“Meron na ba?” biglang uminit yung pisnge ko sa paraan ng paninitig at pagtatanong ng babae. Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napatingin ngayon sa katabi ko na seryoso ang mukha. Nakita ko ang pagbuntong hininga nito na halatang nauubusan na ng pasensya. “A-Ano po—” “Don‘t pressure us, mom. Darating din naman tayo riyan. Kakasal lang namin and I want to take good care of her first before having a baby.” Napanguso ang ginang at kita mo sa mukha nito ang pagkalungkot, “Galing galing mo mang bulls eye nung nag propose ka tapos ngayong kasal na kayo saka ka nag astang conservative?” Napatungo ako sa tinuran nito dahil sa hiya. Talagang walang filter ang bibig nito. Akala ko nakalimutan na nito ang confession na iyon. Kung bakit kasi pasmado rin ang bunganga ng lalaking ito eh?!

