CHAPTER THREE

1591 Words
“ISUOT mo `yan!” Matapos ihagis sa akin ang isang kulay puting bestida ay simangot na nagmartsa palabas ng aking silid si Kelby. May pagtatakang dahan-dahan akong bumangon sa aking higaan at dinampot ang may kalumaan na ngunit maganda pa ring damit. I blinked in puzzlement. Nananaginip ba ako? Kelby wanted me to wear this dress?’ Napansin kong stretchable ang tela niyon, and it would fit me but still I couldn’t understand why the Alpha’s woman gave it to me. Dilly suddenly appeared in the doorway with a deep frown. “Bago ka mag-ilusyon ng kung ano, lilinawin ko lang na isasama ka namin ni Kelby sa Ravenstone bilang alalay kaya huwag kang ambisyosa. Now move your ass, you lazy, ugly pig! Wala kaming oras para hintayin ka,” she sneered and left with heavy footsteps. Dahil doon ay mabilis akong kumilos nang may pagkasabik. Dumiretso ako sa maliit na banyo ng aking silid at dali-daling naligo. Habang nagsasabon ay di ko maiwasang mapangiti. Totoo ba ‘to? Isasama ba talaga ako ng magkapatid na bruha sa Ravenstone? Ang lugar na matagal ko pangarap na puntahan noong hindi pa ako isang alipin ng Grimstone. Noong ang mga magulang ko pa ang namumuno sa pack na iyon. Haist. Sinong makapagsasabi na magkakatotoo pala ang aking pangarap kahit ang tanging rason lang kaya ako makapapasok ng Ravenstone ay upang maging alalay nina Dilly at Kelby? I couldn’t help but to feel giddy about it dahil bukod sa Darkstone City, ang Ravenstone ay ang isa sa pinakamalaki at modernong teritoryo. Naroon ang malalaking gusali at mga malls. Iyon din ang sentro ng kalakalan ng mga wolf packs sa mundong iyon. Bagamat ang Ravenstone din ang takbuhan ng mga asong-lobong sangkot sa mga illegal na gawain ay nagagawang pasunurin ang mga ito ng mismong Alpha ng bayang iyon sa batas nito. He is Alpha Tyron Gravity DeQuia. The ruthless one, for those who defied his law. He could turn his enemy’s world upside-down and crash them inside his palms. Kaya naman marami ring takot dito, mapa-kapwa Alphas o ordinaryong mga asong lobo. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Actually, hindi ko pa talaga personal na nakita ang Ruthless Alpha ng Ravenstone. Naririnig ko lang sa mga kuwento ng Omegas ang pangalan at mga bagay tungkol dito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila laging nag-iinit ang aking katawan sa tuwing ini-imagine ko ang hitsura ni Alpha Tyron. The curiosity of how ruthless he is got the best out of me. Is he as tyrant as Alpha Sigma and as devious as Jillian? Guwapo rin kaya ito tulad ng mag-amang leader ng GrimStone? Aaminin kong matikas pareho sina Alpha Sigma at Jillian kaya lapitin ng mga babae tulad nina Dilly at Kelby. All the she-wolves in Grimstone Pack adored them maliban na lang sa akin dahil imbes na paghanga ay poot ang nararamdaman ko sa mga ito. And I knew they felt the same way towards me. They hated me being an Alpha-blood. Being fat, weak, and ugly. I bit my lips and shook my head. Bago pa mapuno ng insecurities ang aking dibdib ay minabuti kong bilisan na ang paliligo. I scrubbed my bruised body while wincing. Ilang araw na ang mga galos at pasa sa aking katawan. Dapat hilom na ang mga iyon ngayon ngunit dahil humihina na kami ng aking wolf, kung meron nga ba ako niyon ay nagiging mabagal na rin ang healing process ng aking katawan. Pasalamat na nga lang ako at kahit paano ay nailalakad ko na nang tuwid ang aking paa. Nakatulong ang magdamag kong pahinga at utang ko iyon kay Lilac. I just made a mental note to say thanks to her. Also a mental note not to stand in Alpha Sigma’s way when he’s in a bad mood. Iyon lamang at tinapos ko na ang paliligo. With only a towel wrapped around my body, I stepped out of the bathroom. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang malabasan si Jillian na nakaupo sa aking higaan at tila hinihintay ako. “J-Jillian. Ano’ng ginagawa mo dito?” Hinigpitan ko ang paghawak sa aking tuwalya. I gulped as his squinted eyes settled into mine. His face still as grim as always. “Sit here, Christine.” Tinapik ng future Alpha ng Grimstone ang space sa tabi nito. Iiling sana ako ngunit alam kong hindi iyon magandang ideya kaya naman napilitan akong humakbang papalapit kay Jillian at umupo sa tabi nito. But the moment my butt pressed on the mattress, he suddenly pushed me and climbed on top of me. “Jillian!” hintakot kong bulalas at tinangkang itulak ito ngunit agad na hinagilap ng binatang anak ng Alpha ang aking mga kamay at itinaas iyon sa aking uluhan. Jillian smirked. “You’re getting prettier and prettier, Christine. Hell! You smell so nice,” he said in a gruff voice and tried to kiss me. Agad kong iniiwas ang aking labi kaya pisngi ko ang nahalikan nito. “Huwag, Jillian, please. Pakawalan mo ako,” I cried. Ngunit imbes na huminto ay muli lang itong ngumisi. “I never thought that you could be this hot, fat-ass slut.” I wanted to throw up in disgust as he licked my face down to my neck. “No! Stop, please stop,” muli kong pakiusap sa nanginginig na boses. Kaya kong tiisin ang pananakit ng mga pack members ng teritoryong iyon ngunit hindi ang nais nitong gawin ngayon sa akin. Only my mate has the right to own and possess my body and not this evil bastard! I was in between pushing and crying when someone entered the room. “What the f**k, son! Give that girl a break. Wala na tayong oras!” Automatically, Jillian slid off me, no trace of being embarrassed. “The hell, dad!” ungol ng binata saka napamurang tumayo. “Timing, dad! Timing!” He snapped at his father. Alpha Sigma just shrugged. Jillian snickered and gave me a sharp glance that made me whimpered in fear. “Hindi pa tayo tapos.” Then he left. “That horny dog.” Alpha Sigma made a tsk sound then looked at my shivering messy form. “You gave him a reason to attack you, little w***e. But before my naughty boy, ako muna ang makikinabang sa`yo, my innocent Christine.” Puno ng malisyang tiningnan ako nito bago tumalikod at sumunod na sa anak. Hilam sa luha na niyakap ko ang aking sarili na puno ng takot ang dibdib. I sobbed in helplessness. Oh, God. Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Those two devil. They were not contented by just beating me, they were also after my body now. ••• RAVENSTONE GAYA ng nakagawian, gaganapin ang underground fights sa malawak na abandonadong parking lot sa isang pribadong gusali na nasa hilaga ng Ravenstone. Makikita ang maraming mamahaling sasakyan doon na pag-aari ng mga lalahok sa match. All the spotlights were on. Nakapuwesto na ang lahat ng mga manonood at pupusta. Even the underground commissioners were all present. Lahat ay larawan ng pagkasabik, maliban sa isang nilalang na naroon. Buhat sa isang madilim na sulok ay nagtagis ang mga bagang ni Tyron habang humihithit ng sigarilyo. “They are late,” mindlink ng Alpha sa kanyang Beta na nasa paligid lang at naghihintay sa kanyang ipag-uutos. Agad namang tumugon si Kisses Lei. “Chill, bro. They’re here.” Awtomatikong naningkit ang mga mata ni Tyron. Gaya ng sinabi ng second in command, natanaw niya na ang pagdating na isang mamahaling sasakyan. Lahat ay doon napabaling at kanya-kanya nang sigaw ang mga manonood upang salubungin ang kasalukuyang naghahari sa Underground fight. Tyron scoffed. He threw his cigarette on the ground and stepped on it while still watching the grand entrance of Alpha Sigma and Jillian Harris. Huminto ang itim na luxury car sa puwestong inilaan talaga sa mga ito. Ilang saglit pa, sabay na bumukas ang mga pinto sa unahan at hulihan ng sasakyan. Tyron clenched his fist as he saw Sigma Harris and his whores hopped off the car then Jillian. Those assholes were welcomed by their stupid supporters with banners and loud cheers. “Alpha, maghanda na tayo para sa laban n’yo.” Isa sa mga nangangasiwa ng underground ang biglang lumitaw sa tagiliran ng binatang Alpha ng Ravenstone. Tyron wanted to growl for the sudden appearance of that mutt but then changed his mind. “Susunod na ako,” he barked instead that made the short man in front of him gulped and walked away while scratching his shinny bald head. Tyron snickered. He gave the Harris bastards one final distasteful look. He couldn’t wait to see the reaction of those fools once they found out that he was the surprise opponent of the highlight match of that night. Ngumisi si Tyron at aktong tatalikod na upang sumunod sa tagapangasiwa ng laban ngunit bigla ring napahinto ang binata nang may nahagip ang matalas niyang paningin na isang interesanteng obra. Jillian Harris was dragging a woman that was wearing a simple but sexy white dress out of their car. Tyron frowned. Hindi ang puting bestida ng babaeng iyon ang kumuha sa buong atensyon niya. “f**k!” he cursed in disbelief that made his wolf, Dusk, growled. Ilang hakbang mula sa kinaroroonan ng binatang Alpha ay ang babaeng ilang gabi ng laman ng kanyang mga panaginip. That is her. The hot chubby she-wolf!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD