❀⊱Madel's POV⊰❀ "Wow, ate... ito ang apartment mo? Malaki at maganda. Kaya lang ate kulang ka yata sa gamit, pero maganda. Malinis saka mabango. Hindi katulad ng bahay natin, laging amoy sunog na kanin at dinaing na isda." Namamanghang tanong ni Jasper habang paikot-ikot ang mga mata niya, parang hindi pa rin makapaniwala na dito na ako sa Maynila naninirahan. Natatawa tuloy ako, at hindi ko 'yon mapigilan. Natutuwa akong makita silang lahat na mukhang maayos at mas payapa ang isipan kaysa nuong huli naming pagkikita. Ang dami pa nilang dalang pasalubong. Mga gulay na sariwa pa, may lupa-lupa pa nga na nakakapit sa mga ugat ng gulay kaya natatawa ako. Hindi man mamahalin ang mga pasalubong nila sa akin, pero higit pa sa mamahaling bagay ang effort na ibinigay ng mga magulang ko sa pasa

