┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maagang pumasok ngayon si Madel upang maiwasan niya si Orion. Lahat na yata ng paraan ay ginawa na niya upang hindi mahulog ng husto ang loob niya upang hindi siya masaktan, pero sa tuwing nagtatalik sila... parang napaka-imposible sa kanya ang ilayo ang puso sa lalaking 'yon. Minsan ay nagtataka pa siya kung bakit parang sweet si Orion, pero madalas din ay tila ba umiiwas ito sa kanya. Kaya nangako siya sa kanyang sarili na kahit na si Orion ang itinitibok ng kaniyang puso... hindi niya ito nanaisin na maging parte ng kaniyang buhay. Hindi si Orion ang pinapangarap niya, kahit na ba ang puso niya ay tuluyan na siyang sinuway. Hindi pa rin alam ni Orion na buntis siya kahit na mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng malaman niya na buntis pala siya, at ngayon nga ay mah

