Inamoy ko ang niluluto kong fried rice. Napangiti nalang ako dahil amoy palang ay alam ko ng natimplahan ko ito ng maayos. Matapos maluto ito ay isinalin ko na ito sa isang bowl at inihain kasama pa ang iba kong niluto. Nagluto ako ng sunny side up na itlog, bacon, hotdog at sinangag. Mabuti nalang talaga at kumpleto ang laman ng ref ni Tim dahil hindi ko na kailangan lumabas ng condominium. Saktong tumunog na ang heater hudyat na tapos na ang pinapakulo kong tubig. Isinalin ko iyon sa tasa bago iyon tinimplahan ng kape. Hinalo-halo ko iyon at inihain na rin sa lamesa. Pagkalapag na pagkalapag ko nito sa mesa ay saktong labas din naman ni Timothy sa kwarto. Magulo ang buhok nito at walang pang itaas. Tanging boxers lamang ang suot nito. Jusko! Napakagandang agahan naman ‘yang mga pa

