┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay gising na si Madel. Tahimik ang apartment, tanging mahinang tunog lang ng electric fan at yabag niya sa sahig ang maririnig. Pag-gising niya kanina ay masama na ang pakiramdam niya, pero iniligo niya ito kaya kahit na papaano ay guminhawa na ang pakiramdam niya. Medyo nawala din ang init na kanina lang ay nasa katawan niya. Naghahanda na siya ngayon para pumasok sa kumpanyang pag-aari ng asawa niya sa papel... isang katotohanang paulit-ulit niyang inuulit sa sarili na asawa lang siya sa papel at hindi sa mata ng lahat ng tao, parang paalala kung gaano kalabo ang linya ng buhay na ginagalawan niya ngayon. Na kung ang kumpanya na 'yon ay pag-aari ng asawa niya, iyon ay pag-aari lang ng asawa niya at wala siyang karapatan duon kahit na legal ang kasal nila.

