PAGDATING namin sa mansyon ay nadatnan namin ang maraming nakaparadang mga sasakyan. Andito na naman ang mga kaibigan niya.
"Oh." sabi ng lahat ng makita kaming magkasabay na pumasok sa loob.
"Zella baby, anong status n'yo? Naka-ilan na?" kuryusong tanong ni Elton sa akin.
"Watch your mf mouth, Roux!" sikmat ni Taiden pero nagtawanan lang ang lahat maliban kay Keion na seryoso lang ang tingin sa akin. Tumango siya sa akin at ginawaran ko siya ng ngiti. Sobrang misteryoso talaga ng taong 'to.
"Uh...excuse me. Bihis lang ako. Uh... may gusto ba kayo? Ipaghahanda ko." nahihiya kong tanong sa kanila.
"Wala silang kailangan, Ze. Magbihis ka na." si Taiden ulit na hindi na maipinta ang mukha.
"Bakod agad. Akala mo naman talaga e." pang-aasar ni Macsen.
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Macsen at nakitawa na din si Keion.
"Hayaan n'yo na. Nagbibinata na ang big boss natin." komento ni Dale.
Hindi na ako nagpaawat at umakyat na'ko para magpalit. Mabilis na pagbibihis lang ang ginawa ko dahil sigurado akong may mga utos ang mga 'yon.
Pagkababa ko ng hagdanan ay narinig ko agad ang ingay sa pool. Andun sila.
Pumunta agad ako doon para magtanong ulit ng mga kailangan nila.
Nadatnan kong naliligo sa pool si Macsen, Dale at Mozes. Samantalang naglalaro naman ng chess si Keion at Elton, habang si Taiden ay nakayuko lang at busy sa cellphone.
Nang mapansin nila na papalapit na ako ay tinawag agad ko ng mga lalaking nasa pool, at agad akong lumapit.
"May kailangan kayo?" tanong ko.
Umiling ang tatlo at bahagyang lumapit sa gilid ng pool.
"Kayo na ba? Sabihin mo na, atin-atin lang naman 'to." mahinang boses ni Dale at pabaling baling sila sa kinaroroonan ni Taiden na nasa cellphone pa din ang titig. Ano kayang ginagawa n'ya? Hindi n'ya man lang yata napansin na andito na'ko.
"Ano?" si Macsen iyon.
"Hindi. Nanliligaw pa lang." sabi ko
"Ayon... maypa ligaw-ligaw na e, hindi pa nga tapos ang problema." si Mozes iyon. Kumunot ang noo ko doon. Ano'ng problema kaya ang ibig sabihin niya?
"Uh... anong problema ba 'yon?" nagkatinginan agad ang tatlo sa sinabi ko.
"Wala kaming karapatang sabihin sayo 'yon Zella. Basta, kahit anong mangyari andito lang kami. Kaibigan mo na din kami." ani Macsen
Ngayon, gulong-gulong na ang utak ko.
Wala silang karapatang sabihin sa akin? Ang alin? At sino ang dapat magsabi? At tungkol saan?
Hindi nawala sa isip ko iyon habang binibigyan sila ng mga kailangan nila. Tumunog naman ang cellphone ko at nakitang si Taiden ang nag text.
Tumingin ako kung nasaan siya pero wala na siya doon.
Taiden:
'Usap tayo, please. Andito ako sa kwarto. Iwan mo na yang mga yan, hindi sila mga baldado.'
Napangiti ako at aakyat na sana sa taas ng may humawak sa braso ko. Nang lumingon ako ay nakitang si Keion, 'yon.
May pag-aalala sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.
"K-Keion." sabi ko sabay tingin sa kamay niyang nasa braso ko.
Huminga siya ng malalim at napahawak sa batok at napapikit.
"I'm sorry. You should go." aniya at pailing-iling na umali papunta kung saan.
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang may gusto siyang sabihin sa akin? Mas lalo lang itong dumagdag sa alalahanin ko. Pinilig ko ang ulo at nagpatuloy na papunta sa kwarto ni Taiden.
Bago ko pa buksan ang pintuan ay huminga muna ako ng malalim. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa akin ang napakaraming red and white balloons na nakadikit sa kisame. Sa bawat dulo ng tali nito ay ang ikinagulat ko... mga old pictures ko.
Mga litrato ko ito habang kumakain, naglilinis o di kaya ay nagdidilig ng halaman. Halatang candid ito lahat. Bakit may ganito siya?
Iginiya ko pa ang aking mga mata sa kwarto. May mga mumunting kandila na siyang nagsisilbing ilaw sa kwarto. At nang makalapit na ako sa kama ni Taiden ay may pink rose petals na ginamit upang makabuo ng letra.
'Will you let me in, Ze?' ang nabuong mga salita gamit ang rose petals.
Hindi ko na maitago ang ngiti sa mukha ko. Kani-kanina lang ay ang daming gumugulo sa isip ko, at sa isang iglap lang... naglaho ang lahat.
"Will you let me in, Ze?" boses iyon ni Taiden galing sa aking likuran. Lumingon ako at nakitang may dala siyang boquet of pink roses. Namangha ako sa sami nito! Isang daan? Dalawang daan? Gano'n kadami.
Bagong paligo siya, at black v-neck shirt na ngayon ang suot niya. Hindi ko alam pero namamangha ako sa suot niya. Because of his black shirt, cross earings and his textured quiff hairstyle.
With his dark intense gazed and all. He looks ruthless and a... beast.
"B-Bakit may mga pictures kang ganito?" tanong ko at ngumiti siya sabay tingin sa mga pictures na nakasabit sa dulo ng tali ng mga baloons.
"Kay Mommy." aniya
Nagpakurapkurap ako sa sinabi niya. Kay Madam?
"Huh?" tanging nasabi ko. Humalakhak siya ng kunti na para bang nakakatawa ang naging reaksyon ko.
"She once sent me a photo of our new nanny, and thats you." aniya na may ngiti pa din sa labi.
"Huh? B-Bakit naman ise-send sayo ni Madam?" naguguluhan kong tanong.
"I don't know. But I'm glad she did." aniya at lumapit sa akin sabay abot ng bulalak na dala niya.
Para akong matutunaw sa kinatatayuan ko. Naguguluhan na ako kung alin pa ang uunahin kong pigilan. Ang kalabog ba ng puso ko, ang ngiti ko ba, o ang markang iniiwan niya sa akin na unti-unting... lumalaki.
Tinanggap ko 'yon at nagpapasalamat.
"Uh... bakit mo ginagawa 'to? Anong meron?" buong buhay ko, hindi ko inisip na mararanasan ko ang ganito na sa internet ko lang nakikita. Sobrang saya ng damdamin ko.
"Ze... I'm courting you. And now, I'm asking you, if you would let me in?" sabay turo niya sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Will you be my girlfriend, Ze?" tanong niya habang nakatingala ako sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya.
I felt my heart beats, abnormally. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko at pakiramdam ko ay aakyat na ito sa leeg ko.
"B-Bakit ako? A-Akala ko, may gusto ka kay Sofiya." sa wakas nasabi ko din.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Tinitigan n'ya ko sa mga mata na para bang may makikita siya doon, at natatakot nga akong makita niya kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
"Hindi ko siya gusto, Ze. It's you I'm in love with. Nasa ibang bansa pa lang ako, gusto na kita. Funny, I haven't met you yet that time. Mga pictures mo lang, na palagi kong inaabangan galing kay Mommy..." umiling siya at bahagyang yumuko at ngumiti na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya. "Ngayong nakita na kita sa personal, I can say... I'm f*****g smitten with you, Ze." aniya at sabay mahinang mura.
Wala ng paglagyan ang tuwa at pagkamangha sa dibdib ko. Akala ko, nag-aasume lang ako. Pero totoo pala ang hinala kong baka may gusto siya sa'kin.
Pero paano na ang mga inaalala ko? Paano kong husgahan nila 'ko? Si Madam o Sir Darius? Paano kong magalit sila sa akin?
I'm happy, really really happy. But what if this happiness is short-live only? Makakaya ko ba 'yon?
Bahala na.
Ngumiti ako at hinawakan ko pabalik ang kamay niya.
"Ano nga ulit 'yong tanong 'mo?" sabi ko at napangiti siya doon.
"Will you be my... uh no scratch that. Be my girlfriend, Ze." aniya
Dahan-dahan akong tumango at mas lalong lumaki ang ngiti niya.
So many what if's on my mind. Pero pwedi ko bang isantabi na muna 'yon at sundin ang gusto ng puso ko?
"Oo. Sinasagot na kita." sabi ko.
Lumapit siya sa akono at hindi parin mawala ang ngiti sa labi. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at pinakatitigan ako ng mariin.
"I love you f*****g much, Ze." aniya habang sapo niya ang mukha ko.