Napapadalas na ang pangangamusta ni Timothy. Minsan ay nagvivideo call kami. Hindi man natagal ng oras iyong call pero masaya ako na hindi na ito naabot ng ilang linggo o araw bago mangamusta. Ilang beses na rin ito nag sabi na kung gusto ko ba raw siya umuwi ay mag sabi lang daw ako dahil isang sabi ko lang ay uuwi raw siya agad. Pero syempre, hindi pwede iyon. Kahit maayos na kami ni Tim ay ayokong makahadlang sa mga dapat nitong gawin. “Hindi mo pa rin ba sasabihin kay Sir Tim ’yang pag bubuntis mo Ate?” napalingon ako sa abalang nagtitiklop na si Alexa. Tipid lamang akong ngumiti, “Mas gusto ko na sabihin sakaniya pag uwi niya.” Gusto ko kasing makita ng harapan ang magiging reaction nito. At isa pa, gusto ko maayos na rin ang lahat pag sinabi ko rito ang balita, iyong tipong good

