Tanging puting haligi ng kwartong ito ang aking nasilayan buong maghapon. Simula pag gising hanggang sa mag gabi na naman. “Ate, kailangan mo kumain ano ka ba?!” may inis na sa boses ng babae. Hindi ako umimik. Ramdam ko na rin ang panunuyo ng aking lalamunan maging ang pagkalam ng aking sikmura, pero hindi ko iyon ininda. Wala akong gana, at mas gugustuhin kong tiisin ang uhaw at gutom. “Kailangan mo mag palakas, Ate! Please naman oh.” “Tama siya iha kailangan mo magpalakas para makalabas ka na rin.” Tinignan ko lamang sila at umiwas din. Wala akong gana makipag-usap. Ayoko sila makita, pero hindi ko sila magawang itaboy dahil kita ko rin naman gaanong effort ang ibinibigay nila sa pag aalaga at asikaso sa akin. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Alexa na nasa tabi ko. Bagsak an

