Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Doña Teresa. Tipid na ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Don Terso matapos ako yakapin ng ginang. Andito kami sa airport upang ihatid ang mag-asawa. Babalik na ulit ang mga ito sa US dahil kailangan ipagpatuloy treatment ni Don Terso. Kahit pa kasi walang kumplikasyon ito sa ngayon ay hindi pa rin sigurado kung hanggang kailan maaayos ang karamdaman nito. “Iha, please update me sa mga ganap about sa wedding niyo? I badly want to stay but Terso needs medication,” hinawakan ko ito sa kamay at nginitian. “Opo. Sasabihan din naman po kayo ni Timothy,” tinignan ito ng kaniyang ina sabay inirapan. “Huwag kang umasa riyan kay Timothy kilala ko yang batang iyan halos wala pa sa sampu ang salitang sinasabi niyan sa telepono maliban kung usapang ne

