CHAPTER TWO

1503 Words
GRIMSTONE PACK NAALIMPUNGATAN ako sa marahang pagdampi ng kung anong malamig na bagay sa aking pisngi. Agad akong napangiwi dahil sa hapding dulot n’on. “Sshh. Lilinisin ko lang ang sugat mo, Christine,” narinig kong anas ng malamyos na boses. Pilit kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ang nag-aalalang anyo ni Lilac, isa sa mga kapwa ko Omega. Isang bimpo ang hawak nito habang nililinis ang aking mukha. “Ano’ng nangyari?” malat ang boses na tanong ko. Nasa loob kami ng aking silid at nasa tabi ko ito, sa ibabaw ng aking lumang higaan. “Pinagtulungan ka na naman ng impaktang magkapatid na iyon. Nalimutan mo ba?” Napailing si Lilac. “Sabagay, ako man ang paluin ng kawali sa ulo, baka magka-amnesia rin ako.” Napakunot-noo ako. “K-kawali?” Bumuntong-hininga ito. “Haist, kung bakit kasi pumapayag ka na gawin nila sa iyo ang mga ito. Masokista ka ba o talagang may death wish lang?” Hindi ko na nagawang tumugon pa dahil isa-isang bumalik sa aking isip ang mga nangyari nang umagang iyon. ••• MATAPOS ang pananakit sa akin ni Jillian ay nagdesisyon na akong kumilos. Fifteen minutes lang ang ibinigay nitong oras para makapagprepara ako ng agahan ng pack members. Kahit namimilay ay may pagmamadaling bumaba ako sa unang palapag ng packhouse dahil tiyak na makakatikim na naman ang kawawa kong katawan ng suntok mula sa future Alpha ng Grimstone kapag `di ko nagawa ang ipinag-uutos nito. Ngunit hindi ko inaasahan na may isa pang di kanais-nais na pangyayari ang naghihintay sa akin pagpasok ko sa kusina dahil pagtapak ko pa lang doon ay sabunot at sampal agad ang ibinati sa akin ng nagpupuyos sa galit na mga babae ni Alpha Sigma. Nahintakutang mabilis na nagsilabas ang mga kapwa ko Omega at iniwan ako sa kamay ng mga ito. “Ang tamad mo talagang malandi ka. Siguro magdamag ka na namang nasa labas at nakipagharutan sa mga bantay kaya tinanghali ka na naman ng gising ano!” bulyaw sa akin ni Kelby, Alpha Sigma’s woman number one. Halos magkasing-edad lang kami ngunit dahil sa makapal na make up na nakapulapol sa mukha ay nagmimistula itong mas matanda kaysa tunay nitong edad. Marahas na kinaladkad ako ni Kelby sa braso sabay saklit sa likod ng aking leeg at ngudngod sa akin sa ibabaw ng counter. “Umamin ka!” she scorned. But I just bit my lips and kept my mouth shut. Telling them the truth would only make them more angry and pissed. Agad na umeksena si Dilly, the Alpha’s woman number two and Kelby’s elder sister. Inagaw ako nito mula sa nakababatang kapatid para patikimin ng nakangingilong kalmot ang puro pasa kong mukha. Hindik na napasigaw ako nang maramdaman ang sakit ng pagkapunit ng aking balat ngunit tila walang pakialam sa aking pinagdadaanan na sabay at malakas akong itinulak ng dalawa sa dingding. I yelped as my head hit the wall with a loud thud. Bumagsak ako sa sahig at agad umikot at nagdilim ang paningin ko. “Ang sabihin mo, magdamag na pinagplanuhan ng ambisyosang dambuhalang ito kung paano aakitin ang Alpha kaya napuyat! Palibhasa super feelingera!” Dilly grabbed my bloody face and her sharp painted nails sank into my scratched cheek. I whimpered in pain but still refused to reply `cause I have learned from my past experience that it was wiser not to say anything. Though I wanted to curse, talk back and call them names but it would only make things worst for me. “Kung ako sa`yo, tumingin ka sa salamin nang malaman mong hinding-hindi pagnanasaan ng kahit na sinong lalake ang mataba mong katawan. You’re nothing but an ugly fat werewolf. What a freak.” Dilly released me and I thought she would just walk out and leave me alone ngunit sa hindi ko inaasahan, aking naaninag mula sa nanlalabo kong paningin ang pagkuha nito sa isang kawaling naroon sabay hakbang papalapit sa akin. “N-no.” I tried to move and crawl away, but my weak body failed me until I felt something hard hit the back of my head. “Ugh!” ungol ko at tuluyang kinain ng kadiliman ang aking diwa. ••• MATAPOS sariwain ang lahat ay `di maiwasang mangilid ang luha sa aking mga mata. “Sapalagay mo, Lilac, magagawa ko pang tumakas sa impyernong lugar na ito?” Natigilan si Lilac. “Ang totoo, hindi ko rin alam, Christine. Alam natin lahat kung gaano kahigpit ang mga bantay sa mga hangganan. Ang sa akin lang, minsan matuto kang lumaban kapag sinasaktan ka ng magkapatid na bruha.” Mapait akong ngumiti sabay iling. “Sa oras na gawin ko iyon, baka tuluyan na ako ni Alpha Sigma. Mga babae niya sina Dilly at Kelby. Mapaparusahan lang akong lalo kapag lumaban ako.” Napatango si Lilac nang marahil ay naisip nitong tama ako. “Tsk. Napakahirap ng kalagayan mo, Christine. Ipagdarasal ko na lang na nawa’y maligaw dito ang iyong future mate upang iligtas ka mula sa mapang-abusong teritoryong ito.” Hilam sa luhang napatango ako. “Sana nga, Lilac.” Bagama’t alam kong napakaimposible ng sinabi nito ay nagpapasalamat pa rin ako sa effort nito. Nag-iisa lang si Lilac sa Grimstone pack na tunay na nagmamalasakit sa akin, because they all hate me. They hurt and abused me sa di ko maintindihang dahilan. Was it because I’m a big threat to Alpha Sigma and his successor for being the former Alpha’s only daughter? Or just because I am fat and ugly and they couldn’t stand looking at my pathetic form? “Sige, Christine. Mapahinga ka at pahilumin mo muna ang mga sugat mo. Ako na ang bahalang gumawa ng idadahilan kapag tinanong ka ng Alpha,” untag ni Lilac sa aking pag-iisip. Bumaling ako dito at puno ng pagpapasalamat na ngumiti. “Salamat, Lilac.” She smiled back at me. Matapos ayusin ang aking kumot ay binitbit na nito ang plangganita at bimpo papalabas ng aking silid. ••• RAVESTONE NAPAILING na itinapon ni Tyron ang sigarilyo sa basurahang naroon. “Damn it,” he cursed from the unexplainable uneasiness that kept on poking his nerves. Even Dusk, his grumpy wolf was growling for no reason while pacing back and forth from the dark corner of his mind. Something is going on but what the hell is it? Kagabi pa niya iyon nararamdaman at habang tumatagal ay patindi nang patindi ang tensyon na gumagapang sa kanyang katawan, kaya nagdesisyong lumabas muna ng mala-palasyong bahay ng mga DeQuias ang binatang Alpha upang kahit paano ay mabawasan ang nakaiiritang pakiramdam na iyon. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Tyron saka humakbang patungo sa isang napakahalagang bagay na ilang henerasyon nang nakabaon sa harapan ng kanyang tahanan. Huminto siya isang hakbang mula sa maalamat na sandata ni Silveria DeQuia, his great grandmother. He lifted his hand and ran his fingers along the rusty blade. “I wonder why it’s still here.” Tyron then grabbed the handle and tried to pull it out from the ground but failed. “Damn it!” he cursed in frustration. He took his hand back and scratched his nape. “Alpha, huwag niyo nang subukan dahil alam nating hindi para sa inyo ang sandatang iyan.” It was his Beta, Kisses Lei. Mula sa kanyang likuran ay humakbang ito palapit sa leader ng Ravenstone. The Alpha snickered. “This is the infamous Silveria DeQuia’s sword, stupid. My great grandmother’s.” Kisses huffed. “Oh, you know what I mean, Alpha Ty. Ang future Luna na ang nagmamay-ari niyan. The lucky she-wolf who could pull the sword out of this holly land.” Tyron barked and smacked the back of the Beta’s head. “The legend isn’t real, moron. So drop it.” Natatawang hinimas ni Kisses ang ulo. “Pero paano kung totoo? Ipagkakait mo ba sa amin ang aming Luna?” “Don’t push it. Dahil ako ang pipili ng aking magiging kabiyak at hindi ang kalawanging espadang iyan,” Tyron replied in a pissed voice. He decided to change the subject. “Ano nga pa lang balita sa laban mamaya?” Napangisi si Kisees. “Positive. Darating mamaya sina Alpha Sigma at ang anak niya. Mukhang mapapalaban kayo mamayang gabi, Alpha.” Tyron nodded. “Good. Gather all our pack warriors. Pagkatapos ng laban, ipahihinto natin ang lahat ng underground fights. All those who will show bravery and stupidy to stand in our way will be killed.” “Copy, Alpha.” Iyon lang at tinalikuran na ni Tyron ang kanyang second-in-command. Humakbang ito papasok ng bahay. Naiwan si Kisses at curious na itinuon ang atensyon sa espada ni Silveria DeQuia. “Alpha? What if I’m the chosen one?” “Try to touch it or I’ll rip you into pieces, you creep!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD