CHAPTER 51

2022 Words

Nagising ako mula sa sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Umaga na at mukhang nakatulog ako kakaiyak kagabi. Nandito pa rin ako sa sahig kung saan ako iniwan ni Tim. Mapait na napangiti nalang ako, isa lang ang ibig sabihin noon— hindi siya rito natulog. Dahan-dahan akong bumangon at lumipat sa kama. Masakit ang likod ko marahil ay dahil sa pagkakahiga sa sahig. Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Magulo pa rin ito, katulad pa rin ng kung paano niya nilisan ang silid na ito kagabi. Hindi siya bumalik. Hindi ko rin sigurado kung babalik pa. Isang katok ang kumuha ng aking atensyon. Pinagbuksan ko ang kung sino man iyon. Sumalubong sa akin ang malamlam na tingin ni Aling Pasing. Babati sana ito kaso napadako ang tingin nito sa aking likuran at nanlaki ang mga mata nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD