“Grabe! Baliw na talaga ang babaeng iyon dapat lang talaga na dalhin siya sa mental.” Sinita ko si Feli baka rin kasi may makarinig sa amin. Andito kami sa garden ng mansion ng mga Gornez. Bumisita si Feli kasama ang nobyo nitong si Devan, magkatapat kami ng upuan at ang katabi naman nito ay si Alexa na abala sa pagpupulbos kay Buboy. “Bakit? Totoo naman ah!” napalabi na lamang ako. Naikwento ko na rin kasi rito ang nangyari noong bumalik ako sa mansion. At mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula ng mangyari iyon. Kinontact ko ang kaibigan sa tulong na rin ni Timothy, naikwento ko rin kasi rito na ito at ang kaibigan niyang si Devan ang tumulong sa akin noong araw na umalis ako ng mansion. Nagkatampuhan pa nga kami noon dahil akala niya ay pinopormahan ako ni Devan pero n

