┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nagulat ang kanilang mga magulang ng maagang nakauwi si Madel. Hindi na nagawang sabihin pa ni Jasper sa kanila kanina na may sakit ang ate niya dahil nagmamadali na siyang umalis upang sunduin ito. Bago umalis sina Orion kanina ay inaya pa ito ni Jasper na pumasok sa loob upang magkape, pero tumanggi ang asawa ni Madel. Alam ni Madel na hindi papasok sa loob si Orion, dahil kung may nakakakilala man sa kanya... sa tingin niya... iyon ay ang kanyang ama dahil isang beses nang nakaharap ni Orion ang ama niya ng makiusap ito na bigyan sila ng palugit upang mabayaran ang lupain nila ng paunti-unti. Pero hindi pumayag nuon si Orion. Kaya nga siya ang napunta sa malaking hacienda farm na 'yon ay upang humingi ng palugit, kaya heto ngayon ang naging resulta ng lahat ng 'yon...

