Napabalikwas nang bangon si Antonette ng mapagtantong tanghali na pala. Agad itong napahawak sa kanyang ulo dahil sumasakit iyon. Nang mapatingin siya sa kanyang phone ay laking gulat ng dalaga dahil alas onse na pala ng tanghali.
“My God, Lorelay wake up may lakad pa ta’yo!” sigaw nito sa katabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan. Nagulat pa ang dalaga dahil nakahanda na ang malaking bathtub nito. Puno ng petals ang ibabaw nakasindi rin ang mga maliliit na kandila sa gilid ng bathtub. Napaisip tuloy si Antonette kung sino ang naghahanda ng kanyang panligo. Napangiti ang dalaga ng ma-alala ang kanyang mommy. “Thank you mommy!” bulong ni Antonette, siguro nga gusto nang Ina na marelax ang isip ng kanyang unija Hija kaya ginawa niya ito. Hindi na nagsayang ng oras ang dalaga agad na itong nagbabad sa maligamgam na tubig. Kahit malamig ang panahon masarap pa rin maligo napapikit pa si Antonette dahil sa sobrang bango ng tubig. Inabot ng dalaga ang isang petals at inamoy iyon panandaliang nakalimutan ni Antonette ang mga iniisip niya sa mga oras na ito.
Nakaramdam ng pagod ang dalaga sa kanyang sarili. Ipinikit ni Antonette ang dalawa nitong mata at huminga ng malalim.
“Lore, maligo ka na para makaalis ta’yo ng maaga!” sigaw ulit ni Antonette mula sa loob ng banyo may narinig kasi itong ingay sa labas. At alam ng dalaga si Lorelay iyon dahil siya lang naman ang kasama niya sa kuwarto. Ganito naman sila magpinsan kahit may extra room dito sa bahay nila ay mas gusto pa nilang magkasama matulog sa iisang silid.
Dahil walang sumasagot galing sa labas ay hindi na nagsalita si Antonette. Patuloy lang ito sa pagpikit, hindi maintindihan ng dalaga ang kanyang sarili para bang may kakaiba sa pag-gising nito. Kung kanina ay masakit ang kanyang ulo ngayon naman ay puno ng saya ang kanyang puso. Ilang sandali lang ay umahon na si Antonette sa malaking bathtub at nagbanlaw ito ng katawan. Hindi na ito nagtagal kaagad niyang inabot ang puting towel at binalot ang hubad nitong katawan.
“Lore, bumangon ka na diyan, maligo ka na.” saad pa ni Antonette sabay hila sa kumot na nasa kama.
“Lore?” nagtataka naman ang dalaga dahil wala si Lorelay sa kama nito tanging unan lamang ang naroon. Nang mapatingin ito sa kanyang vanity mirror ay napakunot ang kanyang noo.
“Kanino naman kaya galing itong bulaklak?” kausap ni Antonette sa kanyang sarili.
“Have a good day, keep smiling!” Iyon ang nakasulat sa isang maliit na papel na nakalakip sa bulaklak.
“Good afternoon hija!” saad ni manang na galing sa kabilang banyo at may dala itong laundry basket.
“Manang naman ginugulat mo po ako, saan po ito galing?” sabay amoy ni Antonette sa bulaklak.
“Hija, pagpasok ko dito nakapatong na iyan sa vanity mirror mo.” saad ni manang ngunit ang totoo niyan alam na niya kung saan galing ang bulaklak.
“Bumaba kana hinihintay ka na nila sa hapagkainan, hija tanghali na baka malipasan ka ng gutom. Magbihis ka na at ako na ang bahala sa mga kalat mo dito.” aniya.
“Nagtataka naman si Antonette dahil ngayon lang niya napansin na parang may ibang taong nakapasok sa kanyang silid at alam ng dalaga na hindi si manang iyon lalo ng hindi si Lore.
“Manang, kanina ka pa ba dito sa loob ng kuwarto ko?” saad nito na nakakunot ang noo.
“Oo, kumatok ako pero hindi mo naman ako pinagbuksan kaya pumasok na ako. Pasensiya ka na pinapakuha kasi ng mommy mo ang mga laundry dahil siya raw ang maglalaba ngayon.” saad ni manang na nakangiti pa, mas lalo naman kumunot ang noo ng dalaga dahil may tagalaba naman sila.
“Wala po ba si Ate Pat?” mahina nitong tanong.
“Nag day off sila ngayon kaya ako lang ang naiwan dito sa bahay.” dagdag pa ni manang na ikinatango na lang ni Antonette.
“Manang ako na po ang magliligpit sa room ko, ako na rin po ang maglalaba ng marumi kong damit.” saad pa nito kaya naman napilitan si manang iwan ang basket na puno ng damit.
“Paki-sabi kay mommy pababa na po ako.” habol pa nitong sabi kay manang, tumango na lang ang matanda hindi na ito nagsalita at baka magkamali siya sa kanyang sasabihin.
SA KABILANG BANDA MASAYANG NAGHAHANDA NG PANANGHALIAN ANG MOMMY NI ANTONETTE KASAMA SI LORELAY.
“Manang nasaan na si Antonette?” tanong ng mommy nito.
“Nagbibihis pa susunod raw siya pagkatapos magbihis, at ikaw kanina ka pa hinahanap ni Antonette.” tukoy ni manang kay Lorelay na abala sa paglalagay ng pagkain sa lalagyan.
“Pagagalitan na naman ako noon.” ngiting wika ni Lore. “Manang, pakihatid na itong mga pagkain sa dining tatawagan ko lang ang sir mo at ang bisita ni Antonette.” parang kinilig pa silang lahat dahil sa biglang pagdating ng bisita ni Antonette.
“Tita, kami na po ang bahala dito.” saad naman ni Lorelay nang maka-alis na ang ginang ay natawa ng mahina si Lore.
“Mabuti hindi nagtanong si Antonette kung ba’t nawala ako doon sa tabi niya?” usisa ulit ni Lore sa matanda. “Hindi naman, pero inalis niya ang kumot akala kasi niya nakahiga ka pa doon sa kama.” natawa pa si manang kaya naman napatingin si Lore dito.
“Bakit po ka’yo natatawa?” aniya.
“Eh kasi naman kung nakita mo lang ang itsura ng pinsan mo matatawa ka talaga.” dagdag pa ni manang na mas lalong lumakas ang tawa nito. Natigilan ang dalawa ng pumasok si Antonette sa kusina nagtataka itong nakatingin sa kanila.
“Nasaan si mommy?” tanong nito na nasa pagkain nakatingin.
“Baka nasa garden!” nakataas pa ang kilay ni Lorelay lumabas na ito ng kusina dala ang mga ulam. “Manang, may bisita ba si daddy?” aniya.
“Hija, Ikaw yata ang may bisita hindi ang daddy mo.” Iniwan na ni manang ang dalaga sa kusina at hinatid ang mga prutas.
“Ako ang may bisita? Sino?” sabay turo pa ni Antonette sa kanyang sarili. Tumulong na rin siya sa paglabas ng mga natira pang pagkain sa mesa at dinala sa
dining. “Oh, nariyan ka lang pala? Sige na ihatid mo na iyan doon kukunin ko lang ang salad na hinanda ko.” nakangiti ang mommy ni Antonette.
“Bakit ang wierd ng mga tao ngayon dito sa loob ng bahay?” aniya, narinig pa ng dalaga ang hagikhik nang kanyang Ina. Napapailing na lang si Antonette habang papunta sa dining area.
“Nasaan na ang bisita ko? Sabi ni manang ako raw ang may bisita.” Iginala pa ng dalaga ang mata nito sa buong dining.
“Ayon oh!” sabay nguso ni Lorelay sa lalaking naglalakad papunta sa gawi nila.
“Luke!” muntik nang malaglag ang dala ni Antonette dahil sa pagkagulat.
“Yes my love It’s me, I love you and I’m so sorry kung pinag-alala kita ng sobra.” nakangiti si Luke habang hinihintay niya ang paglapit ng kanyang magandang nobya.
“I hate you so much. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Ang daya mo nakakainis ka.” hinampas ni Antonette ang matigas na dibdib ni Luke sabay yakap niya ng mahigpit dito.
“It’s okay if you hate me I understand, sorry my love hindi ko naman alam na mahuhulog ang phone ko sa tubig.” sinuklian ni Luke ng yakap si Antonette na para bang Ilang taon na silang hindi nagkikita. Napaiyak si Antonette hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman sa mga oras na ito.
“Stop crying please, nandito na ako hindi na mauulit iyon.” anito, hinalikan ni Luke ang noo ng nobya upang sa ganun ay mapakalma ito.
“Anak, kumain muna ta’yo mamaya mo na Imbistigahan si Luke nagugutom na iyan.” saad ng mommy niya na nakatingin pala sa kanilang dalawa. “Kaya pala ang wierd ninyong lahat, hindi man lang ninyo sinabi sa akin na nandito si Luke.” puno ng luha ang mukha ni Antonette na nakatingin sa kanila Manang, Lorelay, at sa Mommy nito.
“Sorry, hindi ka na namin ginising dahil wala kang tulog. Isa pa ayaw ni Luke na istorbohin ka kaya hinayaan ka na namin makatulog.” ani ng mommy nito. “Mommy, kahit na po sana man lang ginising ninyo ako para hindi ako mag-alala sa kanya.” pinahid ni Luke ang mukha ng dalaga at pinaghila niya ito ng upuan.
“Kumain na ta’yo, nagugutom na ako.” napatigil si Antonette ng magsalita ang kanyang daddy. “Sorry po dad!” aniya na nakangiti.
“Okay ka na ba? Aalis pa ba ta’yo?” pang-aasar ni Lorelay sa pinsan nito na parang bata dahil hanggang ngayon ay sumisinghot pa rin.
“Kainis ka!” Iyon na lang ang nasabi ng dalaga sabay kurot sa singit ni Lorelay.
“Naisahan ninyo ako humanda ka’yong lahat sa akin.” banta pa ni Antonette natawa naman ng mahina si Luke. Inabot niya ang kamay ng nobya at pinugpugan iyon ng halik.