Ramdam ko ang hapdi sa ilang parte ng aking katawan. Maging ang pagkirot ng aking kalamnan ay ramdam ko. Magdamag akong hindi tinigilan ni Timothy. Kung hindi lang ito nagambala ng isang tawag ngayong umaga ay paniguradong hindi ito papasok sa opisina para lamang parusahan ako. Sinikap kong tumayo kahit iika ika. Hinarap ko ang sarili sa salamin sa loob ng banyo. May mga pasa ako sa aking dibdib at ilang marka sa aking leeg. Galit na galit siya..... Dahil sa galit niya hindi niya ako nagawang pakinggan kagabi. Napansin ko rin ang maliit na sugat sa gilid ng aking labi. Dinama ko iyon gamit ang aking daliri. Medyo mahapdi at makirot iyon. Bahagyang namayolet din ang bahagi ng pisnge ko na sinampal nito kagabi. Kaya pala masakit pati mukha ko. Pugto rin ang aking mga mata marahil ay

