Chapter 16

1543 Words
Hindi malaman ni Luke ang kanyang gagawin nang mahulog ang phone nito sa tubig ulan. Dahil sa sobrang lakas ng ulan ay bumaha ang kalsada na stranded sila sa gitna ng daan. Sports car pa naman ang gamit nila kaya napasukan ng tubig ang kanyang sasakyan. Sa sobrang traffic ay halos hindi na gumalaw ang mga sasakyan sa kalsada. Nagpasya sina Luke at Augusto na bumaba na lang iniwan ng binata ang kanyang kotse at wala na itong paki-alam kung masira ito. Tinawid nila ang kalsada upang makarating sa gilid at makahanap ng taxi para maka-uwi na. Ngunit sa kasamaang palad ay nadulas sa kamay niya ang phone at nahulog iyon sa tubig. “Oh s**t my phone!” mura ni Luke sabay pulot ng mamahaling phone nito na lumangoy na sa baha. Hindi mapigilan ni Augusto ang matawa sa sitwasyon nila ngayon. Parang mga basang sisiw ang dalawang lalaki sa kanilang itsura ngayon. Siguro kung may makakilala sa kanila ay talagang magulat sila. “Anong nakakatawa? Nakikita mo ba pinag-titinginan ta’yo?” naiinis nitong saad. “Bakit ta’yo lang ba ang nabasa ng ulan? Look at them basang-basa rin sila. Nakakatawa ka nag-alala ka pa sa itsura natin hindi ka man lang nag-alala kung paano ta’yo makaka-uwi ngayon.” saad ni Augusto sabay hubad sa kanyang jacket basa na kasi ito at mabigat na suotin. Lumantad tuloy ang matipunong katawan ni Augusto kahit nakasuot ito ng t-shirt. Ilang minuto nang nakatayo ang magpinsan para sana mag abang ng taxi ngunit walang dumaraan kahit isa. “Ito muna gamitin mo call your mom para hindi iyon mag-alala sa iyo.” sabay abot ni Augusto sa kanyang phone kay Luke. “Thank you so much tatawagan ko rin si Antonette.” anito, kahit putol-putol ang signal ay nagkaintindihan naman sila ng mommy niya mabuti na lang naka-usap niya ito at tama nga si Augusto nag-alala ang kanyang Ina. Pagkatapos kausapin ni Luke ang mommy nito ay tinawagan niya si Antonette. Nakahinga nang maluwang ang binata ng marinig ang malambing na boses ng nobya. “My love, I’m sorr—!” hindi na natapos ni Luke ang kanyang sasabihin ng biglang may bumangga na truck sa tapat nila. Nagbigay iyon ng matinding ingay sa buong paligid wasak ang kotse patay ang sakay nito at ang driver ng truck ay malala ang kondisyon. Kasabay ng banggaan ay namatay ang phone na hawak ni Luke kaya naman nawala sa linya si Antonette. “Hello my love! Fvck, lowbat na pala ang phone mo?” Naiinis na binaba ni Luke ang phone ni Augusto at agad iyon ibinigay sa kanyang pinsan. “Naka-usap mo ba si Antonette?” tanong ni Augusto sabay tingin nito sa phone na hawak niya. “Nakita mo naman namatay ang phone diba? Nakakainis naman oh, kung alam ko lang na may bagyo sana hindi na ta’yo nag work today. Nasira tuloy ang kotse ko pati phone ko hindi pinalamps ng bagyong ito.” kausap ni Luke sa hangin natawa ng mahina si Augusto sabay iling nito. Sino ba kasi ang mag-aakala na habang nasa loob sila ng opisina ay umulan na pala ng malakas sa labas. “Easy ka lang ganyan talaga ang buhay.” anito. “Sa’yo easy sa akin hindi namis ko si Antonette kaya hindi okay sa akin ang nangyari sa atin ngayon. Mahigit Isang oras na ang nakalipas ay wala ni anino ng taxi ang dumaan sa tapat nila kaya naman nagpasya ng mag check-in ang dalawa sa isang sikat na hotel. Wala na silang magawa kundi ang magpalipas ng gabi sa hotel. Hindi na rin puwiding bumeyahe dahil pinagbawalan na ng mga pulis ang mga tao. Naglakad lang sila ng ilang minuto papunta sa hotel nang makarating sila ay agad na silang pumasok. Nagkatinginan pa ang mga staff ng makita ang dalawang lalaki na ngayon ay parang mga sikat na artista sa telebisyon. Paano ba naman ang kikisig nina Augusto at Luke para tuloy silang mga sikat na model dahil sa kanilang itsura. “May mali ba sa atin? Itong mga tao kung makatingin sa atin akala mo criminal ta’yo.” Reklamo ni Luke kahit saan kasi sila ay pinagtitingnan sila ng mga tao. “Don’t mind them ngayon lang sila nakakita ng guwapong katulad natin.” ngiting wika ni Augusto napakunot naman ang noo ni Luke. “Really?” Iyon na lang ang nasabi ni Luke sabay iling. “Sana palaging ganito ang mga customer natin, bakit kaya napadpad sila dito? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking katulad nila na sobrang guwapo. Walang tapon sa dalawa girl, kahit buto kakainin mo talaga.” saad ng isang babae na umabot naman sa tainga ng magpinsan. Tumili pa ang ilan sa mga kababaihan ng pumasok na sila sa elevator. “Mukhang uhaw sa lalaki ang mga babaeng iyon, wala ba silang nobyo? Anong akala nila sa atin pagkain?” natatawang saad ni Luke na ikinangiti ni Augusto. Nang makapasok na sila sa silid ay agad naghubad si Luke at dumiritso sa banyo. Lahat ng kailangan ay nandito na sa loob ng kuwarto kaya naman hindi na mahirapan ang dalawa. KINABUKASAN ay nagising si Luke sa ingay ng phone ni Augusto. “Ang ingay naman niyan?” wika ni Luke sabay kamot pa ng kanyang ulo. “Inggit ka lang dahil walang tumawag sa’yo.” pang-aasar ni Augusto dito. “Inggit agad? Hindi ba puwiding naingayan lang ako. Ba’t kasi ganyan ang ringtone ng phone mo?” Natigilan lang si Luke sa pagsasalita ng sagutin ni Augusto ang tumatawag sa kanya. “Good morning sweety, I love you!” sinadyang lakasan ni Augusto ang boses nito upang marinig ni Luke. Lihim na natawa si Augusto dahil narinig niya ang pagmumura ng kanyang pinsan. “Iwan ko sa inyo!” anito sabay talukbong ng kumot. Maya-maya pa ay natapos rin si Augusto sa pakikipag-usap sa phone nito. Nakahinga naman ng maluwang si Luke dahil makakatulog na ulit ito. “Bumangon ka na diyan aalis na ta’yo, hinahanap na ako ni daddy. Saka puntahan mo na si Antonette sigurado ako nag-alala iyon sa’yo.” “Sos, aminin mo na kasi na nobya mo ang naghahanap sa iyo at hindi si tito.” taas kilay na saad ni Luke sabay bangon nito. Biglang nakaramdam ng lakas si Luke ng marinig ang sinabi ni Augusto tungkol sa nobya. “Tama ka surpresahin ko siya, puntahan ko siya sa bahay nila.” mabilis pa sa alas kuwatro ang kilos ni Luke at sa isang iglap nakabihis na ito. Pagdating nila sa lobby ng hotel ay agad nakita ni Augusto ang kanyang driver. May kasama pa itong bodyguard na akala mo ay nasa meeting ang binata. Agad sumakay ang dalawa, umuulan pa rin ngunit hindi na katulad kagabi. “Ihahatid muna natin si Luke sa bahay ng nobya niya.” kausap ni Augusto sa driver nito. “Okay po Sir!” anito. Habang binabagtas nila ang basang kalsada ay hindi naman mapakali si Luke. Excited itong makita si Antonette na akala mo isang taon na hindi sila nagkita. Ilang sandali ang lumipas ay nasa harapan na sila nang mansyon ng mga Tan. “Thank you so much, mag-ingat ka’yo.” sabay tapik pa ni Luke sa balikat ni Augusto. Sa tapat mismo ng malaking gate bumaba si Luke kaya naman agad itong nakita ng guard. “Good morning Sir Luke!” bati ni manong guard sa binata. “Good morning po!” sabay kamay ng binata kay manong. “Pasok sir, nasa loob si ma’am Antonette.” masayang sabi ni manong napangiti naman si Luke alam na talaga ng guard ang sadya ng binata. “Thank you po manong.” anito at nagpasalamat ulit si Luke dito. Agad pinindot ni Luke ang door bell upang nakapasok ito. Nang bumukas ang doble door ay nagulat pa si Luke dahil daddy mismo ni Antonette ang nagbukas nito. “Magandang umaga po!” sabay mano ni Luke dito. “Honey, sino iyan?” nagulat rin ang mommy ng dalaga ng makita ang bagong dating na si Luke. “Tita, mano po, pasensiya na po ka’yo.” hindi pa natapos ni Luke ang kanyang sasabihin ng umiling ang ama ng nobya. “Hindi mo lang alam kung gaano mo pinasaya ang anak namin kapag makita ka niyang nandito ngayon.” nakangiting saad ng don, napayakap naman ang ginang sa kanyang asawa dahil sa tuwa. “Honey, gisingin ko muna si Antonette Ibabalita ko sa kanya na nandito si Luke.” saad ng ginang. “Tita, kung tulog pa po si Antonette hayaan mo munang magpahinga hihintayin ko po siyang magising.” anito. “Oh siya sige samahan mo muna ang tito mo at mag-usap ka’yo at ako’y maghahanda ng almusal.” aniya at tinungo na ang kusina upang magpahanda ng pagkain. “Manang, may bisita si Antonette paki-dagdagan ang menu natin.“ tumango si manang na nakangiti. Tumulong na ang mommy ni Antonette sa pagluluto para mabilis matapos. Marami silang hinandang pagkain alam ng ginang na nagugutom si Luke kaya nagluto ito ng paborito nila ni Antonette. “Ang suwerte talaga ni Luke dahil butong-buto ka’yo sa kanya.” komento naman ni manang. “Manang, kung saan masaya si Antonette ay susuportahan namin siya ng kanyang daddy.” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD