┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kanina pa tahimik si Madel. Gusto niyang kausapin si Orion, pero hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Takot siya kay Orion. Takot siyang masigawan nito. "Kanina mo pa ako tinitignan. May sasabihin ka ba?" Boses ni Orion na bumasag sa tahimik nilang hapunan. Simpleng ngiti ang gumuhit sa labi ni Madel. Napalunok pa ito ng laway at umiwas ng tingin. "Kung may sasabihin ka... magsalita ka. I'm not a mind reader, Madel." May inis na sabi ni Orion. Pilit niyang tinitignan ang mukha ni Madel kung may galos ba ito dahil sa ginawa kanina ni Cassidy, pero wala naman siyang napansin na kahit na ano. Kahit mapulang balat ay wala naman siyang nakikita. "Okay ka lang ba? May nangyari ba kanina habang namimili ka ng groceries?" Tanong niya. Trying to get some information

