CHAPTER 7

1691 Words

“Ano ba yang kinuha mo, Feli?! Para namang sa halip na lumago negosyo ko eh pabagsak! Ayan ba pinagmamalaki mong maganda?! Maganda nga hindi naman ata magaling sa kama!” napayuko ako. Umagang umaga ay nagtatatalak ang manager namin. Hindi muna ako nito pinauwi matapos ang magdamagang pag aantay sa customer. Halos isang linggo ng walang nagbobook sakin. Pinaka huli ay si Tim at hindi na iyon nasundan. Noong una ay nauunawaan pa ng manager namin dahil nga bago palang ako. Pero ng umabot na ito ng halos isang linggo mukhang hindi na nito nakayanan at sumabog na ito. Kulang na nga kasi ang tao tapos hindi pa ako makaabot sa quota ko. Maging si Feli ay damay sa sermon ni boss dahil sa ito nga ang nagpasok sakin, “ Pasensya na po. Huwag niyo na po pagalitan si Feli, wala naman po siya kasalana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD