NILAKAD lang namin pauwi ang mansyon, dahil iisang sasakyan lang ang ginamit namin kanina. Iniwan niya ito para sa kanila ni Madam. At ngayon ko lang naisip na hindi kami nagkapag-paalam!
Hinubad ko ang suot kong heels dahil ang bilis bilis niyang maglakad. Nahihirapan ako. Napahinto siya dahil huminto ako, sabay abot ko sa heels ko.
"What are you doing?" tanong niya. Nag-angat agad ako ng tingin at nakitang nagkasalubong na naman ang mga kilay nito. Ito na naman ang mukhang kinaiinisan. Itong mukha siyang galit. Kahit wala akong ginagawang masama!
"Masakit ang paa ko. Ang bilis mong maglakad! Akala mo nama'y kariton ang hinahatak." iritado kong sabi at winaksi ang kamay niya.
Lumapit siya sa akin na salubong pa rin ang kilay. Tumalikod siya sa harap ko at umupo sa ere.
"Ride me..." aniya, pero bakit ba double 'yon para sa akin?! Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nang hindi ako gumalaw ay bumaling siya sa akin.
"I said... ride on my back, Zella." sabi niya ulit.
"Ayoko.. maglalakad ako. Ang lapit lapit lang nama-."
"Ang tigas ng ulo." anas niya at bigla niya akong inalsa at inilagay sa balikat niya. Kaharap ko na ngayon ang pwet niyang mabilog.
"Taiden, ibaba mo 'ko!" sigaw ko sa pwet niya. Ito naman kasi ang kaharap ko. Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay naglakad pa ng mabilis.
"Taiden! Ibaba mo nga sabi ako!" wala pa ring nangyari.
I suddenly felt the world stopped, when he lightly slapped my butt cheek. Literal na nanigas ang katawan ko at uminit ang pisngi ko. Natigil din ako sa kakapadyak ng paa ko dahil sa ginawa niya.
"Oh, natahimik ka? Masarap ang palo sa pwet?" sabay tawa niya ng nakakaloko.
"Ang bastos mo!" sigaw ko
Humalakhak siya. "Atleast sayo lang." seryoso niyang sabi. Pag ganitong linyahan niya ay agad talagang nagwawala ang puso ko!
At ano daw? Sa akin lang? Maniwala. Kung makahawak nga kanina kay Sofiya, eh, daig pa ang mga tuko sa sobrang dikit nila sa isat-isa.
"Sinungaling. Ang higpit nga ng hawak mo kay Sofiya kanina, e." giit ko
Siya naman ngayon ang napatigil sa paglalakad at dahan dahan akong ibinaba. Nanliit ang mga mata niya ng para bang binabasa niya ang mukha ko.
"Are you jealous?" diretsa niyang tanong sa akin at nagpakurap-kurap ako. Bakit niya naman natanong 'yon? Mukha ba akong nagseselos? Sinabi ko lang naman ang nakita ko, ah.
Umisa ang kilay ko, pero nakita kong galing sa dibdib ko ang nga mata niya.
"Ikaw? Pagseselosan ko? Bakit, ano ba kita?" buong tapang kung sinabi at siya naman ngayon ang nagpakurap-kurap bago nagsalita.
"W-Wala. Wala pa." aniya
Wala pa? So may plano siyang maging kami? Pinilig ko ang ulo ko dahil parang naeengkanto yata ang utak ko. Kung ano-ano na lang ang naiisip.
"Hindi wala pa, kundi wala naman talaga, at hindi rin mangyayari." pumait ang sikmura ko sa sinabi ko. Mas mabuti ng imulat ko ang sarili ko sa katotohanang hindi ako pwedi sa mundo niya.
"You sound like, you're rejecting me." gumuhit ang lungkot sa mukha niya kaya nagsisi agad ako sa sinabi ko.
"Bakit naman kita ere-reject? Hindi ka naman nanliligaw sa akin." kapal-mukha kong sinabi. Bahala na.
"So... pwedi akong manligaw?" umikot ng bigla ang tiyan ko sinabi niya. Kung nananaginip man ako. Tangina, mapapatay ko ang sino mang gigising sa akin!
Umarte akong hindi naaapektuhan.
"Uh... hindi ko alam. Siguro?" oo tanong iyon, para hindi naman masyadong nakakahiya.
Humalakhak siya at namangha ako do'n. Hinawakan niya ang kamay ko at madiin akong tinitigan.
"I wanna court you. Will you let me?" he said in a very serious tone while watching me intently in my eyes. There's something on his eyes when he said it. It's kinda pure and real.
Alam kong siniksik ko na sa utak ko na hindi ako pwedi sa mundo niya. Na sigurado akong huhusgahan lang ako ng mga tao, at baka ano pa ang sabihin ni Madam. Pero sino bang niloloko ko? Itong ginagawa niya sa kalooban ko, alam ko kung bakit. Ngunit ayaw ko lang aminin sa aking sarili. Natatakot ako.
Pero bahala na.
Tumango ako at agad gumuhit ang ngiti sa mukha niya.
Hindi ko alam paano ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa ginawa kong pagpayag na manligaw sa akin si Taiden.
Hindi ako makapaniwalang ginawa ko nga 'yon! Hinatid pa niya ako sa kwarto ko at nagtaka siya kung bakit nawalang bigla ang lagnat ko, e, hindi naman talaga yun lagnat.
Sa lahat ng masayang umagang nagising ako ay ito na yata ang pinaka masayang araw ko.
Nakadamit pang skwela na 'ko at bumaba. Alas 8 ang klase ko pero alas 5 pa lang ay bababa na ako para tumulong sa kusina.
"Good morning, Nay!" bati ko kay Nay Helen na nagkakape habang kausap ang isang katulong na naluluto.
"Ang saya mo naman ngayon, Zella. Wala na bang lamok sa kwarto mo at hindi ka nakagat? Kaya masaya ang gising mo?" naalala ko ang sagutan namin noon ni Taiden dito sa kusina patungkol sa lamok na ibig sabihin ay ang kunting pagkagat niya sa labi ko no'ng hinalikan niya 'ko.
"W-Wala na nga'ng lamok Nay." sagot ko at tumulong sa pagbabalat ng hotdogs.
"Good Morning." baritonong bati ni Taiden. Alam kong siya 'yon kahit nakatalikod ako.
Ganito ba talaga pag alam mong liligawan ka? Parang akongvnaiihi at nahihiya akong tumingin sa kanya. Parang gusto ko na lang umalis dito sa kusina. Parang... parang ayoko siyang kasama sa isang lugar na , ewan! Hindi ko maintindihan!
Bumati ang lahat sa kanya pabalik maliban sa akin.
"Tulungan na kita." napaigtad ako sa gulat ng bigla siyang magsalita sa likuran ko kaya nabitawan ko ang kutsilyo. Dali-dali ko itong pinulot at napunta ang paningin ko sa mabalahibo niyang benti. Napalunok ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
Dahan dahan akong tumayo habang galing sa ibaba ang mata ko paitaas... na sana... ngunit napako ang mata ko sa malaking umbok doon sa sweat pants niya.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at binalik ang titig sa jumbo hotdog na binabalatan ko. Napapikit ako ng bahagya, dahil iba na ang iniisip ko habang hawak ko ang hotdog.
Bwesit.
"Hey." aniya at bumaling ako.
"Ano?" tanong ko ngunit nagtaka dahil nakangisi siya. Inabot niya ang hotdog sa kamay at bahagyang lumapit pa.
"You look pale when you glance at my hotdog." sabay bahagya niyang halakhak at alis sa harapan ko.
Hinawakan ko ang pisngi ko. Talaga bang namumutla ako? O niloloko lang ako ng unggoy na 'yon?
Nag offer si Taiden na siya ang maghahatid sa akin dahil masakit daw ang tiyan ni Mang Jojo. Pero nakita ko si Mang Jojo na sobrang gana pang kumain ng agahan bago pa man ako makapagsabi kay Mang Jojo na magpapahatid ako.
Tahimik lang kami sa byahe at inaasar niya parin ako dahil doon sa pamumutla ko daw. Sino ba naman kasing hindi mapuputla? Mukhang tulog pa 'yon pero mukhang gising na gising na!
Kaya ito, lutang ako sa klasi.
"Ms. Baker, again. What are the key responsibilities of flight attendants?" si Prof.
Kung saan saan kasi lumilipad ang utak mo Zella, kaya ito sige sagutan mo.
Nang hindi ako makasagot ay nag-isa ng kamay si Sofiya at tinuro siya ni prof.
"The key responsibilities of flight attendants includes optimising the passenger experience and maintaining high levels of safety. Other responsibilities include delivering safety demonstrations, serving food and drinks and liaising with colleagues." taas boong sagot ni Sofiya at inirapan pa 'ko ito umupo.
"Hoy, you're spacing out. Anong nangyayari sayo?" tanong sa'kin ni Suzie.
Ngumiti lang ako sa kanya at pinilit mag focus. Kasalanan mo talaga 'to ng lalaking 'yon!
"Mukhang ikaw ang magiging magna c*m laude nito, Sofiya. Yung iba kasi diyan muntanga sa klasi." si Margaux
Katabi namin sila ng table sa canteen. Kahit pa may distansya ang kalayuan ay naririnig ko sila. Alam ko namang sinasadya nilang lakasan ang boses nila para marinig ko.
"Surely! Nakita n'yo etsura n'ya kagabi? Infairness, hindi mukhang katulong. Kundi, mukhang alalay nila Ninang." at sabay silang nagsitawanan.
Tatayo na sana si Suzie ngunit pinigilan ko siya. Ayoko ng gulo at wala ring mangyayari kung papatulan pa sila.
"Bakit mo ba kasi ako pinipigilan, Zella? Iniinsulto ka nila tapos papayag ka lang?" iritadong sabi ni Suzie.
"Hayaan mo na. Mapapagod din yan sila." saad ko.
"Eh kailan?" giit niya.
Nagkibitbalikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung titigilan pa ba nila ako sa pang iinsulto nila. Napabaling kami ni Suzie sa kanila ng tumili si Sofiya habang nakatitig sa cellphone niya.
"Look! si Taiden, nag text siya sa'kin!" sabay pakita niya sa cellphone sa mga kaibigan.
Sumikdo ang puso ko. May number pala si Taiden ni Sofiya? Ano naman kaya ang itenext niya at gano'n na lang ang tili ni Sofiya?
Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone ko at kaagad bumagsak ang balikat ng makitang walang text na natanggap galing kay Taiden.