sa aking balat. Ang kaninang dalawang kamay nito na nakahawak sa akin ay naging isa, dahil ang isa nitong kamay ay naging abala sa paghagod at pisil sa aking dibdib kahit na suot ko pa ang pang itaas ko. Patuloy lamang ito sa kaniyang ginagawa. Hindi ako makawala sa kaniya dahil ang bigat nito ang siyang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw. Sinigurado niya na kahit ang isang kamay niya ay abala sa pagroromansa sakin ay hindi ako makakawala. Sinakop nito ang aking mga labi at ginalugad ang bawat sulok nito ng kaniyang dila. Impit na ungol ang kumawala sakin dahil sa kaniyang ginagawa. Dito siya tumigil at pinakawalan ako. “Sorry, but you can't have me tonight.” sumilay muli ang nakakalokong ngiti nito. Ngiti na animoy nanalo. Inayos ko ang sarili ko maging ang buhok ko na nagulo. Tumayo ako at tumikhim bago magsalita, “Maaring pumayag ako na maikama mo ngayong gabi pero hindi ibig sabihin noon at mapapayag mo ako sa gusto mong mangyari.” Tumalikod na ako at bago pa ako makalabas ay muli itong nagsalita, “ Delila, I can pay you for that kiss we shared a while ago. I can clearly pay you in every single move you do wether it pleasure me or not. What I'm saying is...” Nagpamulsa ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawid ang ilang hakbang pagitan namin .Ganon nalang din ang gulat ko ng ang aking kanang kamay ay dumapo na sa pisnge ng lalaking ito. Tumabingi ang mukha nito marahil sa lakas ng pwersa ng pagsampal ko. Ramdam ko ang aking hingal dulot ng galit sa aking dibdib. “Hindi mo mabibili ang dignidad ko bilang babae at bilang tao! Maaaring nagbebenta ako ng laman. Siguro nga mababayaran mo ang lahat makukuha mo ang lahat pero hindi ibig sabihin non may karapatan ka na mang maliit ng kapwa mo. Hindi pa ba sapat panghihimasok mo sa buhay ko?! Siguro nga may pera ka pero hindi mo ako mabibili! Hindi ako pumapayag na maging f**k buddy mo!” masama ang tingin na ipinukol nito sakin habang himas himas ang pisnge nito. “You won't agree to be my f**k buddy but you do want to be a hoe in different man every f*****g different night? You really hate my guts that much are you, Delila?” napaawang ang aking mga labi. “ I can buy every inch of you with the wealth I have, Delila. Kaya ko makuha ang ano mang gustuhin ko. Sinasabi ko lang, ikaw ang unang babaeng tumanggi sa inaalok ko and I wouldn't let you go away with that. I must say it did hurt my ego so bad..... so bad that you'll regret rejecting me.... Timothy Gornez.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD