Pinapanuod ko mula sa aking bintana ang mga lalaking may buhat buhat na mga lamesa at upuan. Meron din na ang dala ay malaking speaker habang ang ibang kababaihan ay abala sa pag lalagay ng dekorasyon sa paligid. Ibinaba ko ang kurtina at lumayo na rin sa bintana. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas ng mag family dinner kami kasama ang magulang ni Timothy. Hindi ko naman akalain na ganito kabilis kumilos ang nanay niya. Ang akala kong engagement party na magaganap pa matapos ang ilang linggo ay magaganap na pala matapos ang dalawang araw. Kinabukasan kasi ay maaga itong pumunta sa mansion at hindi tinigilan si Timothy hanggat hindi ito napapapayag na ngayon ganapin ang engagement party na gusto nito. Kaya sa huli ay labag sa loob na pumaya

