┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Anim na buwan na ang tiyan ni Madel, lumalaki at lumalakas ang buhay sa loob niya, pero bawat araw ay parang lalong lumalalim ang sakit sa puso niya. Mula nang may mangyari ulit sa kanila ng asawa niya sa papel... hindi na ito muling nagpakita pa sa kanya. Panibagong dalawang buwan na para bang naghihintay lang siya sa wala. Talagang umiiwas na ito sa kanya, parang may isang malaking pader na binuo si Orion at hindi man lamang niya ito kayang tibagin... kaya hindi niya maiwasan na hindi masaktan nang husto, lalo pa at mahal na mahal niya ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis. Bawat gabi, hinahaplos niya ang kanyang tiyan, whispering soft words na pwedeng magpakalma sa kanya at sa baby na nasa tiyan niya, pero sa isip niya ay laging lumilitaw ang mukha ni Orion... ang kanyang ma

