Hilong hilo ang pakiramdam ko ngayon. Sabi nila ay normal lang naman daw ito sa mga buntis lalo na at first trimester ko pa lang naman daw pati na rin ang makaramdam ng pagod kahit walang ginagawa. Sinisikap ko pa rin naman na asikasuhin ang aking kapatid at huwag ito iaasa lahat kay Alexa. “Ate, may baby daw tyan mo po?” napangiti ako sa inosenteng tanong ni Buboy. Hindi na kasi napigilan ni Alexa ang kadaldalan niya kaya binalita na rin niya ito sa aking kapatid matapos kami manggaling sa ospital. Tumango ako rito, “Sabi ni Ate Alexa baby niyo raw po iyan ni Kuya Timothy ibig sabihin po ba hindi niyo na ako baby?” lumabi ito at napatingin naman ako kay Alexa na napakamot ng ulo. Hinaplos ko ang buhok nito bago siya sinagot, “Baby ka pa rin namin ni Kuya Timothy. Walang magbabago, Bu

