Isa isa ng inilagay ni Tim sa likod ng sasakyan ang dalawang bagahe. Ilang araw lang naman kami mag stay sa Tagaytay kaya sapat na ang tig isang traveling bag para sa amin. “We’re all set,” ngumiti ito at pumawengan sa aking harapan. Napalabi naman ako, “Hindi ba talaga natin sila isasama?” sabay turo ko sa likuran ko. Andoon kasi sina Doña Teresa at ang naka-akbay nitong asawa, andon din si Aling Pasing, Alexa at Buboy na kapwa mga nakatanaw sa amin. “Ano ka ba iha! Bakasyon niyong mag-asawa iyan, huwag mo kaming alalahanin,”sigaw ng ginang sa amin. Kita ko pa ang hagikhikan nilang mga babae. Alam na alam ko kung anong mga nasa isip ng mga ito. Hays! “Ayaw mo ba akong masolo?” ngunwari ay naghihinampong tanong ni Tim. Inirapan ko ito na ikinatawa naman niya. Naramdaman ko naman ang

