┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Masakit ang buong katawan ni Madel. Mula pa kaninang umaga ay hirap na hirap na siyang kumilos, at bawat galaw ay may kasamang kirot, parang may humihila sa bawat muscle niya pababa. Pakiramdam niya ay mainit ang buo niyang katawan, the kind of heat na alam mong hindi normal. Hindi na niya kailangan ng thermometer... alam na alam niya, may lagnat na siya. Her head felt heavy, parang may nakapatong na bato sa sentido niya. Tuwing pipikit siya, umiikot ang paligid niya. Tuwing didilat naman siya ay nanlalabo ang paningin niya. Dry ang lalamunan niya, at kahit simpleng paglunok ay parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya. She tried to inhale deeply, hoping it would calm her down, pero kahit ang paghinga niya ay tila ba nahihirapan siya. Nananakit din ang pagitan ng m

