┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Unti-unting iminumulat ni Orion ang kaniyang mga mata. At laking gulat niya nang maramdaman niya na may katabi siya. Dahan-dahan siyang napalingon... and that’s when his breath hitched. Nakikita niya ang isang babae na nakatalikod sa kanya, gulo ang buhok at nakatabing ng kumot ang katawan hanggang leeg. "Fuuuck!" Bulong niya, at mabilis siyang bumangon, tumayo sa sulok ng silid. He just stood there, staring, like the room might explain itself if he stared long enough. Parang ang bawat piraso ng muwebles, ang bawat anino sa dingding, ay maaaring magsabi sa kanya kung bakit nanduon siya sa kanyang silid. Nagliliwanag pa lang ang kalangitan sa labas, nagsisimula pa lang sumilip ang haring araw nang magising siya. Alam niyang nasa silid siya ng kanyang condo, pero hindi pa

