┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tahimik na nakaupo si Orion sa kanyang swivel chair, nakasandal at bahagyang nakapikit, habang pinipilit pagkasyahin sa isang araw ang trabahong pang-isang linggo. Mga stacks ng dokumento ay para nang tore sa ibabaw ng kaniyang desk, halos matabunan na ang laptop at ballpen niya. Kanina pa sumasakit ang sentido niya sa kakabasa at kakapirma, kaya naman bahagya siyang napaunat nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kaniyang opisina. Umalingawngaw sa loob ang malakas na boses ng dalawang babae na nagtatalo sa mismong pintuan. Napatigil tuloy siya sa kung ano man ang ginagawa niya at nakatingin na sa mga ito. "Sorry sir, ayaw ho niyang papigil." Halos habol hininga na sabi ng sekretarya niya, pilit hinihila palabas ang isang babaeng hindi inaasahan ni Orion na makikit

