Sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na kurtina ng bintana ang gumising sa akin. Kahit na pupungas pungas pa ay dahan-dahan akong tumayo at isa isang nilimot ang mga nagkalat na damit. Naririto sa sahig ang long gown na suot ko maging ang panty ko. Pinulot ko rin ang tuxedo at polo ni Timothy at maayos na ipinatong ito sa sandalan ng upuan na naririto sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako nag abala pang magsuot ng damit dahil balak ko rin maligo kaya agad na dumiretso ako sa cabinet kung saan maayos na nakapatas ang mga pamalit kong damit. Hindi pa man ako nakakapamili ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa ang isang bulto ng lalaki na nakatapis lang ng tuwalya sa baba at natulo pa ang tubig na nagmumula sa buhok nito sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit biglang kumilos ang k

