Kabanata 11

1514 Words
SOMETIMES, someone comes into your life so unexpectedly and takes your heart by surprise. Nakakahiya mang aminin, na kahit nagbabangayan kami minsan at palaging hindi nagkakasundo ay unti-unti siyang nag-iiwan ng marka sa puso ko. At natatakot akong ang markang iyon, ang maging dahilan ng pagkawasak ng puso ko. Would I let him in? "Hey. Ang tahimik mo." aniya at habang nagmamaneho dahil sinundo niya 'ko. Umiling ako at tumingin sa bintana sa gawi ko. Gusto ko siyang tanungin kung totoo nga'ng magka text sila ni Sofiya. Pero sino ako? Wala akong karapatan. Nanliligaw pa naman siya sa akin. Tahimik kami sa buong biyahe at hindi na rin naman siya nagsalita, hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Bumaba siya at agad akong pinagbuksan ng pintuan. Matapos kung makababa ay de-diretso na sana ako paakyat sa mansyon ng hawakan niya ang kamay ko. Nabaling ako sa kanya at nanunuri ang mga titig niya sa akin. "What's wrong? Bakit ang tahimik mo." tanong niya at ngumisi lang ako ng bahagya. "Ayaw mo no'n. Hindi tayo nag-aaway?" giit ko, pero binabagabag talaga ang isip ko kung bakit sila magka text. Hindi kumbinsido ang mukha niya sa sinabi ko, sa halip ay yumuko habang hawak pa rin ang kamay ko at nilalaro na naman niya ang mga daliri ko. "Mas gugustuhin ko pang awayin mo 'ko palagi. Kesa ganito, hindi mo 'ko kinakausap. Ayoko nito, Zella." Nakayuko niyang sinabi. Ang lalaking 'to. Simpleng mga salita lang niya ay nanlalambot agad ako. Napapalis niya ang inis ko at pag-aalala ko. Nakakatakot, dahil ganito ka lakas ang epekto niya sa akin. "Pagod lang ako." pagsisinungaling kong sabi at hindi nag-aangat ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa batok ko at hinahalikan niya ang noo ko. "Rest, then." sabi niya sa gitna ng paghalik niya sa akin. They say a kiss on the forehead is a secret message of... love and tenderness. He might look ruthless because of this awra he got. He might be heartless by his words sometimes, but I don't see those things right now. I don't know why he's letting me see this soft side of him. But, I somehow felt especial. Matapos kung gawin ang homeworks ko ay humiga na ako ng tumunog ang cellphone ko. Keion: 'Nasa baba kami. Tulog ka na?' Mag-aalas 10 na pero andito sila? Bakit naman kaya? Nagtipa agad ako ng sagot. Ako: 'Hindi pa naman. Bakit kayo nandito?' Wala pang ilang segundo ay nag-reply agad si Keion. Keion: 'Tatambay lang, uuwi din maya-maya. Sige, matulog ka na. Masama na ang tingin sa akin ni Taiden, e.' Napangisi ako sa sagot niya at hindi na nag-reply pa. Kinaumagahan ay maaga na naman akong nagising para tumulong sa kusina. Nadatnan kong nakahanda na ang lahat sa mesa, e, alas 5 pa naman. "Nay? Ang aga niyo namang nagluto. Hindi na tuloy ako nakatulong." sabi ko "Okay lang, iha. Maaga kasing umalis si Taiden. Pupunta daw 'yon kela Sofiya." and that's it, sumikdo ang puso ko sa sinabi ni Nanay. Bakit naman siya pupunta do'n ng ganito ka aga? At ano naman ang gagawin niya do'n? Pinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim upang maibsan ang paninikip ng dibdib. "Bakit daw po nagpunta do'n Nay?" buong ingat kong sabi upang hindi pumiyok. "Gusto daw magpahatid ni Sofiya sa school. Kaya ayon, nagmamadali nga." parang pinilipit ang puso ko do'n. Gusto ko siyang singhalan, dahil ako ang nililigawan niya. Pero bakit kay Sofiya ang atensyon niya? Hindi ko maintindihan. Walang gana kong kinain ang agahan 'ko at nagmadali para sa skwela. Pipilitin kong wag masyadong isipin 'yon. Ayokong maulit na naman ang nangyari kahapon. Pero akala ko gano'n kadali, gayung bukambibig iyon ni Sofiya. "Yes, hinatid ako ni Taiden. And guess what? Araw-araw na niya akong ihahatid." kwento ni Sofiya sa mga kaibigan niya habang nasa libro lang ang mga mata ko. Gustuhin ko ma'ng magbasa... pero malabo. "Uyy... nanliligaw na ba siya sayo Sofiya?" si Margaux. "Siguro? Pero masyadong halata." ani Sofiya. "Bagay na bagay naman talaga kayo. Walang duda!" sabat ng isa pa niyang kaibigan. Sobrang sikip na ng dibdib ko sa mga naririnig. Gusto kong sabihin sa kanila na nanliligaw sa akin si Taiden. Pero siguradong hindi sila maniniwala. Sino ba naman kasi ako para ligawan ni Taiden? Si Suzie lang yata ang naniniwala sa mga sinasabi ko. Siniko ako ni Suzie at pabulong na nagsalita. "Akala ko ba, may something na sa inyo? Bakit hinahatid niya si Sofiya?" Nag-angat ako ng tingin kay Suzie na May naguguluhang ekspresyon sa mukha. Nagkibit balikat ako. "Lasing lang siya no'n, Suzie. Walang something." giit ko. Ako lang naman yata itong may something para sa kanya. Baka nagbibiro lang siya no'ng sabihin niyang gusto niyang manligaw. Ako naman si tanga, pumayag agad. "Kayo ni Anjo Zella? Ano ng status n'yo? Kayo na ba?" sabay tawanan nila. Hindi ko na iyon pinansin, masyado ng masama ang kalooban ko sa lahat. "Buti pa si Suzie, may Elton na. Sagutin mo na agad si Anjo, Zella. Bagay na bagay naman kayo." ulit ni Sofiya. Napatayo si Suzie at hinarap si Sofiya. "Ikaw, ang chismo-chismosa mo. Mag kaibigan lang kami ni Elton! At tigilan mo na si Zella!" sikmat niya sa kanila pero tinawanan lang siya. Gano'n ang naging eksena buong araw. Palagi silang nag-uusap usap tungkol kay Taiden. Nasa huling subject na kami ng nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang text ni Taiden. Taiden: 'Andito ako sa labas ng gate. Sinusundo ka.' Hindi ako nag-reply at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Baka wrong sent lang 'yon. Mapahiya pa 'ko. Matapos ang klasi ay agad na kaming naglakad palabas ng gate ni Suzie. Nadatnan nga namin si Taiden na nakahilig sa sasakyan. Naka maong at puting v-neck shirt habang nasa balikat nakasabit ang itim na leather jacket na hawak-hawak niya. Nakukuha niya agad ang atensyon ng mga estudyante, ang iba ay nagtitilian pa nga. "Sa umaga si Sofiya ang ihahatid, at sa hapon ikaw ang susunduin. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya sayo, Zella?" "Ewan. Hindi ko alam." sagot ko at exaheradang huminga si Suzie. "Wala akong pakialam kung ganyan siya ka gwapo, pero hindi nakaka gwapo ang mang gago ng babae." giit niya. "Hindi naman siguro." "Naku, pinagtatanggol mo pa. Pag ikaw pinaiyak niya'n h'wag mong sabihing hindi kita pinagsabihan, Zella. Sinasabi ko sayo. Wag na wag kang magpapaligaw!" paalala ni Suzie. Huli na ang lahat. Pumayag na akong magpaligaw sa kanya. Pero hindi ko maintindihan ang pamamaraan ng panliligaw niya. Para maintindihan ko, siguro kailangan ko na siyang tanungin. Agad niyang nahanap ang paningin ko at umayos siya ng tayo sabay lakad papunta sa akin. Binati niya si Suzie na plastic ang ngiting ibinigay sa kanya. Kinuha niya din ang bitbit kong libro at hinawakan ang aking kamay. Nagpaalam na din si Suzie dahil and'yan na ang sundo niya. Pabaling-baling ang ulo ko dahil natatakot akong may makakita na nakakakilala sa akin at baka umabot pa ito kay Sofiya. Ako na naman ang magiging pulutan nila kung magkataon. "Sinong nililingon mo?" tanong niya ng makitang busy ko sa paglingon kung saan-saan. "Uh... wala.. Tara na." sabi ko at nagmadali ng pumasok sa sasakyan. Kakapaandar niya pa lang ay kinuha niya na naman ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. Mannerism niya yata 'to. Pero wala siyang ka ide-ideya paano nito pinapa talbog ang puso ko sa simpleng hawak niya. "Kinakahiya mo ba 'ko?" napabaling agad ako sa kanya dahil sa tanong niya. Bakit niya naman naisip 'yon? "Hindi. Paano mo naman nasabi?" tanong ko habang nasa kalsada lang ang tingin niya kaya libre akong titigan siya. "You were acting like you're afraid that someone might see us, Ze." may kung anong nagsiliparan sa tiyan ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'Ze'. Lahat ng tao ay Zella lang ang tawag sa akin. Siya lang ang tumawag sa akin no'n. Tumikhim ako at nagpakurapkurap. "Hindi naman sa gano'n." sagot ko. Tumingin siya sa akin at ito na naman ang mga mata niyang nanunuri sa akin na para bang binabasa niya ako. "Bakit... iba ang pakiramdam ko. Bakit parang, natatakot ka'ng may makakita sa atin. May dapat ba akong malaman, Ze?" kinabahan agad ako sa ginamit niyang boses. Kakaiba iyon. Parang nananakot. Umiling ako. Ito na siguro ang tamang oras para magtanong. "Uh... magka text kayo ni Sofiya? A-At...hinatid mo daw siya?" tanong ko at nakitang nag-iba agad ang ekpresyon ng mukha niya. "Yes." sagot niya agad. Dapat e matuwa ako dahil nagsabi siya ng totoo, pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko. "Bakit?" kuryoso kong tanong. Huminga siya ng malalim at sa daan pa din ang titig. "Inaanak siya ni Mommy. We're just friends, Ze. Don't worry about her." sagot niya. Friends. Kailan pa sila naging friends, e, no'ng birthday nga ni Sofiya ay di niya ito halos batiin at ayaw pang isayaw. Tapos ngayon biglang friends? Pinilig ko ang ulo ko. Siguro nga tama siya. Wala akong dapat ipag-alala. Ninang ni Sofiya si Madam, kaya natural lang na maging close sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD